Pagsibak kay Herbosa at pagbalik ng Philhealth subsidy sigaw ng labor at health workers

Isang malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola Manila kahapon upang igiit ang pagbibitiw ni Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng Philhealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget.

Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sabay sabay na nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola kung saan sigaw nito ang pagtanggal na kay Herbosa gayundin ang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang Phillhealth.

“zero subsidy for Philhealth but full subsidy for trapos in the form of AKAP, AICS, TUPAD and confidential funds,” pahayag ni Judy Miranda, secretary-general ng Partido Manggagawa (PM).

Sinabi ni Miranda na maganda ang naging hakbang ng Kamara na tanggalin ang confidential funds sa ilalim ng ilang ahensya kabilang ang Office of the Vice President subalit ang pakialamanan pati ang healthcare system at tanggalan ng pondo ang Philhealth ay malinaw na pasakit sa sektor ng kalusugan.

Binatikos ng koalisyon ang maling desisyon ng Congressional Bicameral Conference Committee na i-zero budget ang Philhealth, giit ng grupo, labag ito sa batas at dapat na bawiin.

Umaasa ang koalisyon na iveveto ni Pangulong Marcos ang zero budget ng Philhealth dahil mayroon itong malaking epekto sa healtcare system.

Samantala, ipinanawagan din ng grupo na tanggalin na si Herbosa bilang kalihim ng Department of Health(DoH), giit ni Miranda, imbes na suportahan ni Herbosa ang sektor ng kalusugan sa harap ng isyu ng zero budget ng Philhealth ay sinusuportahan pa nya ito.

Ipinaliwanag pa ni Miranda na nabigo din si Herbosa bilang Chairman ng Philhealth Board of Directors na pagandahin ang serbisyong DoH at Philhealth.

“Sectary Herbosa should step down since he cannot do his job and make good on his promises. He committed to increasing by 50% across-the-board hike in Philhealth benefits which has not materialized. Philhealth has excess funds since it is scrimping on benefits. Herbosa, Alis dyan!,” giit ni Miranda.

Sinabi pa ni Miranda na ang pagsibak kay Herbosa ay ang unang hakbang para mapaganda ang kalidad ng serbisyo ng DoH at Philhealth dahil na rin sa una ang hindi magandang palakad nito kaya nasasakripisyo ang health services para sa taumbayan.

Ang PM ay isa sa grupong sumanib sa koalisyon ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan na isa sa intervenor sa naisampang kaso sa Korte Suprema na tumututol sa paglipat ng P90 billion na sobrang pondo ng Philhealth sa National Treasury.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits