Madalas ka bang magkasakit? Lagi ka bang iritable sa trabaho o di kaya’y sabaw o lutang sa mga gawain? Feeling laging pagod? Senyales na ‘yan ng stress! Hindi mo lang napapansin ngunit nagre-react na ang iyong katawan sa stress na kadalasan ay nakakaapekto sa productivity mo sa maghapon.
Kung hindi ka pa aware, narito ang ilang mga signs na ikaw ay stress:
- Hirap sa pagtulog – Akala mo nasobrahan ka lang sa kape, ‘yun pala nasobrahan ka na sa workload at sabay-sabay na trabaho kaya nahihirapan ka nang matulog. Mahirap ‘yan dahil importante ang pagtulog para sa ating katawan. ‘Wag masanay nang hindi natutulog dahil ito ay masama sa kalusugan.
Kung maaari, uminom ng gatas o bitamina para gumaan ang isipan at makatulog.
- Walang enerhiya at laging lutang – Iyong feeling na exhausted ka at sabaw o lutang sa trabaho kaya kadalasan ay madali kang makalimot sa inuutos o ‘di kaya ay hindi mo naa-absorb ang mga sinasabi sa iyo. Kapag low energy at laging lutang, poor productivity ang resulta.
Take a break and breathe upang ma-redeem muna ang enerhiya na nilamon ng stress.
- Shaky and suffering ang personal relationships – Madalas na kayong nagtatalo ng iyong kapareha dahil sa sabay-sabay na problema sinamahan pa ng sunod-sunod na stress kaya ikaw ay nagiging emosyonal.
Take some quality time with your family and loved ones at gawin itong “breather” mula sa stress sa work at huwag dalhin sa tahanan pag-uwi ang stress at bigat ng trabaho.
- Iritable at madaling pumitik – Dahil sa sobrang emosyon dulot ng stress, madalas tayong nagiging iritable, masungit at madaling pumitik o mabuwisit. Hindi man ito maiiwasan sa trabaho, ‘wag gawing habit o learn how to refrain from being irrational.
Lumabas muna sandali, uminom ng tubig, at huminga ng malalim and know na parte lamang ang stress sa iyong trabaho.
- Digestive issues – Kung mayroong stress-eating kapag tambak na ang trabaho, mayroon din namang nawawalan ng gana o appetite kapag stress. Kape o tubig ay okay na basta magkalaman ang tiyan. Mayroon din namang hirap matunawan dahil sa stress na nararamdaman ng buong katawan.
- Physical pain gaya ng back pain – Dapat ay kompleto at always present ang iyong “Tita/Tito Kits” gaya ng Katinko, white flower atbp dahil stress ngang maituturing kapag ang iyong pisikal na katawan lalo na ang likod ay masakit.
Maaaring magpamasahe at mag-allot ng oras para sa self-care upang matanggal ang mga lamig at stress.
- Madalas na pagkakasakit – Maaaring dahil sa sobrang stress ay naapektuhan na rin ang iyong immune system. Magpa check-up na kung ikaw ay madalas na nagkakasakit upang maagapan at mabigyan ito ng agarang lunas.
Nitong Nobyembre ay ipinagdiwang ang National Stress Awareness Day na naglalayong ipabatid ang kadalasang dahilan ng stress at mga paraan upang maiwasan ito. Kaya mahalaga na aware tayo sa naidudulot ng stress sa atin, pisikal man o emosyonal.