Advertisement

Mga Natanggap na Regalong Napaiyak Ka Sa Inis

Marami sa atin ang nakagisnan ang tradisyon tuwing Pasko, Misa de Gallo, Noche Buena at holiday rush para makasali sa exchange gift pagdating ng 12MN ng December 24.

Marami kang pinapangarap matanggap na regalo sa pasko. Natutuwa ka pag napunta sayo ang pinakamalaki or pinakamagandang gift box.

Ngunit may mga regalo sa Pasko na hinding-hindi natin malilimutan dahil sinira nito ang mood natin. Para sa magbebenta ng regalo, itigil nyo na magbenta ng mga sumusunod upang maging Merry ang Christmas ng lahat.

1. Food products – Ok to sa mga kaibigang mahilig kumain, pero siguradong hindi maalala pagdating ng panahon at baka isipin pa ng mga nagda-diet na sinasabotahe mo sila.

2. Selfie Stick – Laos na po yan, at kadalasan alam ng tao na hindi umabot ng dalawang daan ang presyo nyan sa tiangge.

3. Key Chain – Jusmiyo puwede na po naming ipakilo sa bakalan ang keychains na naipon.

4. Picture Frame – Bihira na ata gamitin to dahil lahat ng litrato nasa cellphone kase meron zoom at pwedeng kilatisin ang mga butas sa mukha.

5. Vitamins na mag-eexpire next month – Alam na this.

6. Medyas – kaysa medyas bigyan mo na lang ng tsinelas; dahil gaya ng brip siguradong marami pang medyas si lolo.

7. Lipstick – ang shades ng lipstick ay pinipili ng mismong gagamit. Unless sinabi nya yun ang iregalo sa kanya.

8. Kalendaryo – Salamat, pero me calendar na lahat ng mobile phones. Pero kung talaga namang kurips ka, wala na tayong magagawa.

9. Mouthwash – May gusto ka bang sabihin, brother?

10. Underwear – dahil ito ay tinatawag na intimates, mas appropriate na asawa, nobyo o nobya o magulang ng bibigyan ang magbigay.

Kaya ngayong pasko, kung mahalaga sa iyo ang nireregaluhan mo, pagisipan mabuti ang ibibigay mo.

Check out blueprint.ph for what is trending para may idea ka sa magandang iregalo ngayong pasko.

#regalo #pasko2022 #christmasgifts #regalongnakakainis #dontbuythesegifts

#worstxmasgifts

FEATURED STORIES
  • All
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits