Paalam po,  Kapok!

Paalam po,  Kapok!

Noong Oktubre 25, 2022, alas-dos ng hapon, idinaos ang pamamaalam sa mahigit 100 na taon na puno ng Kapok. Ito ay sumaksi sa mga kaganapan sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna. Pinupuri ang tayog at ganda ng pagsaboy nito tuwing mamumulak ang puno. Nagsilbi rin ito bilang silong sa tag-init at tumulong sa maayos na pag-agos ng tubig tuwing umuulan.

Dinaluhan ng mga guro, estudyante, trabahador at mga kaibigan ang pinangalanang programa na “Isang Pagpupugay kay Kapok”. Mayroong mga nagbigay ng mensahe ng pasasalamat, pamamaalam, at pakikidalamhati, kasabay ng mga handog na awitin, sayaw, at tula. Gayundin ang mga pintang iginuhit ng mga pili na sining manlilikha. 

 

Kuha sa mahigit 100 taon na puno ng kapok sa harapan ng Physical Science Building, UPLB.

Photo credit to the owner

Tila nakikiiyak ang kalangitaan sa tuluyang pagputol sa matandang puno ng Kapok na tumayo sa tapat ng Physical Sciences Building. Tuwing sasapit ang Enero at Pebrero nagsisimula sa pagbunga ng mga bulaklak ang matandang puno. Nabubuo naman ang bunga sa pagpatak ng Marso at Abril. Sa tulong ng mga paniki sa gabi tuluyang nagbubukas ang mga bunga. Ito ang nagiging sanhi ng paglipad ng bulaklak sabay sa hangin na parang niyebe. 

Marami ang nasisiyahan tuwing sasapit ang pamumukadkad ng matandang puno. Ngunit may ilan na nagrereklamo dahil sa may sakit sila na hika. Meron din iba na nagpapaliwanag tungkol sa paglilinis nila ng mga aircon o ‘di kaya naman sa paglalaba. Ngunit kuwento ito sa pagkakaloob na buhay ng kalikasan sa kalikasan. 

Tinamaan ng kidlat ang matandang puno ng Kapok. Walang malinaw na palatandaan, tanging ang eksperto ang nakapagpatunay dahil sa unti-unting paglagas ng dahon at hindi na namunga ang puno. Natuyo na ang sanga na dati ay dapuan ng ibon at masagana. Kaya sinimulan na itong dapuan ng insekto at niyapos ng mga parasito. 

Aktuwal na dahan-dahan na pagpuputol sa puno ng mahigit 100 taon na puno ng Kapok

Photo credit to the owner

Hindi na ligtas na manatili pa na nakatayo ang patay na matandang puno ng Kapok. Kaya naman Oktubre 26, 2022 paglagpas ng tanghali, sinimulan na ang unti-unti na pagputol sa matandang puno. Mayroong mga naniniwala na gamot ang ugat at balat nito. May mga nagsasabi rin na maaring makagawa ng langis sa pamamagitan ng buto ng puno. Pinaniniwalaan naman ng mga maya, na ang puno ng Kapok ay nasa gitna ng mundo.

Mga pintang guhit sa alay sa “Isang Pagpupukay kay Kapo”

Photo credit to the owner

Narito ang ibinahagi na tula ng isang manunulat at makata na si Omelikhaya para sa “Isang Pagpupugay kay Kapok”.

LOLO KAPOK

Ni Omelikhaya

Punong kapok sa Pamantasan

Maraming salamat sa 

mga taong

ika’y nagbigay 

lilim at saya

Mga dahon mong

kulay luntian

may nais iparating

sa bawat guro, mag-aaral

at mga bisita 

paglawak ng 

puso’t isipan

ay kayang marating

kung may tiyaga at

pagpapakumbaba

 

Maraming salamat

sa panahon na ang 

iyong mga bunga 

ay bumubuka

lumalabas ang mga

bulak at lumilipad

tila baga mga niyebe

nagyeyelo na ba

dito sa Laguna?

tanong ng iba

may iba naman napapabahing

subalit ang marami

ay namamangha, 

napapatigil 

at tila ba

may hinuhuli sa hangin

kahit na tag-araw

at ang buong paligid

ay kulay berde

 

Dahil sa katawan 

mong matatayog

at mga sangang mayayabong

Nagagawi ang mga 

ayaw magpatalbog!

Posing sa harap! 

Posing sa gilid!

Nagpalitrato na 

ang ‘di mabilang

na mga mangingibig

 

Ngayo’y natutuyo na

at natutuklap

ang ‘yong mga balat

tanda ng mga 

emosyon at

maraming pinagdaanan

‘di namin batid

ang paglipas

ng mga taon

dahil nandyan

ka naman

‘di natitinag

sa kahit na 

anong panahon

 

Yun pala nais mo

nang magpaalam 

sa pamayanang naging

bahagi ka ng kanilang buhay

pasasalamat 

pabaon namin sayo

sa patuloy mong paglalakbay

masayang naramdaman namin

ang ‘yong pagkalinga

nawa’y maibahagi namin

ang mga magagandang

karanasan at alaala

sa mga bagong 

isko, iska, ate at kuya

ang inspirasyon nitong dala

maging gabay nawa nila

sa pagbuo ng pamayanang

mas mapaghilom at maginhawa

 

Hanggang sa muling pagkikita…

mano po, Lolo Kapok!

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits