5 Tips para Manalo sa Lotto

Paano manalo sa lotto

Sa kontrobersyal na pagkapanalo ng 433 bettors sa 6/55 lotto draw para sa P230 million jackpot prize, marami ang nagsasabi madali lang pala manalo sa lotto, pero madali nga lang ba talaga? Paano manalo sa lotto?

Sa nasabing 6/55 draw ay 4.9 million ang tumaya, 433 ang nanalo na nakakuha ng kombinasyon na 9,18,27,36,45 at 54(divisible ng 9), ang bawat isa ay tatanggap ng P545,245 gross subalit bawas pa na 20 percent na Train Tax ay P436,126 ang kabuuang maiiuwi ng bawat winner.

Sa mga nanalo, 12 sa mga ito ang napili ang numero sa pamamagitan ng “Lucky Pick” habang karamihan ay inaming alaga nila ang numero.

Gaano ba kadali manalo sa lotto? Sabi nila mas malaki pa ang tiyansa na tamaan ka ng kidlat kapag kumikidlat at mamatay sa plane crash kaysa manalo ka sa lotto, sa kabila nito, marami pa rin ang tumataya at umaasa sa “swerte”.

Bago tayo magbigay ng tips, balikan muna natin ang kasaysayan ng lotto sa Pilipinas para sa kaunting trivia.

Ang lotto sa Pilipinas ay nagsimula noon pang 1833,  maging si Dr Jose Rizal ay inasa ang kanyang swerte sa lotto nang tumaya ito habang nasa Dapitan, ang napanalunan ni Rizal ay ginamit nya para sa isang educational project.

Taong 1935 nang maestablisa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos aprubahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Republic Act 4130, ang pangunahing mandato ng PCSO ay makalikom ng pondo sa pamamagitan ng lotteries, sweepstakes at races.

Sa ilalim ng batas 15% lang ang matitira sa PCSO na pondo habang 55% ay para sa lottery prizes habang ang 30% ay para sa pondo sa charity, medical assistance/services at health programs.

Kaya ang motto ng PCSO, tumaya ka na nakatulong ka pa dahil ang bawat taya ay tiyak na tulong na sa kapwa Pilipino.

Photo from PSCO Official Facebook Page

Ma-swerte ka ba? Heto ang listahan ng tiyansa mo bawat laro. Sa ngayon ay 8 ang lottery games ng PCSO kabilang ang three-digit, four-digit at fixed payout  subalit ang 5 major lottery games nito ay ang mga sumusunod:

1. Lotto 6/42 – ang tiyansa mo na manalo dito ay 1 sa bawat  5,245,786.

2. Mega Lotto 6/45 – ang tiyansa mo na makuha ang 6 na numero ay 1 sa bawat  8,145,060.

3. Super Lotto 6/49 – ang tiyansa mo na manalo ay 1 in 13,983,816.

4. Grand Lotto 6/55 – dito nanalo ang 433 bettors at dito rin napalalunan ang pangalawa sa pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng PCSO na nasa P 741,176,323 na napanalunan ng isang balikbayan. Ang tiyansa na manalo dito ay 1 in 28,989,675.

5. Ultra Lotto 6/58 – ang palaro na ito ay may minimum agad na P50 million premyo. Noong 2018 ay gumawa ito ng kasaysayan sa lotto nang umabot sa P1B ang premyo. Dahil mas maraming numero, ang tiyansa na manalo dito ay 1 in 40,475,358.

Photo from facebook.com/pcsoofficialsocialmedia

Mga TIPS kung paano manalo sa Lotto:

1. Lucky Pick(computer-generated number) – matatandaan natin na ang nanalo ng P741M sa 6/55 draw ay lucky pick number lamang. Ayon sa mga eksperto, dahil nga random number ay maliit ang tiyansa na may kapareha kang numero kaya kung manalo ay tiyak na isa o dalawa lamang kayo.

2. Standard Pick( sarili mong numero) – ito yung paborito mong numero na inyong aalagaan. Isang government employee ang nanalo ng P152M kung saan inamin nito sa PCSO na 1 dekada nyang inalagaan ang iisang numero, kasama dito ang mahahalagang petsa sa kanyang buhay gaya ng kaarawan nya at ng mga anak.

Sa katunayan sa datos ng PCSO ay mas marami ang nanalo na ang kanilang numero ay lucky pick at standard pick. Noong 2014 lamang ay 8 sa bawat 10 nanalo ng lotto ay alagang numero ang lumabas sa draw.

3. Bumili ng mas maraming lotto tickets – Dahil mas maraming lotto tickets ay mas may tiyansang manalo gayunpaman kung sosobra sa pagtaya ay hindi rin maganda dahil mauuwi ito sa pagiging bankrupt.

4. Lottery pool – “ there’s strength in numbers” – upang magkaroon ng dagdag na pondo  para makabili ng mas maraming lotto tickets ay maaaring bumuo o mag organisa ng “Lottery Pool” kung saan makakataya sa mas maraming number combination.

5. Tayaan ang mas madalas na lumalabas na numero – History Repeats Itself.  Ito rin ang kadalasan na obserbasyon sa lotto draw, nagkakaroon ng pattern sa mga numero kaya kung matiyaga ka ay maaaring tignan ang mga past lotto results at suriin ang mga numero na palaging lumalabas. Sa Australia ay ganito ang naging estratehiya ng isang bettor nang manalo sya ng $400,000 matapos siyang gumawa ng spreadsheet ng mga numero na madalas na lumalabas kumpara sa iba.

Masarap talagang manalo sa lotto, sino ba ang may ayaw pero ating tatandaan na anumang uri ng sugal ay masama lalo kung tayo ay malululong dito. Marahil kung feeling maswerte ka ngayong araw ay maaaring tumaya lalo kung malaki ang jackpot prize para makatulong din sa mga nangangailangan subalit huwag sosobra.

Ang pagtaya ng lotto ay gawin lamang “ for fun” at huwag idepende ang buhay sa swerte dahil kung hindi ang tiyansa mo lamang ay “zero”.

Kayo may mga alam ba kayong special na teknik kung paano manalo sa lotto?

Cover photo from freepik.com

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits