10 Pinakasikat na Tradisyonal na Pagkain Sa Ilocos Region

1. LONGGANISA

Image source: angsarap.net

 

Ang longganisa ang isa sa mga tumutukoy sa Ilocos food. Ang pork sausage na ito ay sumikat sa Vigan, Ilocos Sur na gawa sa maliliit at matambok na parang sausage. Ang Vigan longganisa ay gawa sa giniling na karne ng baboy na hinaluan ng bawang, suka at mga ibang local seasoning. Ang longganisang Vigan ay napakasarap lalo na sa mga sausage lover na turista.

Advertisement

2. BATAC EMPANADA

Image source: leisureilocos.blogspot.com

Kilala ang Batac, Ilocos Norte bilang oldest town sa buong lalawigan at itinatag noong 1587 ng mga Augustinians. Ang bayan ito ay naging famous sa empapada na kinukunsiderang ilan sa isa sa mga pinaka “the best” sa Pilipinas. Ang empanada ng Batac ay gawa sa green papaya, chopped up longganisa sausages, at hard-boiled eggs at ang kulay orange na ballot nito na gawa sa rice flour at ang kulay orange nito galing sa paggamit ng annatto seeds at ang seed na ito (annatto) ay sikat sa South America na ginagamit sa bilang pangkulay, medicine bilang sangkap sa maraming pagkain.

3. BAGNET

Image source: thepeachkitchen.com

Ang Bagnet sa Ilocos region ay kilala rin sa tawag na “chicharon baboy” na nilulutong deep-fried na belly ng baboy. Ang kaibahan ng bagnet, matapos ma-prito ito, pinapatuyo ito sa hangin at pinapatulo ang kanyang matika. Ang pag-prito ay itutuloy hanggang sa maging malutong ito. Ang bagnet ang isa sa mga paboritong Filipino food at isa sa mga pinakasikat na Ilocos cuisines.

4. PINAKBET

Image source: panlasangpinoy.com

Ang pinakbet ay isa sa mga sikat na ulam ng mga Ilocano na ang sangkap ay halo-halong gulay na mabibili saan mang sulok ng Pilipinas. Ang mga gulay ng pinakbet ang ay mga kamatis, talong, kalabasa, sitaw, okra, ampalaya. May sikreto ang mga Ilocano kung paano nila lutuin ang pinakbet na sinasahugan nila ng karne na baboy, chicharon o bagnet na nilalagyan ng isang bagoong sauce.

5. OKOY

Image source: asianfoodnetwork.com

Ang pagkaing ito ay napakasarap dahil sa malutong na mga fritters na niluto sa malagkit na kanin at ginawang korteng bilog. Ang okoy fritters ay pinalamutian ng fresh shallots at hinaluan ng bawang at chili peppers at ang pagkain nito ay sinasawsaw sa “sukang iloco” na siguradong mapapa-yummy sa sarap.

6. POQUI-POQUI

Image source: yummy.ph

Ang simpleng Ilocano na pagkaing ito ang gawa sa inihaw na talong saka linamas na ginisa sa sibuyas, bawang at kamatis na may itlog na hinalo sa iba pang ingredients. Ang pangalang poqui-poqui o “poki-poki” ay nagmula sa Hawaii na kung saan ay nag-migrate ang mga ito noong 1980s. Ang ibig sabihin ng salitang “poki” ay “mash” o “slice” na kung saan ginawa ng mga Ilocano sa poqui-poqui food.

7.  BAWANG o GARLIC CAPITAL OF THE NORTH (Sinait)

Bawang o garlic, ito ay isang root crop na native sa Ilocos region lalo na sa Garlic Capital of the Philippines, ang bayan ng Sinait. Itong essential food condiment na ito ay matatagpuan sa bawat kusina ng pamilyang Pilipino at ginagamit para bigyang lasa ang lahat ng ulam.

Bawat taon ng buwan ng Mayo, libong local at foreign na turista ang dumarayo sa Sinait, Ilocos Sur upang tunghayan ang piyesta na kinabibilangan ng local dancing competition na gamit ang garlic-inspired costume at pagpili ng Ms. Garlic Festival at mayroon ding paligsahan ng longest at most creative twined garlic.

8. DRAGON FRUIT

Image source: healthline.com

“Saniata”, ito ang tawag sa Ilocos region sa dragon fruit. Ito ay produced at binebenta sa Ilocos buong taon. Ang dragon fruit ay napakagandang tingnan at taglay nito ang ibat-ibang health benefits gaya ng nakakatulong sa digestion, nag re-regulate ng blood sugar spikes at nagpapababa ng bad cholesterol.
Ang dragon fruit ay full of antioxidants na nakakatulong para i-clear ang sakit na cancer at ang nasabing prutas din ay mayaman sa Vitamin B1, B2 and C, na tumutulong para i-repair ang tissue at panatilihing malusog ang ating balat.

9. ILOCOS CHICHACORN

Image source: aboutfilipinofood.com

Ang chichacorn ay paboritong snack mula sa Ilocos Norte at ito ay mga butil ng mais na prinito hanggang sa maging malutong. Ang chichacorn ay mula sa “white corn” na karaniwang itinatanim sa Pilipinas. Ito ay nilalagyan ng flavor kasama ang garlic, cheese, sweet and spicy, adobo at barbecue.

10.  DUDOL (An Ilocano food with Asian roots)

Image source: Grandpa’s Inn Facebook page

Kung tawagin nila sa Ilocos ito ay “Dudol”, isang traditional na dessert na mayroong Asian roots at sikat din ito sa Malaysia, Indonesia at Southern India. Ang dudol ay nagmula sa Malay at India settlements mula sa coastal towns ng Ilocos region bago dumating ang mga Spaniards.

Ang pagkaing ito ay gawa sa rice flour, coconut milk, sugarcane juice at annice at ang sikretong paggawa ng masarap ng dudol ay ang pasensya at patuloy na paghalo ng mga sangkap nito sa mahinang apoy. Ang dudol ay nakilala rin sa Guling-Guling Festival sa Paoay, Ilocos Norte.

Ang Ilocos region ay nakilala para sa kanilang cultural at historical na lugar at lalo na sa kanilang mga kilalang Ilocano cuisine.

Mula sa Laoag City na capital ng Ilocos Norte mula sa historic Vigan City sa Ilocos Sur, kayo ay mag ba-byahe at makakaranas ng mga “unique” Ilocos food.
Halina at pumunta sa Ilocos region upang lasapin ang Ilocano traditional food.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits