Advertisement

5 modern break-up signs

The newest edition of modern break-ups is here!

Dati, malalaman mo lang na hiwalay na ang mag-jowa kapag literal na hindi mo na sila nakikitang magkasama o genuinely ina-announce na sila’y hiwalay na. Ngayon, visible na sa social media ang mga makabagong signs na hiwalay na ang mag-jowa.

 

  • Unfollow-an sa IG  

Proven and tested na ata para sa mga celebrity followers kapag may napansin silang celebrity couple na nag-start nang mag unfollow-an sa Instagram—matic ‘yan na nagkakalabuan o hiwalay na. Tila naging practice na rin ito ngayon ng iba kahit hindi celebrities. Ia-unfollow ang isa’t isa sa IG upang hindi na makita ang whereabouts o ganap sa life. Baka kasi makita niya rin na may bagong post about his/her new jowa. (aww!)

 

  • Deleted na ang photos niya sa IG at maging sa story highlights

Mukhang seryoso na ang hiwalayan kapag ang previous photos at story highlights sa Instagram ay deleted na. Minsan, doon mo rin malalaman if may jowa ang iniidolo mong celebrity o ang long-time crush mo—kung may partner posts sa IG at story highlights niya.

  • Puro hugot posts sa Twitter at IG stories, sharing memes naman sa FB

Kapansin-pansin na may pinagdadaan ang isang tao kapag dinadaan sa Twitter post at IG stories ang hugot. Mapa kanta, tula, o plain posts man ‘yan, mahahalatang may sakit at pait. Karamihan ay ukol sa minamahal na nakahiwalay o nang-iwan.

Ang iba naman ay dinadaan sa active na pagse-share ng memes sa Facebook ang lungkot lalo na kung about sa relationships, red flags, at self-love ang memes.

  • Nakiki-sana all sa mga comment

Kung kasama na rin siya sa ‘sanaol’ clan na mahilig mag-comment ng ‘sana all/sanaol’ sa Facebook o Instagram posts ng celebrities o barkada mong may happy lovelife, malamang ay single o hiwalay na rin siya sa jowa niya.

 

  • Self-love as the top priority

Self-love by doing self-care activities gaya ng pagbabalik sa gym, doing skincare routines, pagda-diet, pag-attend sa yoga, pagpunta sa parties, atbp.—Ilan lamang ‘yan sa self-love na ginagawa kapag galing sa break-up.

How ironic dahil minsan pa nga, malalaman mo na lang na naging sila kapag sila ay naghiwalay na. Hindi lang celebrities ang ganyan, mas gusto kasi ng iba na low-key lang ang relationship nila kaya surprising sa iba kapag nag-break na. Relate much?