Simula’t sapul ay parte na sa pagporma ng mga Pinoy ang klase ng hairstyle na irarampa sa araw at sa gabi. Sa paggising sa umaga ay buhok ang karaniwanan na unang nakikita at aayusin gayundin bago matulog. Sa pagharap sa salamin, kadalasan sa buhok nauubos ang oras sa pag-aayos.
Ngunit ano ba ang kahalagahan ng may maayos na hairstyle sa estado at paano ba ito mapangangalagaan? Mayroon ba itong binabagayan na haba at kulay? Tama ba na ipagkatiwala sa isang eksperto ang pagpapaganda ng buhok?
Sabi nila umuulit-ulit lang daw ang nasa uso, gaya ng kachupoy na kadalasang haircut ng mga kalalakihan. Dala na rin marahil sa impluwensya ng K-POP kaya naman in na in sa ngayon ang haircut na ito. Naging uso sa kulturang Pinoy na pinasikat sa mga pelikula ang the curtain haircut o the Kachupoy style ng pre-1920s era.
Nasa uso rin ang pompadour hairstyle na naging trend noong 1950. Kung saan nakabrush-up ang malinis na gupit upang mas makita ang korte ng mukha at tenga. Nagbibigay din ito ng medyo bad boy image at kaunting rock and roll.
In din sa trend ang magpahaba ng buhok na simulan ng hippie era noong 1980s. Mapababae o lalaki sinasabayan ang uso na ito. Napansin ko, madalas sa mga surfer na hindi nawawala ang hairstyle na ito.
Siyempre hindi mawawala sa uso ang goodboy look na nagagawa ng barber’s cut o military cut. Bukod sa madaling ayusin ang ganitong klase ng gupit malinis din tingnan ang nagtataglay ng ganitong haircut. Kaya naman always in and in demand sa mga barber shop ang barber’s cut.
Masyadong komplikado ang kababaihan sa usapin ng pag-aayos ng buhok. Pagdating sa pagpapahaba, pagpapaikli, pagkukulay, pagpapatuwid o pagpapakulot kailangang pag-isipan bago mag-desisyon. Sa paghuhugas o shampoo, o conditioner, kung itatali ba o ilulugay at ganoon na rin sa klase ng suklay na gagamitin ay malaking gawain para sa kanila – takaw-oras.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay tinanggap na rin sa kapuwa babae ang maikling gupit na gaya ng sa lalaki. Ito naman ay kinagigiliwan at kinababagayan naman ng marami dahil sa presko sa pakiramdam, maaliwalas sa mukha at madaling alagaan. Gayundin ang pag eeksperimento pagdating sa pagpapakulay ng buhok.
Mahalaga sa babae na komportable siya sa buhok o hairstyle niya – na hindi ito liliparin sa pampublikong sasakyan at magiging dahilan ng ayaw sa katabi niya.
Hindi rin nawawala sa uso na gupit para sa kababaihan ang bob cut. Mapa-layered bob, bob with full bangs, blunt bob o curly bob bagay sa kahit anong hugis ng mukha at kulay. Hindi rin ito mahirap i-maintain at alagaan kaya naman trip na trip din ng mga kababaihan.
Mayroong iba’t ibang klase ng paraan ng pagkukulay ng buhok. Nanriyan ang highlights kung saan pagpapatungin ang magkaibang kulay o ang paglalagay ng matingkad na kulay asul o berde na nagiging paraan na rin ng pag-e-express ng emotion o saloobin maging sa babae o lalaki.
Marami at iba’t-iba man ang paraan ng ayos ng ating buhok. Nagiging outlet man ito ng pag move on o kagaanan ng pakiramdam sa pagdalaw sa salon. Nababatay parin daw ang ganda nito kapag napantay mo na ang sarili mong uban o puting buhok.
Che Quiatzon | popbitsph