Ready ka na bang maging lucky and better ngayong year of the Rabbit?
Makisabay na sa pagluto, pagbili, o pagtikim ng mga masu-swerteng pagkain o lutuin ngayong darating na Chinese New Year.
Sabay-sabay din nating alamin kung bakit ito maswerte at kadalasang inihahain sa lamesa tuwing Chinese New Year. Kung ikaw ay madalas magpunta sa Lucky Chinatown sa may Binondo, tiyak na hindi na bago sa iyo ang mga ito:
1. Dumplings
Kilala sa tawag na mandoo sa Korean, gyoza naman sa Japanese, o jiaozi sa Mandarin Chinese, ang dumplings ay hindi nawawala sa hapag-kainan o sa mga nasa listahang dapat bilhin o kainin tuwing Lunar New Year celebrations. Masarap kasi ito lalo na iyong kombinasyon ng baboy at chive filling sa loob, spinach, itlog, manok, at repolyo. Pinaniniwalaang may dalang prosperity at swerte ang dumplings, kaya bili at kain na!
2. Noodles
Kilala ang noodles sa na ito sa long-life noodles o longevity at chángshòu miàn naman sa ibang parte ng Tsina. Ang noodles na may habang 2 feet ang kadalasang hinahain kapag Lunar New Year, sine-serve ito nang hindi kina-cut at maaaring prito o sinasabawan gamit ang broth. Ayon sa kasabihan, kung gaano kahaba ang noodles na iyong kinakain, ganoon din kahaba ang buhay mo.
3. Glutinous rice balls
Isa sa kilalang Chinese treat tuwing holiday ang glutinous rice balls o yuánxiāo or tāngyuán na maaaring ihanda nang matamis at savory. Itong bilog at malambot na rice balls ay maaaring ihanda nang may matamis na fillings gaya ng black sesame, manu, red bean, rose petals, at rock sugar. Maaari ding ilagay ang minced meat, durog na manu, at mushrooms. Ang bilog ay sumisimbolo sa pagsasama-sama ng pamilya.
4. Lumpia
Ang lumpia ay karaniwang kinakain o hinahain sa hapag kainan sa Pilipinas at Indonesia. May hawig ito sa fried spring roll na matatagpuan sa mga Chinese cuisine. Sinasabing maihahalintulad ang lumpia sa gold bars. Ito ay kadalasang may manok, bawang, baboy, hipon, carrots, or bean sprouts, at sinasabing swerte kainin tuwing holiday.
5. Rice cake soup
Sa Korea o tuwing selebrasyon nila ng Lunar New Year, kumakain ang mga tao ng tteokguk o rice cake soup na gawa sa tubig, beef, green onion, at itlog. Itong rice cake soup ay maliit at maninipis na animo’y coin na sumisimbolo sa bagong simula at clean slate na nag-aanyaya umano ng swerte. Sa Korea, kapag kumain ka ng bowl ng soup na ito, sinasabing you’ll get one year older, wiser, at richer. O pak!
6. Tangerines
Refreshing, satisfying at simboliko ang nirerepresenta ng tangerines dahil ito ang madalas iregalo at gawing snack tuwing Lunar New Year. Kinokonsidera itong lucky fruit dahil ang Cantonese na salita para sa tangerine ay may halintulad sa wealth o kasaganaan. Bukod sa tangerines, ang oranges, pomelo, at kumquats ay isa ring common na prutas na kinokonsiderang swerte tuwing holiday dahil sa kulay gold nito.
7. Whole fish
Maswerte rin ang paghain sa hapag kainan ng isda o whole fish lalo na kapag ito ay inihahain nang buo. Sumisimbolo ito sa wholeness, abundance, at prosperidad para sa darating na taon. Kadalasang luto na ginagawa sa isda ay black bass steamed na may luya at scallions, trout o carp braised na may spicy chili sauce.
8. Sesame balls
Kadalasan mang matagpuan ang sesame balls sa mga resto at bakery, mayroon naman itong mahalagang kahulugan tuwing Lunar New Year–expanding luck o swerte. Expanding itong maitatawag dahil sa proseso ng pagluto nito mula sa isang glutinous rice flour balls na lumalaki at nagiiba ng anyo kapag na-prito na. Kaya ito tinawag na expanding fortune o lumalawak o lumalaking swerte. Kaya ‘wag kalimutang umorder o bumili ng sesame balls!
9. Chinese New Year sticky rice cake
Kilala rin sa Chinese term na nian go, ang matamis at malambot na sticky rice cake na sikat tuwing Chinese New Year ay kadalasang sine-serve tuwing dessert. Ito ay gawa sa rice flour at brown sugar na maaaring kainin ng plain, o kung mahilig ka sa experiment ay maaari rin isawsaw sa condensed milk o i-pan fry na may itlog. Sa atin, tinatawag natin itong tikoy na kadalasan binibili sa Binondo kapag New Year.
10. Almond cookies
Ang naaalala ko rito ay ang fortune cookie. Ito ay bilog at golden kapag bine-bake na kahawig ng coins at sumisimbolo sa good fortune at prosperity para sa kakain nito. Ito ang simpleng dessert na masarap kainin dahil sa almond nito sa ibabaw at bagay para sa mga mahilig sa cookies–ang kaibahan nga lang ay swerte itong cookies!
Nailista mo na ba ang mga swerteng pagkain ngayong Lunar New Year? Gumawa ka na ng iyong sariling checklist upang makabili o makapagluto ng mga lucky food para sa iyong lucky year of the rabbit! #
source: https://www.goodhousekeeping.com/holidays/g42258227/chinese-new-year-food/