Napolitika ba si Chot Reyes o talagang bano sya? May gilas o kisig pa ba tayong maipapakita sa larangan ng basketbol o time na para lumipat na rin ng larangan?
@popbitsph Mag football na lang tayo?
♬ original sound – popbitsph
Marami sa ating mga Pinoy ang die hard fan ng larong basketbol. Mga batang walang muwang pa lamang tayo ay mahilig nang maglaro at mag-dribble ng bola sa kalsada, sa eskwelahan tuwing recess at uwian, at maging sa mga larong pang-barangayan.
Sino ang makalilimot noong dekada sitenta sa kasikatan ng Crispa-Toyota, maging nina Jaworski at Fernandez. Kung wala ka pa noon o hindi mo pa sila kilala ay maaari mong ipakwento sa tatay, tito o lolo mo dahil tiyak alam nila yan!
‘Yong kakaunting tagumpay natin sa pakikipaglaban sa Fiba Asian Cup at Jones Cup noon ay talagang ipinagmamalaki natin at ‘yong mga panalo natin noong 2014 laban sa South Korea gamit ang Gilas team ay sariwang-sariwa sa kaisipan nang karamihan dahil umabot pa tayo sa World Cup competition.
Kahit nga isang panalo lang tayo noon sa World Cup Championship sa Brazil ay lahat naman ng talo natin ay maliliit lang ang lamang ng kalaban. Sadyang maraming Pinoy ang nagwagayway ng ating bandila pagdating sa larangan ng basketbol.
Kaya dito nagkaroon tayo ng pag-asa na baka nga ang basketbol ay para sa atin. Ang problema, itong nakaraang taon puro masasakit na talo ang naranasan ng Gilas Pilipinas.
Natalo tayo sa SouthEast Asian championship kontra Indonesia for the first time since 1989. For the first time din natalo tayo sa Japan sa quarterfinals naman ng Asian championship qualifiers.
Ang pangalan ni Chot Reyes, ang kasalukuyang coach ng Gilas ay nag-trending for the wrong reasons. Maraming gusto na siya ay palitan dahi. sa sunod-sunod na talo ng koponan. Pero mukhang hindi natitinag si Chot at tuloy pa rin na naglalabas ng statement sa media.
Gaya nitong nakaraan na hindi daw kailangan Manalo sa Lebanon. Naku, lalong uminit ang galit sa kanya ng mga Gilas fans. At eto nga natalo na naman tayo laban sa Lebanon, kahit nandyan ang Fil-American NBA star na si Jordan Clarkson.
Baka naman kailangan na rin natin pag-isipan kung talagang para sa atin ang basketbol. Ang daming sports na tayo ay mas hiyang. Gaya ng baseball at ng football.
Hindi man lahat sa atin ay expose sa world class na mga larong ito ay maaari pa rin itong matutunan at pag-aralan dahil sa likas na bilis, kisig, at galing ng Pinoy saanmang larangan. Ni hindi kailangan ng tangkad sa mga larong ‘yan.
Saan kaya ang problema? Baka nagiging scapegoat na lang si Chot.
At kahit na sabihin mo na overstaying na si Chot, dalawang trabaho ang sinabay niya–coach ng Gilas at ng PBA team ng TNT, kaya nagkakaganyan ang Gilas team. Ang tanong, kaya ba niyang panindigan na kaya natin maging singgaling, ok kahit na huwag na muna ng Amerika, kungdi ng mga team sa Europa, kaya ba?
Kung hindi naman, baka oras na upang simulang mag-ensayo sa futbol at mag-engganyo ng mga kabataan na ‘yon naman ang pag-aralan at matutunan. Basketbol man ang kinagisnan nang lahat ay marami pa namang sports na tiyak ay kayang-kaya bitbitin ng bansa. Why not futbol?