Singer, Kinabog ng Operatic Cat

KINAGILIWAN ng Tiktok users ang isang pusa nang biglang sumingit ito at inawit ang kanyang sariling bersyon ng opera song na inaawit ng kanyang amo sa TikTok.

@maura.music What a legend. #OperaCat #OperaSinger #catsoftiktok #bestsinger #talent #musictok ♬ original sound – maura music

Ayon sa ulat ng Classic FM, ang amo ng tinaguriang oper-catic purrformer ay alaga ni Maura Navarrete, kilala bilang @maura.music sa Tiktok, isang 24-anyos na soprano and middle school choir teacher.

Habang nagpa-practice ng kanyang pag-awit sa harap ng camera, nagulat ang Mexican singer sa hindi inaasahang performance ng kanyang persian cat, na si Max – ang buong pangalan ay Maximino.

Inaawit ni Maura ang classical song ng Spanish composer na si Enrique Granados, ang El majo discreto (‘The Discreet Lover’), ngunit hindi niya ito natapos dahil sa biglang pag-eksena ni Max.

Sa una ay hinarangan ng pusa ang kanyang amo sa camera, ngunit hindi inakala ng dalaga na aagawan siya nito ng eksena, sa pamamagitan ng pag-perform nito ng sarili niyang original arrangement ng aria.

Nagulat na lamang si Maura nang simulan na ni Max ang virtuosic vocalization nito, at wala siyang nagawa kundi ang matawa sa ginawa ng kanyang alaga at manggigil dito.

Ang Tiktok ni Maura ay orihinal na nai-record pitong taon na ang nakararaan, at sa kasalukuyan ay mayroon na itong limang milyong views at nakagawa na rin siya ng iba pang mga video ng kanyang pusa sa social media app ng furriest opera star.

Sa pangalawang video, inawit ni Maura ang solo voice na akda ni Giulo Caccini na Amarilli, mia bella, na sumisingit ng musical meows ang pusa na ikinatuwa ng viewers at lalong nagpatanyag sa sa kanya.

Inilarawan naman ng TikTok users ang duet bilang “purrfect”, habang marami ang nagsabi na ang performer at purrformer ay “naturals”.

Natapos kamakailan ni Maura ang degree in music education and vocal performance sa University of the Incarnate Word sa San Antonio, Texas, at nag-aral ng classical singing sa nakaraang sampung taon.

Magtatapos ng kanyang pag-aaral upang maging middle school choir teacher, malapit na niyang makumpleto ang kanyang unang taon ng work post-graduation, ngunit siya ay natigil.

Isinilang si Maura na may third-degree AV heart block, at nitong taon ay sumailalim sa operasyon para magpalagay ng pacemaker. Si Maura ay nagpasimula ng crowdfunding upang mabayaran ang gastusin sa kanyang operasyon, na isinagawa noong Mayo 2022.

Sa huling ilang buwan ng kanyang recovery time, nakapag-post si Maura ng marami pa niyang singing content sa kanyang social media platforms, at si Max ay kanyang naging co-star sa kanyang channels.

Inaasahan ng Tiktok users na marami pang ipo-post si Maura na mga performance kasama ang kanyang alagang opera cat.

CAPTION:

Ayon sa caption ni Maura, ang kanyang alagang pusa ay isa nang ‘legend’ dahil sa viral Tiktok. (Larawan: TikTok @maura.music

Cover photo from freepik.com

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits