Nakakaramdam ka na ba ng disconnection sa inyo ng iyong jowa? ‘Yong feeling na hindi na kayo compatible sa isa’t-isa dahil hindi mo ma-gets ang mga kilos o ekspresyon niya? Baka naman hindi mo lang alam ang love languages niya kaya hindi kayo nagkakaintindihan?
Marahil ay pamilyar ka sa famous five love languages na isinulat ni Gary Chapman kung saan niya ipinaliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita at pagtanggap ng pagmamahal, mapa-salita, kilos o gawa.
Alam mo ba ang “love languages” ng jowa mo? Kung oo, maswerte siya dahil kaya mong basahin at intindihin ang iba’t-ibang love languages niya sa’yo. Kung hindi naman, ito na ang senyales para alamin kung ano ang mga iyon at bumawi sa kaniya!
Wala mang one-size-fits-all sa pagpapakita ng pagmamahal ay mahalagang alam at naiintindihan n’yo ang love languages ng isa’t isa upang mas tumatag ang inyong relasyon.
1.Pagbibigay ng oras
Kahit gaano man ka-hectic ang iskedyul mo sa iskul o trabaho, mahalaga ang pagbibigay ng ‘quality time’ sa iyong kapareha upang maiparamdam na lagi kang nariyan para sa kaniya, na dasurvv niya ang love mo.
Sabi nga sa kanta ni Charlie Puth, “I’m only one call away, I’ll be there to save the day…” Isang tawag mo lamang o maging presensya mo ay malaking bagay na upang mabuo o maisalba ang araw niya. Hindi kailangang magarbo o madetalye, minsan nga ang pinakasimpleng ganap o effort gaya ng ilan sa mga sumusunod ay superb na!
a. Quick lunch or dinner date pisikal man o online
b. Morning walk bago pumasok sa iskul at opisina
c. Hatid sundo pagpasok at pag-uwi (commute man ‘yan o de-kotse)
d. Friday night date para mag catch-up at kuwentuhan sa nangyari sa buong linggo.
e. Weekend bonding time
Applicable pa rin pala ang salitang ‘Time is gold’ hanggang ngayon sa pag-ibig dahil hindi matutumbasan ng kahit ano man ang oras na inyong inilalaan sa isa’t isa.
Easy peasy, right?
2. Pagbibigay ng appreciation gifts o simpleng mga regalo
Bukod sa koleksyon at reminder na galing ito sa pinakamamahal mo, isang love language din ang pagbibigay ng mga regalo. Masarap sa feeling na nakikita mong masaya ang iyong jowa kapag binigay mo ang kaniyang paboritong bulaklak, pagkain, damit o bags.
Love language din ang pagtanggap ng mga regalo. Natutuwa ka kapag may ibinibigay sa iyong mga bagay na matagal mo nang gustong bilhin kagaya nang watches, teddy bears, sapatos, atbp.
Iba pang ways para ipakita na you appreciate them:
a. Pagluluto at pagbibigay ng paborito niyang putahe o ulam
b. Pagbe-bake o pagbili ng paborito niyang banana or chocolate cake
c. Pagbibigay ng sulat o love letters (very classic pero sweet! Dati nga nilalagyan pa ‘yan ng pabango para nakadikit din ang amoy sa sulat. Uy, may naalala!)
d. Pagbibigay ng aso o pusa na nais niyang alagaan
e. Pagbibigay ng collection photos n’yo together
3. Human contact or physical connection
Clingy ba siya? ‘Yong tipong kapag naglalakad kayo sa mall ay gusto niya na nakasukbit ang kaniyang kamay sa iyong braso. ‘Yong dapat holding hands while walking kayo para sweet.
Sign ‘yan ng love language niya. Gusto niya na mayroon kayong physical connection o contact sa isa’t isa para maramdaman niya na siya ay safe and sound kapag magkasama kayo.
May ilan pa nga na ma-hug o ma-kiss pero okay lang ‘yon dahil love language din iyon. Ano pa ang iba?
- Paghalik sa jowa bilang pagbati at pagpapaalam
- Paghawak sa hips o pag-akbay sa kapareha
- Kapag tatawid, make sure na siya ay nasa gawing bahagi kung saan siya ay ligtas sa mga sasakyan
- Pagbibigay ng masahe o paghagod o pagkamot sa likuran
- Skin care night o paglalagay ng skin care products sa mukha ng isa’t isa
4. Paglilingkod o pagbibigay ng serbisyo
Isa ring love language ang pagbibigay ng serbisyo, without asking him or her to do it. Sounds sweet kapag ikaw ay pinaglilingkuran ng iyong kapareha nang walang pag-iimbot, hindi ba?
Narito ang ilang mga halimbawa pa ng acts of service love language na maaari mong gawin:
- Pagaaya mag-date o lumabas kahit wala namang okasyon, just an extraordinary day with your love 🙂
- Pagaaya sa kaniya manood ng sine upang mapanood ang paborito niyang horror movie kahit na ikaw ay takot sa horror movies
- Paggawa ng playlist n’yo sa Spotify
- Pagda-drive sa kanya imbes na siya
- Pagtulong sa research o assignment niya
- Pagdadala ng kape o lunch sa kaniya as comfort drink/food
Sweetness overload!
5. Pagpapakita o ekspresyon sa salita
Mas kilala man sa tawag na ‘words of affirmation’, nararamdaman mong tiyak ang pagmamahal ng iyong kapareha kung kaya niyang ipakita ito sa pamamagitan ng eskpresyon o affirmation, mapa salita, sulat, kanta o anopaman.
Ilan dito ay:
- Kapag sinasabing ikaw ay kaniyang naa-appreciate in many ways
- Pagsasabi at pagtanggap ng ‘i love you’ nang madalas – thru words and actions
- Pagtanggap ng words of encouragement and wisdom tuwing ikaw ay nawawalan na ng pag-asa o stress dahil sa problema sa iskul o trabaho o sa bahay
Lahat tayo ay may iba’t-ibang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga jowa. Bagamat hindi masasabing ito ang perfect bible for couples, ang love languages ay magandang starting point upang mas maintindihan ang mga aksyon at ekspresyon ng bawat isa sa relasyon.
Malay mo may love language na pala siyang ipinapakita pero ‘di mo pa rin knows. Aba, makakaramdam ka nga o siya ng disconnection. If you want to keep him or her, you have to learn and understand these love languages.
O ano, na-tsek mo na ba kung alin diyan ang love languages ng iyong jowa? #