Ayon sa kasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II), lumitaw bilang isang makabagong alternatibong panggagamot sa psychiatry ang “Therapeutic Community” (TC). Sinasabing epektibo ito bilang suporta sa mga sundalo na na trauma sa digmaan, at sa pagbalik nila sa komunidad at sa kanilang mga pamilya.
Sa kasalukuyan, ginagamit na ang programa ng TC para sa iba’t-ibang trauma bilang panggagamot o pag-develop muli ng personalidad ng isang indibidwal. Sa pamamagitan ng mga Team Building Activities, ang mga naabusong kabataan o kababaihan, may komplikasyon sa pag-iisip ay nakikinabang sa mga rehabilitasyon at piitan.
Ngunit ano nga ba ang mga ginagawa sa TC?
Ang Therapeutic Community ay sinasalihan ng mga indibidwal kung saan may sariling mga gawain at may mga pang-grupong gawain. Bagama’t may iba’t-ibang pamamaraan ang TC, ibabahagi namin sa iyo ang isang programa na maaari rin ninyong mapakinabangan sa ilang Team Building Activities.
Programa ng TC
Ang programa ay nahahati sa dalawang bahagi; ang una ay tinaguriang “Seryoso”. Kailangan nakaupo ka ng tuwid at matikas, habang nakapatong ibabaw ng hita ang dalawang kamay at magkadikit ang mga paa. Bawal ang magsalita nang hindi nakataas ang kamay at hindi tinatawag ang atensyon. Bawal ang makipag-usap, magtawanan o makipag senyasan sa katabi. Bawal ang malikot at pumalakpak. Maraming bawal pero ito ay para ma-debelop o makapag-isip sa mga sumusunod:
1. Magkakaroon ka ng lakas ng loob o tiwala sa iyong sarili sa harap ng isang grupo. Dahil binibigyan ang bawat indibidwal na kabilang sa grupo ng TC na makapagsalita at mapakinggan ang bawat isa.
2. May ibinibigay na pagkakataon ang programa upang makausap ang Panginoon. Sinisimulan at tinatapos ang programa sa pamamagitan ng pagdarasal. Walang pinipiling relihiyon; Katoliko, Kristiyano, Muslim o kahit ang mga walang paniniwala ay maaaring maging kabilang dito. Mayroong parte na merong miyembro na babasa ng laman ng Bibliya. Pagkatapos, ito naman ay susundan ng pagbabahagi ng bawat isa. Maaari na tungkol sa mga saloobin o sariling karanasan na kaugnay sa nabasa galing sa aklat ng Bibliya.
3. Mayroon kang pagkakataon na mapatawad sa nagawa mong kasalanan. Sa pamamagitan ng pagtawag ng “pull-ups” o ng atensyon ng nagkasala. Magbibigay ng saloobin ang biktima at ang mga nakatatanda bilang aksyon sa nagkasala. Sa paghingi ng kapatawaran ng nagkasala sa nagawang kasalanan. Mabubura ang kasalanan sa pamamagitan ng napagkasunduang parusa depende sa bigat ng pagkakasala.
4. Meron kang pagkakataon na magpasalamat sa lahat sa pamamagitan ng “affirmation”. Magpasalamat ka sa Panginoon, sa buhay, sa mga tao, sa mga biyaya at sa araw-araw.
5. Meron kang pagkakataon na mamuno sa grupo ng programa. Nakadepende sa desisyon ng bawat miyembro kung sino ang mangunguna sa pagpapatakbo ng TC. Maari na palitan o halinhinan o hindi kaya naman ay manatili na mediator ang isang representante ng grupo.
Sa ikalawang bahagi ng programa, mas “Relaks” na ang kalahok ng programa. Maaari nang pumalakpak, tumawa, magbigay opinyon at makisama at saya sa bawat isa. Dito naman inaasahang ma-debelop at mabigyan-pagkakataon sa mga sumusunod:
6. Mayroon kang pagkakataon na magbahagi ng mga napapanahong balita. Merong mga nagtatakda upang maghatid ng balita o kaganapan sa Lokal, Nasyonal, Internasyonal, maging sa Isports at Weather.
7. Mayroon kang pagkakataon na ipakita at ipadinig ang talento mo. Maari kang sumayaw bilang indibidwal o grupo na may saliw ng tugtugin. Maaari kang kumanta. Magbahagi ng tula o di kaya ay umarte.
8. Merong pagkakataon na sabay sabay kakantahin ng grupo ng TC ang kanta na tugma sa tema ng programa.
9. Mayroong pagkakataon na kamayan at irecognize ang bawat kasapi ng TC Program. #
Ang importante sa TC ay magkaroon ng safe environment (ligtas na kapaligiran) upang ang bawat miyembro ay makakabahagi at makikinabang sa programa. Kinakailangan din na maging bukas ang bawat isa sa pinagdadaanan ng kanilang mga kasamahan.#