Humble traits checklist, check!

May kilala ka bang humble na tao? Anong say mo sa kanila?

Ang pagiging humble sa kahit anong aspeto ay natural na sa ating mga Pilipino. Hindi ito pagiging mayabang o mapagmalaki, sadyang taglay lamang ang pagiging down-to-earth, genuine, at marunong rumespeto.

Ayon sa isang artikulo ng HackSpirit, mayroong iba’t-ibang characteristics na nagpapa-angat sa pagiging humble at down-to-earth ng isang tao. Tara na’t alamin ang ilan sa mga kaugaliang ito!

1. Pagiging genuine
Madaling magpanggap na mabuti kang tao ngunit mararamdaman at makikita mo kung ito ay genuine o natural. Kaya malalaman mo agad kung ang isang tao ay down-to-earth at genuine, hindi mahalaga sa kanila kung sila ay nakahalubilo na sa mga matataas at makapangyarihan na mga tao, genuine lamang sila sa experience at oportunidad na ito kahit hindi nila ipagmalaki.
Hindi nila itinuturing na espesyal ang kanilang sarili, kundi normal at regular na tao lamang.

2. Laid back
Isa rin sa mga katangian ng taong down-to-earth ay ang “go with the flow” attitude at sadyang ine-enjoy lang ang kasimplehan ng buhay at marunong mag-appreciate ng maliliit na bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Sila ang mga easy going at hindi demanding.

3. Accepting
Iba ang accepting attitude ng mga humble na tao. Iba iba man ang kulturang kinalakihan, estado sa buhay, relihiyon, at opinyon sa buhay, pantay pa rin ang pagtingin at turing nila rito.

4. Relatable
Gaano man sila kataas o makapangyarihan, hindi nila hinahayaan na lamunin sila nito. Sa halip ay tinuturing pa rin nila ang kanilang mga sarili na normal o ordinaryong tao na may katulad nating mga problema, something na nakaka-relate pa rin sila.

5. Respectful
Respeto ang isa sa pinakamahalagang traits na mayroon dapat ang isang tao. Sa isang down-to-earth na tao, makikita mo ang respeto nito sa kanyang craft at mga taong nakakasalamuha nito. Ang maganda pa, anoman ang narating nila o gaano man kalayo ito, nandoon pa rin ang respeto nila sa ibang tao.

6. Unpretentious
Hindi mapagpanggap ang taong down-to-earth dahil alam nila pantay-pantay lang naman tayo sa mundong ibabaw, so why pretend?

7. Empathetic
Mayroon silang malalim na pagkakaintindi sa pinagdadanaan ng ibang tao at nakaka-relate sila sa personally sa mga ito.

8. Aware of their imperfections
Alam nila na hindi sila perpekto at alam nilang maraming pagkakataon na maaaring magkamali ang tao, ngunit ang mahalaga ay natututo tayo rito.

9. Uncomplicated
Hindi komplikado ang mga down-to-earth na tao. Sapat na sa kanila ang simpleng mga bagay.

10. Adaptable
Alam nilang hindi lahat ng plano ay nasusunod o naaayon sa ating plano. At dahil hindi sila ‘drama queens o kings’, hindi sila nagiging hysterical dahil may nagbago ayon sa plano, sa halip ay ina-adapt na lamang nila ito at sinusubukang maging positibo sa pagbabagong ito.

11. Self aware
Alam nila ang kanilang limitasyon at naiintidihan ang kanilang kalakasan at kahinaan. Alam din nila ang kaakibat na impact ng kanilang mga aksyon, positibo man o negatibo ito.

12. Loyal
Ang mga humble at down-to-earth na tao ay alam ang importansya ng pagiging loyal. Sila ay supportive at dependable, at kayang ipaglaban ang pamilya at kaibigan.

13. Open minded
Bukas sila upang intindihin at yakapin ang iba’t ibang kultura, relihiyon, at gawain ng ba nang walang panghuhusga. Sa halip ay willing pa silang makinig at dumamay.

14. Fair
Binibigyan nila ng chance ang lahat ng tao. Hindi sila nagpapasilaw sa pera, kapangyarihan, o kasikatan, sa halip ay nirerespeto nila ang kahalagahan ng pagtrato ng pantay sa ibang tao.

15. Compassionate
Alam nila na lahat ng tao ay may kani-kaniyang pinagdadaanan at nirerespeto niya ito sa pamamagitan ng pakikinig at pagtulong upang malagpasan nila ito.

16. Patient
Pinanghahawakan nila ang katagang ‘Patience is a virtue’. Hindi man madali, alam nila na ang patience ay mahalaga sa success ng isang tao. Maraming pagdadaanang pagsubok at test ngunit willing silang maghintay at magsakripisyo para sa mahal nila sa buhay,

17. Practical
Kaya nilang ibalanse ang pagiging reasonable at ang kanilang emosyon upang makapag-decide ng maayos. Hindi sila impulsive dala ng emosyon at kagustuhan lamang.

18. Realistic
Ang pagiging realistic ay pagiging reasonable sa expectation mo sa ibang tao, sa iyong sarili, at sa buhay. Ang mga down-to-earth na tao ay alam ang kanilang expectations at alam nilang ‘life just doesn’t work out the way you planned.’ Nagiging praktikal lamang at nagmo-move forward kung hindi man umayon ang iyong plano ayon sa iyong kagustuhan.

19. Grounded
Ang mga down-to-earth ay grounded at totoo. Alam nila kung ano ang mahalaga sa buhay:
– Ayaw nila sa tsismis
– Hindi mahalaga sa kanila ang mga materyal na bagay
– Alam nila ang reyalidad at mayroong sense of clarity kahit sa pinakamahirap na sitwasyon.

20. Approachable
Kapag ang isang tao ay humble at down-to-earth, hindi mahalaga sa kanila kung sino sila dahil sila ang pinaka-approachable na taong makikilala mo sa buong planeta. Sa presensya pa lamang nila ay magkakaroon ka na ng kapayapaan at kagaanan ng loob. #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits