Yes or No to Multitasking?

Mahilig ka bang mag-multitask? Alam mo ba na may hindi maganda itong dulot?

Alalahanin mo ang mga sitwasyon kung saan may kinakausap ka ngunit ang atensyon niya ay hati—kausap ka ngunit panay gamit ng cellphone o laptop. Normal man ito para sa iba, hindi maitatanggi na mayroon pa ring makakaramdam na hindi mo siya gaanong pinapakinggan o binibigyan ng atensyon. Kung ikaw ay isang lider, nais mo bang ganito rin ang atensyon na ibibigay sayo ng iyong kausap?

May isa rin namang sitwasyon kagaya ng meetings. Kahit nasa meeting ay pre-occupied ka sa deadline na kailangan mo nang i-submit. Mahirap mag-participate sa meeting kung may ginagawa ka ring for submission. Baka malito ka pa sa pagbibigay ng ideya o opinyon, ‘di ba?

Paano ang komunikasyon kung ang atensyon ng bawat isa ay hindi buong nakatuon sa meeting o usapan? Maaring maka-distract ito sa iyong ka-meeting o di kaya ay makaapekto sa pagtanggap o pagintindi mo sa magiging usapan. Kapag nahahati ang ating atensyon sa usapan, maaaring may ma-miss tayong mahalagang detalye. Hindi kayang ma-absorb nang ating utak ang dalawang bagay nang sabay. Madalas pa man din tayong mag-multitask, ngunit pansin mo ba minsan na parang pagod na pagod ka kahit hindi ka naman masyadong gumalaw? Marahil ay dahil napagod ang iyong utak o na-overwhelm ka dahil sa dami nang pinagsabay mong tasks o assignment. Mapapansin mo rin ito kapag ang iyong mga tanong ay puro klaripikasyon sa naging usapan o mga tanong na nire-raise mong paulit ulit na.

Mahirap din mag-multitask kapag mayroong brainstorming o collaboration na kailangan. Paano ka makakapag-contribute kung hindi mo napakinggan nang buo ang detalye?

Mahirap naman magsalita o magsuggest kung iba ito sa nais ma-achieve ng isang proyekto o aktibidad. Ang resulta? Maaaring mawala ang purpose ng meeting o brainstorming kung hindi ka magfo-focus o pre-occupied ka.

Kaya naman narito ang ilang tips na maaaring makatulong upang mas maka-connect o makapag-communicate tayo nang maayos without any distractions.

 

  1. Hangga’t maaari ay bitawan muna ang phone at laptop kung may importanteng meeting o usapin upang mas makapagbigay ng atensyon. Ugaliin ito sa lahat ng meetings o diskusyon.
  2. Take a minute or two upang i-let go muna ang lahat nang nangyari bago ang iyong meeting o diskusyon. Maaari mo itong balikan pagkatapos, mag-focus muna upang maging present. Maaaring maglakad muna ng ilang minuto upang makapaghanda.
  3. Isulat sa notes ang mga napag-usapan upang wala kang ma-miss na detalye. Ang pagbibigay atensyon sa usapan ay isang magandang practice upang makapagbigay ng ideya o kontribusyon.
  4. I-prioritize ang mga gawain kung ano ang mas urgent at prayoridad upang hindi matambakan sa mga gawain. Maaaring mag-calendar o timeline upang mas maaayos ang mga gagawin.
  5. Iwasang ma-overwhelm sa gawain sa pamamagitan nang pagde-delegate ng taskings. Applicable ito sa mga lider na may taong kaagapay sa mga gawain. I-distribute ang gawain upang mas makapag-focus sa mahahalagang bagay kagaya ng importanteng meetings, aktibidad, event o di kaya’y mga diskurso.

 

Mahirap man gawin dahil marami sa atin ang nakasanayan nang mag-multitask o gumawa ng mga deliverables nang sabay-sabay ngunit hindi rin pala ito nakatutulong sa pag-function ng ating utak at productivity natin.

Maaaring makasira ito sa kung paano tayo magdedesisyon dahil maaaring maghalo-halo na ito sa isip natin. Minsan pa hindi na natin alam kung ano ang sinasabi natin na hindi related sa usapin.

Wala namang masama sa pagpa-prioritize ng mga gawain. Makatutulong din ito upang hindi tayo ma-bombard at maging produktibo sa pagdedesisyon, pagaaral, pagbibigay ng opinyon at ideya.

Hindi man maiiwasan ang mag-multitask, lalo na sa mga doble-doble talaga ang trabaho, mahalaga na ‘wag lamang kalimutan ang halaga ng oras at prioritization upang hindi ma-overwhelm sa gawain.

Baby steps lamang ito sa mga nasanay nang mag-multitask. Kani-kaniya man tayong diskarte o pamamaraan sa paghahandle ng mga bagay, mahalaga pa ring pagtuunan ng pansin ang halaga ng pagma-manage ng oras at mga gawain para sa isang makabuluhang resulta. Malay mo, mas epektibo pala sa iyong productivity ang pagbabawas ng pagmu-multitask, hindi mo lamang binibigyan ng pansin dahil busy ka sa pagtatapos ng mga ito.

Ika nga nila, don’t be too hard on yourself. Learn to breathe and enjoy. Manage time properly and seize the day! Wala namang mawawala kung susubukan mo. Malay mo, ito na ang sign to manage your tasks and work properly. Laban lang! #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits