Musika at Philippine Philharmonic Orchestra: Sining nagpapatuloy

Nagsimula sa paghatid ng musika ang Philippine Philharmonic Orchestra o Orkestrang Pilharmonika ng Pilipinas noong Mayo 15, 1973. Mayroong orihinal na layunin ang orkestra na magtanghal para sa mga alagad ng sining sa kapulungan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang orkestra ay isang grupo na binubuo ng musikerong tumutugtog ng istrumento upang makabuo ng klasikong piyesa ng awitin. Ang salitang orkestra ay nangangahulugan din ng kalahating bilog, kaya naman sa ganoon na porma sila nagtatanghal sa entablado. Sa ganoong paraan madali ring natatanaw ng maestro o ng direktor na konduktor ang orkestra. Sa bawat pagkumpas ng konduktor tumatakbo ang daloy ng musika ng orkestra. Sa ngayon, bilang pangunahing orkestra ng Pilipinas maituturing nang world class ang pagtatanghal ng PPO. Bunga ng kanilang pagsisikap ay nakamit na nila na makapagtanghahal sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Europa, Japan, at Thailand. Ilan sa mga hindi nila matatawarang musika sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod;

1. Overture from Leichte Kavallerie (Light Cavalry), Franz Von Suppè (18 April 1819 – 21 May 1895)

Isang Austrian na gumagawa ng kanta at konduktor si Suppè na nabuhay sa panahon ng Romantisimo. Kilala siya sa kaniyang likhang musika na operata na kadalasang ginagamit na panimula sa mga pagtatanghal sa entablado o teatro. Isa sa pinakakilalang piyesa niya ay ang Light Cavalry Overture (1866). Kadalasan din na ginagamit ito bilang soundtrack sa mga pelikula, cartoons, patalastas o sa pag-endorso ng karakter o produkto. Nagsimula siya bilang isang miyembro na mang-aawit sa loob ng simbahan.

Sinundan ito ng kaniyang interes sa pagtugtog ng plauta at harmonika na naging daan sa kanyang pagiging maestro. Sa magaan at malumanay na pagsisimula sa pamamagitan ng pagkumpas ng maestro na sinasabayan nang bawat paggalaw ng mga musikero. Nakakapaghatid ito ng pakiramdam habang umiinom ng maininit na tsaa ng mint. Habang sa kalagitnaaan ay tila ba bubuhayain ka ng mga sundalong langgam na nagmamartsa ng sabay-sabay bilang isang grupo.

2.Carmen Suite No. 1, Georgez Bizet (1838-1875)

Nakilala sa mainit na liriko ng piyesa para sa opera na Carmen (1875) si Bizet na inareglo ng kaniyang kaibigan na si Ernest Giraud (1882). Isa ito sa tugtugin na pinakakinagigiliwan ng makikinig ng opera o orkestra. Nilikha sa lugar ng Espanya sa panahon ng erotika. Isang mapaglarong piyesa na nagbibigay ng pakiramdam sa magandang alaala. Para kang dinadala sa alaala ng isang bata na tumatakbo sa kainitan ng araw habang abala ang kaniyang ina sa gawaing bahay. Pagkatapos ay ang tahimik na pag-iyak ng ina habang binabantayan ang may sakit niyang anak. Dahil niya alam kung paano iibsan ang sakit na nararamdaman ng kaniyang maliit na anak.

3. Sabre Dance, Aram Ilyich Khàchaturian (6 June 1903 – 1 May 1978)

Nabuhay sa panahon ng 20th century classical music at nag-aral ng musika sa Moscow Conservatory, Gnessin Musical Institute. Nagsimula siyang lumikha ng orihinal niyang klasikong musika noong 1936 bilang isang propesor at konduktor. Isa sa pinakapopular niyang likha ay ang Sabre Dance na nagmula sa isang ballet na pinamagatang Gayane (1942). Naghahatid ang musika ng mapaglarong pakiramdam sa tenga. Animo mayroong nagliligawan na mag-irog habang nilalaro ng isa pang matipuno na lalaki. Waring ayaw basta ipaubaya ang babae sa kaniyang napiling sinisinta.

4. An der schönen blauen Donau (1866), Johann Baptist Strauss II ( 25 October 1825 -3 June 1899)

Nakalikha ng aabot sa 500 waltzes, polkas, quaderilles at iba’t ibang musikang sayaw na karaniwang ginagamit sa pagtatanghal ng ballet, teatro at operettas. Isang kasayawan sa kautusan ng kaniyang ama ang kaniyang pagiging isang kompesor. Itinuturing siya bilang rebelde pag dating sa musika noong siya ay bago pa lamang sa kaniyang napiling larangan. Mas kilala sa tawag na ingles ang tagumpay ng musikang By the Beautiful Blue Danube Waltz. Tinagurian din ang piyesa na unoffical national anthem ng bansang Austria. Mayroong origihinal na liriko mula sa isang awitin na hango sa isang tula.

Ilan pa sa karaniwang piyesa na tinutugtog ng PPO sa kanilang pagtatanghal ay ang Selection from Annie, 1977 (Charles Strouse, 7 June 1928) at Tritsch Tratsch Polka, 1858 ( Johann Baptist Strauss II). Mayroon rin tugtugin ng OPM na nagmula sa D’Manila Sound at Aegis. Maituturing na isang magandang klasikong regalo ang makinig sa PPO para sa umiibig sa musika.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits