Isa sa mga pangarap nating puntahan ay ang masasaya at magagandang siyudad sa mundo o ang tinatawag na “happiest cities in the world.” Hindi lang dahil maganda itong pagmasdan sa retrato o dahil sa mga tanawin nito, maaaring dahil sa kalidad ng pamumuhay, kita, at social connections na mayroon sa mga siyudad at bansang ito. Gaya na lamang ng top 10 o naitalang “happiest cities” na tiyak ay gusto mo ring puntahan, halina’t kasi sa pagbabasa muna ay malakbay natin ang mga ito!
1. Helsinki, Finland
Kung ikaw ay avid fan ng Money Heist, maaalala mo ang character na may pangalang Helsinki. Ang Helsinki ay capital ng Finland na kilala sa maganda nitong arkitektura, masasarap na pagkain at palakaibigan na mga lokal na madalas nae-enjoy ang katamtamang panahon at outdoor events. Ito ay napapaligiran ng mga dagat at isla. Tuwing summer, puno ng tao ang mga kalye rito. Ang nightlife dito ay vibrant, may bars, nightclubs, at music venues.
2. Zurich, Switzerland
Isa ang Zurich sa pinakamagagandang tirhan na bansa dahil sa prosperidad at progresibong pamumuhay rito. Kilala ito sa picturesque old town, ang Limmat River, at iba’t ibang museo at art galleries. Ito rin ay kilala sa banking at finance. Perfect ang Zurich sa skiing at iba pang outdoor activities. Sa mga mahilig sa outdoor at exciting activities dyan, isama na ang Zurich sa bucketlist mo!
3. Reykjavik, Iceland
Reykjavik, ang capital ng Iceland na isang modernong siyudad at mayroong magagandang tanawin. Kilala ito sa nightlife, clubs, bars, at music venues. Magandang destinasyon din ito para sa nature lovers lalo na iyong mga mahihilig sa mga bundok, glaciers, at geysers.
4. Copenhagen, Denmark
Ang Copenhagen ang capital ng Denmark. Kilala ito sa charming streets, nakamamanghang mga arkitektura, at palakaibigang mga lokal. Mayroon din itong magagandang museo at art galleries para sa mga mahilig sa arts at paintings. Ang main attraction nito ay ang Tivoli Gardens na isang 150-year-old amusement park. Ang siyudad na ito ay mayroong magandang food scene, restawran, cafe, at streetfood vendors.
5. Amsterdam, Netherlands
Isa ka ba sa nais makarating sa Amsterdam? Itong unique at magandang siyudad na ito ay capital ng Netherlands. Sikat ito sa canal na mayroong magagandnag bahay at boats. Dito rin matatagpuan ang sikat na Rijksmuseum at ang Van Gogh Museum. Swak din ito para sa mga culture lovers dahil sa concert venues, theaters, arts, and festivals na meron sa Amsterdam.
6. Vienna, Austria
Ang Vienna, o ang capital ng Austria, ay mayroong mayamang kultura at history. Kilala ito sa magagandang arkitektura at museums gaya ng Kunsthistorisches Museum at ng Museum of Fine Arts. Sikat din ito sa mayaman na musika, gaya ng mga kompositor na sina Mozart, Beethoven, at Strauss. Para sa mga mahilig magkape, kilala ang Vienna sa coffee houses nito. Mayaman din sa kulturang pang-kalikasan ang Vienna gaya na lamang ng Schönbrunn Palace Gardens at iba pang parke rito.
7. Ottawa, Canada
Ottawa ang capital ng Canada na kilala sa mayamang arkitektura, friendly locals, at magandang kalidad ng buhay. Ang siyudad na ito ay matatagpuan sa mesmerizing banks ng Ottawa River. Mayroon itong mga national landmarks gaya ng Parliament Buildings at ng Rideau Canal. Parks, forests, at lakes na nakapaloob sa Ottawa. Hindi rin naman mawawala sa siyudad na ito ang maaaliwalas at magagandang food scenes, restaurants, cafes, at food trucks.
8. Sydney, Australia
Kilala ang Sydney bilang New South Wales’ capital at isa sa mga iconic na siyudad sa Australia. Dito makikita ang mga magagandang beaches, mayabong na kultura, at friendly locals. Kung balak mong pumunta rito, ‘wag mong kalimutang puntahan ang sikat na landmarks dito gaya ng Sydney Opera House at Sydney Harbour Bridge. Mayroon ding mga cafes at restaurant dito na tiyak dinadayo ng mga turista at lokal.
9. Tokyo, Japan
Japan! Japan! Sa Tokyo matatagpuan ang mga tradisyonal na templo at shrines sa Japan. Kilala rin ito sa nightlife, na may mga bars, nightclubs, at music venues na maaari mong pagpilian. Kilala rin ang Tokyo sa mga sikat na restawran o kainan kung saan matatagpuan ang famous na sushi at ramen shops–na love na love natin!
10. Vancouver, Canada
Ang Vancouver ay matatagpuan sa west coast ng Canada. Kilala ito sa natural na ganda ng mga tanawin, bundok, at ocean dito. Swak din ang siyudad na ito sa mga mahilig sa outdoor activities gaya ng hiking trails.