Top 10 Gambling sa Pinas

ANG mga Pinoy, lalo na sa mga “class C at D” ay mahilig magsugal upang kumita ng pera. Ang pagsusugal ay isang temptasyon at maaaring ma adik tayo dito kung hindi natin titigilan. Ang mga sugal mapa iligal man ito gaya ng jueteng at masiao ay minsan nakakasira kaya mag-ingat sa pagsusugal.
Sa hatid ng “POPBITS” narito ang “top 10” na sugal sa Pilipinas ayon sa pag-aaral.

10. TAKSI

Photo from facebook.com/PinoyAstig2019

Ang larong ito ay karamihan nilalaro ng mga teenager na kung saan may pamato sila na “coins” at patatamaan ang mga barya na nakalagay sa square na ginuhit sa lupa. Sino man ang makakaubos ng barya sa loob ng square ang siyang mananalo sa pustahan.

9. HANTAK o KARA Y CRUZ

Photo from pilipinomirror.com

Ang sugal na ito ay ginagamitan ng tatlong barya (mostly P1 coin) na siyang ihahagis sa ere at kung parehong tao (kara) ang lumabas panalo ang bangka at kung cruz naman ang lumabas, panalo ang mananaya.

8. LOTTO

Photo from ask2use.com

Dito maraming mananaya at naghahangad na maging milyonaryo upang matamaan ang anim na numero ng 6/49 lotto

7. POOL o BILLIARDS

Photo from mentalfloss.com

Ito ay very popular sa mga delikuwenteng mga estudyante. Ang ilang Filipino ay talented sa ganitong laro at sa paglaro ng pool o billiards ay kailangan ng skills para tamaan ang bola para nae-shoot sa pocket.

6. BINGO

Photo from freepik.com

Most likely, ang mga naglalaro ng bingo ay nasa middle-age o kaya ay matatanda bilang parte ng kanilang pastime, ito ay madaling laruin, nakakaaliw lalu na kung ikaw ay mananalo.

5. MAHJONG

Photo from freepik.com

Itong larong ito ang isa sa mga pinaka popular na sugal sa Pilipinas, Paano maglaro ng mahjong? Tanungin ang adik sa mahjong.

4. TONG-ITS o PUSOY

Photo from freepik.com

Asa itong sugal na ito ang kinalolokohan lalo na ang mga kababaihan na nasa bahay lang at walang magawa at linalalaro ito karamihan sa lamay ng patay na may biscuits at kape.

3. BOXING

Photo from premierboxingchampions.com

Ang larong ito ay isa sa mga kinalolokohan ng mga Pilipino lalo na ang mga lalaki, at isa mga pinaaabangan ng mga kalalakihan ay ang laban ni Manny “Pacman” Pacquiao.

2. SABONG (cock fighting)

Photo from freepik.com

Ang sugal na ito ay kung saan maglalaban ang dalawang tandang na manok at magpupustahan sa “WALA AT MERON” ang mga mananaya at ang manok na namatay ay siyang talo, mostly mga kalalakihan ang nahuhumaling dito.

1. JUETENG

Photo from wikipedia

Ang sugal na ito ang iligal sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang tumatangkilik dito, sa halagang P5 lamang ay puwede mong itaya sa jueteng sa pamamagitan ng dalawang numero ngunit ayon sa ating batas ito ay iligal na gaya ng “masiao”.

Ang pagsusugal ang hindi naman masama kung ito ay gagawin lamang sa paglilibang at hindi ito seseryusuhin at makakaapekto ng masama sa buhay ng bawat Pilipino.

Cover photo from freepik.com

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits