Piolo pinagselosan ng mister ni Lovi

Piolo pinagselosan ng mister ni Lovi

Sa kanyang Instagram, todo post si Lovi Poe ng litrato na magkayakap sila ni Piolo Pascual.

Si Papa P. ay naging leading man ni Lovi sa Pinoy adaptation of hit Korean romantic drama na “The Flower of Evil.”

Kapuwa nasa Milan sila para mag-perform sa ASAP show doon.

Caption ni Lovi : “Dito lang pala kita sa Milan matatagpuan, Jacob. 🫶🏼 @piolo_pascual””

Ang Jacob ay ang pangalan ng karakter ni Piolo sa nasabing serye.

Papansin naman ang naging komento ng mister ni Lovi na Monty Blencowe.

Sey ni Monty: “Monty: I’m here too you know…”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naging post ni Monty.

Sey ng kibitzers, cute raw ang ‘pagseselos’ nito kay Piolo sa kabiyak na si Lovi.

May kafaneyan naman na may clamor na sana ay magsama uli ang dalawang artista sa isang proyekto.

Ito ang ilan sa sey ng netizens.

“ selos yarn”

“yes of course she knows that po hahahaha”

 “too funny LOL😅 I’ll hug you Papa Monty 💖

“Bigla ko na-miss #FOE_PH may 2nd season ba?”

 “natawa ako s comment ng asawa.. hoiiiii dito din akoooo haha”

“Ay naku Irish may nag selos po 😂

The post Piolo pinagselosan ng mister ni Lovi first appeared on Abante Tonite.

FEATURED STORIES