Tapos na ang mga araw na maaari kang bumili ng sibuyas sa halagang dalawang piso upang makompleto mo ang holy trinity ng bawang, sibuyas, at kamatis para sa anumang ulam na inihahain ng mga Pinoy sa hapag-kainan.
Dahil ngayon, kasabay ng inflation sa ibang mga bilihin, ay sobrang mahal na ng sibuyas- halagang 600 hanggang 700 pesos per kilo na ang presyo nito. Paalam na muna sa ating kaibigang sibuyas dahil eliminated na muna siya sa mga lutuing ulam gaya ng mga sumusunod na putaheng maaari ninyong gayahin nang hindi kailangan ang sibuyas.
1. Adobong puti
Who wouldn’t love the staple na ulam ng mga Pinoy na adobo? Kahit saang hapag-kainan ata ay matatagpuan ang adobo, iba-iba ang version ngunit panalo lahat ang lasa. Mayroong maraming sabaw, tuyot na adobo, adobong maanghang at maraming paminta, adobong puti, adobong itim, atbp. Masarap din ang adobong manok, atay, balun-balunan, at baboy. Anoman ang version mo, the best pa rin ‘yan i-partner sa hot rice na bagong saing pa lamang. Yum!
Sa resipi na ito, since wala na ang main ingredient na sibuyas, suka ang bida sa adobong puti na ito. Sa halip na umasa sa Chinese soy sauce, asin ang isa sa mga alternatives para dito dahil binabalanse pa rin nito ang asim ng suka nang wala ang darkness o kulay ng soy sauce.
2. Chicken Teriyaki
Sa pagluluto nito ay maaari kang gumamit ng premade bottled marinades upang dumali ang pagluluto. Maaaring gumamit ng barbeque marinade at samahan ng sweet flavors ng sesame oil at hiniwang bawang. Lutuin ito nang sabay-sabay sa isang pan! O ‘di ba, no need to marinate!
Kung hindi ka pa solve sa tamis ay maaari mo namang dagdagan ng asukal, depende sa iyong gusto.
3. Ground Pork with Tofu Stir-Fry Recipe
Ground pork ang main ingredient ng ulam na ito. Maaari mong tambugan ng string beans para sa kulay at freshness. Pagsama-samahin mo lamang sa isang bowl ang mix knorr chicken, tubig, soy sauce, suka, sesame oil, at bawang hanggang sa maging kulay brown ito at maluto. Idagdag ang ground pork at i-stir ito sa mga ingredients hanggang maluto.
4. Creamy garlic chicken
Sinong hindi matatakam sa manok na creamy at garlicky, samahan pa ng mainit na kanin. Sa pagluluto ng creamy garlic chicken, maaaring gumamit ng boneless thighs o chicken breasts. Timplahin mo lamang ng asin at paminta ang manok, lagyan ng flour at iluto. Matapos maiprito ay ibukod muna ang manok. Ilagay ang natirang mantika sa pan at ilagay ang bawang. I-toast ang bawang hanggang maluto at magkulay brown ito, matapos maluto ng bawang ay ilagay sa chicken stock. Maaari nang ilagay ang krema hanggang mag-simmer at hintayin na lamang maluto. Kapag luto na ay maaari nang i-serve sa plato at i-sprinkle ang chopped cilantro.
5. Korean-style Sweet and Sour Dakgangjeong
Ang crispy fried chicken bites na may sweet sticky glaze o kilala sa tawag na dakgangjeong ay dapat dalawang beses piniprito upang hindi mawala ang crunchiness. Samahan pa ito ng maanghang, matamis, at maalat na sauce, classic Korean fried chicken meal experience. Make sure na may ice-cold drink na kasama ito!
6. Beef pares
Kilalang kilala ang beef pares na Filipino ulam dish at kinakain kapag ikaw ay may hang-over o nagutom pagkatapos mag-inuman. Sikat itong binebenta sa mga pares house o sa mga kalsada. Hindi lamang ito in-demand dahil sa taglay na lambot at sarap nito kundi dahil na rin sa affordable price nito.
Kung nagke-crave kayo sa braised beef dish, mae-enjoy nyo rin ito sa inyong mga tahanan dahil maaari kayong gumawa ng own version ninyo, without onions!
7. Creamy beef tenderloin
Hindi ka mawawalan ng pisi sa pagpapalambot ng baka kung beef tenderloin na ang usapan. Kailangan mo lamang lutuin ang beef at lagyan ng bawang, evaporated milk, all purpose cream, at Worcestershire sauce at haluing mabuti. Maaari mo itong i-simmer for 5 minutes hanggang sa kumapal ang sauce na iyong niluluto. Maaari ka na rin magdagdag ng mushroom, sweet corn kernels, at peas. Best served with hot rice ito. Sarap!
8. Salt and pepper tofu
‘Wag i-underestimate ang halaga ng simpleng seasoning gaya ng asin at paminta dahil makagagawa ka na ng salt and pepper tofu sa pamamagitan nito. Masarap itong ipareha sa inumin pero madalas ay pang kanin o lugaw din naman.
Natakam ka na ba sa mga ulam na nabanggit? Nakaka-sad man dahil missing ng isang ingredient (sibuyas, opo) maaari pa rin naman gumawa ng alternative na makakapag masarap pa rin sa putahe. Nakakamiss lang noon dahil mas madaling makabili ng murang ingredients sa palengke kaysa ngayon dahil sa taas ng bilihin sa palengke at iba pang pamilihan. Kaya kung tipid mode ka, try mo na itong mga ulam na hindi gaanong mahal at nagre-require ng mamahalin at bonggang mga ingredients.