MCAI at Dirty Linen, peg sa mga susunod na PH teleserye?

Tila nawala ang network war sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN matapos ipalabas ang dalawang kakaibang teleserye gaya ng Maria Clara at Ibarra at Dirty Linen.

Patok sa viewers ang palabas na Maria Clara at Ibarra na nagsimulang umere noong Oktubre 2022. Simula noon ay marami nang historian, estudyante, manggagawa, at pamilya ang sumubaybay sa kuwento dahil sa pagbabalik nito sa mga manonood sa panahon ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at ang aklat na sinulat ni Jose Rizal.

Isama pa ang kinaiinisang si Padre Damaso. Iba man ang naging twist ng istorya dahil nilagyan ito ng modern theme ng Gen Z na si Klay na napunta sa panahon nila Ibarra, marami pa rin ang tumutok at nakisabay sa kwento. Hanggang ngayon, kahit sa nalalapit nitong pagtatapos ay patok pa rin ito sa mga netizens at viewers online at sa telebisyon. 

Kamakailan lamang ay ipinakita ang natapos nang taping nina Dennis Trillo (na gumaganap na Ibarra at Simoun). Ipinakita rin ni Khalil Ramos (gumaganap bilang Basilio) ang mga larawan nang kanilang huling taping days. Mapapanood ang Maria Clara at Ibarra gabi-gabi pagkatapos ng 24 oras sa GMA-7 at maaari na ring stream sa Facebook at Youtube.

Hindi matatawaran ang ganitong mga obra dahil hindi lamang ito sinubaybayan nang marami, nakatanggap din ang teleserye ng special citation mula sa Knights of Rizal matapos ipakita ang gawa at likha ng ating pambansang bayani sa makabagong panahon ngayon. 

Ang teleserye ay ginawaran ng parangal dahil sa malaking papel na ginampanan nito “in rekindling to [this generation] the ideals of freedom and nationalism.” 

Nakatulong din umano ito upang pahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang buhay at kalayaan, salamat sa mahalagang kwento ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. 

Bukod dito ay wagi din ang MCAI bilang Best TV Series sa 7th GEMS Awards. Congrats! 

Naging mainit naman ang pa-welcome ng ABS-CBN sa manonood dahil sa pagsisimula ng revenge drama na Dirty Linen noong Enero 23, 2023. Ito ay istorya nang paghihiganti ng batang Alexa na ginagampanan ni Janine Gutierrez sa pamilya Fiero (na kinabibilangan nina Angel Aquino, John Arcilla, Janice De Belen, Epy Quizon, at Tessie Tomas) matapos ang pagkamatay ng kanyang ina nang hindi pa matukoy na miyembro ng pamilya Fiero, habang naninilbihan dito.

Superb sa musical score, anggulo ng kamera, intriguing plot twist, at “mata-mata acting” ang mga cast ng teleserye na umani ng positive feedback sa pilot episode at unang linggo pa lamang ng pag-ere. 

Masasabing de-kalidad ang programa dahil hindi tinipid sa emosyon at excitement dahil umpisa pa lang ay marami nang na-hook at tumutok. Mapapanood gabi-gabi ang Dirty Linen alas-9:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, and Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

Dalawa lamang ang teleserye ng magkahiwalay na network na ito sa mga de-kalibre ang kalidad na pinalabas sa Pilipinas. Hiling ng marami ay marami pang kagaya nito ang ma-produce at maipalabas sa bansa na maaari nang i-lebel sa mga k-drama o series na paborito rin natin.

Hindi naman imposible dahil kung nakakayang makagawa nang ganitong mga obra ay tiyak kaya namang mag-collab at magtuloy-tuloy sa pagko-conceptualize nang ganitong mga proyekto. Samahan pa ng mga magagaling na aktor at new generation artists, direktor, cameraman, at staff na kukumpleto sa isang teleserye. 

Dito rin nakikita ang pagkakaalam ng network war sa pagitan ng dalawang istasyon dahil mas nakikita ang pagtutulungan nila sa pagbuo ng mga teleserye na aakma sa panlasa ng manonood—mapa revenge, thriller drama, action, love story, history, o iba pa.

 Sabi nga sa isang tweet ni Jimpy Anarcon, “Ang saya that Maria Clara at Ibarra and Dirty Linen are bringing back people to TV. Wag niyo na awitan ng network wars ito. Tayong lahat naman ang panalo.” 

Marami ang sumangayon sa tweet na ito at marami rin ang nagsabi na ang dalawang teleserye na ito ang dalawa sa best soap operas sa Philippine television ngayon. May iba pang nagsabi na ang dalawang teleserye na ito ay nakapagbabalik sa excitement nilang manood ng TV kagaya nang pag-aabang nila sa Encantadia at Majika dati—na OG teleserye din.

Produksyon pa lamang ay makikita mong quality talaga, para sa mga manonood online at sa telebisyon.

Hindi na nakapagtataka kung makahakot pa ng maraming awards at recognition ang MCAI at Dirty Linen, mga artista, at buong produksyon nito dahil well-deserve naman nila ang parangal dahil sa mga de-kalibreng obra na binuo bitbit ang pusong Pilipino at pagmamahal sa bayan na handang magbigay ng maayos at magandang palabas para sa mamamayang Pilipino. 

Ano pa ang hinihintay mo? Panoorin mo na rin ang dalawang teleseryeng ito! #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits