Nakatikim Ka na ba ng Matatambok at Mahahaba…..…na Uri ng Isda?

Oo, isda nga.

Advertisement

Alam mo ba na mayaman ang ating karagatan sa iba’t-ibang uri ng isda?  Ang yamang tubig na ito na madalas matagpuan sa malalayong probinsya ay may likas na pagkakaiba-iba sa hugis, itsura, bigat, haba, tekstura, at maging sa lokal na pangalan na ginagamit dito.

Bukod sa kakaibang tambok at haba nito, alam mo ba na masarap din pala itong ihain sa hapag-kainan? Tara, let’s fish some info sa mga ito:

  1. Tardigrades

Kilala rin sa tawag na water bear or moss piglets na may matambok na katawan at patag na ulo na animo’y matabang suso o snail. Ito ay nakatatagal sa mabababang temperatura at naninirahan sa dagat, halamanan, lupa, o sa mamasa-masang lumot.

Maaari pala itong kainin depende sa gusto mong luto. Puwedeng pakuluan, ihawin, i-bake o anuman dahil hindi naman ito kikibo o kung kumibo man ay too late na. Tardi nga ‘di ba?

  1. Tampal puke

Ang sole fish o tampal puke, ang lokal na pangalan nito sa mga probinsya, ang pinakamalaking uri ng flatfish na mayroong malapad na katawan.

Masarap umano itong kainin dahil sa malasa nitong laman. Maaaring i-bake na may kamatis, tinawsihang tampal puke o luto sa tawsi, at maging adobong tampal puke. Basta tampalin mo muna ito bago iluto to make sure na hindi na buhay. Chz.

Nag-trend din ito dahil sa Drag Race PH kung saan binanggit ni Eva Le Queen sa Snatch Game na paborito nito ang tampal puke. Isang totoong isda aniya na mula sa Cavite na tinatawag ding ‘isdang dapa’.

  1. Opah fish

Hindi lang pala sa Korea may oppa, mayroon din pala sa karagatan.

Ang Opah fish o isang deep-sea giant fish ang huling namataan ng mga mangingisda sa Eastern Samar noong 2020 matapos ang isang malakas na lindol. Ito ay may bigat na 65 kilos na kilala rin sa tawag na moonfish na matatagpuan sa pinakailalaim ng karagatan na may 500 meters ang lalim.

Ito ay nakakalangoy ng mabilis at nakakakita nang malinaw sa dagat. Maaari itong ihawin na may asparagus o gawing opah fillet. Sherep!

  1. Kissing gourami  o Helostoma temminckii

Kung may pelikula na ‘Halik sa hangin’ noong 2015, mayroon din palang ‘Halik sa tubig’ dahil sa habit nitong kissing gourami na manghalik sa iba’t-ibang mga isda, halaman, at iba pang bagay dahil sa matambok nitong labi. Oha, kissable fish lips! 

Wanna taste? Maaaring gawing kissing fish pockets with smoked salmon o fried fish ang isdang ito. Sarap i-partner sa mga inumin!

  1. Unicorn fish

Isa ang unicorn fish sa may kakaiba, matambok o malapad na itsura na may lokal na pangalan na “sinungay” dahil sa matulis na sungay nito.

Masarap itong ihain as grilled sungayan, unicorn sashimi, o baked unicorn fish.

  1. Espada o Balila

Hindi lang ang Panday ang may mahabang espada, mayroon ding edible na espada o balila na isda na may mahaba at patag na katawan na naninirahan sa ilalim ng karagatan. May haba itong dalawang (2) metro, may matingkad na kulay na silver, at kadalasang naglalabasan o kumakalat tuwing Habagat or monsoon season.

Maaari itong pagsaluhan at lutuin sa kamatis at luya o kinamatis na espada, paksiw na espada, atbp. 

  1. Garfish

Isa ring mahabang isda na may beaklike jaws at matutulis na ngipin ang garfish. 

Nakakatakot mang kainin ay maaari pala itong iprito o ihawin. In fairness!

  1. Barracuda

Pangalan pa lang ay medyo kakaiba na, paano pa kaya ang matutulis na ngipin nito at mahabang katawan na kayang kumain ng malalaking isda sa pamamagitan ng paghati nito sa katawan.

Gayunpaman ay masarap pala itong i-fillet, fried with salad, o baked barracuda. Must try!

  1. Beluga sturgeon

Sa cuisine fans ng Iron Chef sa Netflix dyan, malamang ay pamilyar sa inyo ang sturgeon dahil ito ang kadalasang ginagamit sa paggawa ng caviar (sturgeon fish eggs) na masarap umanong ilagay sa iba’t-ibang cuisine.

Ang Beluga ang pinakamalaki at mahabang sturgeon na nasa anim na metro at may bigat na 1000 kilos at nabubuhay sa loob ng 100 taon.

  1.  Giant Oarfish

Ang giant oarfish ay natagpuan sa Pantao, Libon sa Albay na may habang apat na metro at bigat na 50 kilos. Ito ay naitalang pinakamahabang bony fish noong 2015 sa Guinness Book of World Records. Ang ibang lahi ng oarfish ay umaabot sa labing-isa hanggang laping-pitong metro. Ang haba! Mukhang mahirap itong kainin dahil sa haba at solid na tinik nito.

Amazing itong mga matatambok at mahahabang ito. May natikman ka na ba gaya ng mga nabanggit? I-share mo na ang iyong experience noong nahawakan, nakita, o natikman mo ang mga isdang ito! Kung hindi pa ay baka mapabili o magpahanap ka bigla sa probinsya kung saan mayroon pa nito. Why not? #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits