Hinay Hinay sa Matcha, 5 Side Effects ng Sobrang Matcha

Matcha Boon: Matcha tea, matcha bread, matcha dessert, matcha ice cream, matcha flavored drinks.

Advertisement

Isa ka din ba sa mga umoorder o mas pinipili ang matcha dahil maituturing na healthy? Kung ganoon ay basahin mo ito.

Ang matcha ay nag-originate sa Japan, mayaman ito sa antioxidants na nakatutulong para sa heart health, pagbaba ng stress level at weight loss subalit ano ba ang safe serving ng matcha? Mayroong nga bang tinatawag na ‘matcha overdose’? Ano ang side effects kapag sumobra dito?

Superfood ang matcha pero hindi nangangahulugan na ito na ang palagi nating piliin.

Ayon sa mga health experts, ang recommended intake ng matcha ay 1-2 grams lamang kada araw kaya alam mo na na kung sumobra dito ay maaaring magkaroon ng side effects.

Ilan sa side effects nito:

1.Digestive Issues

Mayaman sa fiber ang matcha subalit kung sosobra ka dito ay maaaring mauwi sa diarrhea, bloating, gas at constipation.

Alam ko excited ka humigop ng mainit na matcha tea pero mabuting paalalahanan ang sarili na “exercise moderation” lalo kung ang pag inom nito ay kasama na sa iyong daily routine.

Sinabi ni Jinal Patel, clinical nutritionist at dietetics sa Apollo Spectra hospital, Mumbai, na ang pagkonsumo ng sobrang matcha ay maaaring magresulta para ma-reverse ang benepisyo nito.

Kumpara sa ibang tsaa, ang matcha ay ating nako-konsumo sa mataas na quantity kaya hindi nakapagtataka na mayroon itong laxative effect, kung madalas ang pagkonsumo sa mataas na quantity ay maaaring magdulot ng digestive tract inflammation.

2. Sleep Disorder

Ang Matcha ay mayroong caffeine at anti-oxidant na tinatawag na epigallocatechin gallate o EGCG, ito ang dahilan kung bakit pagka-inom nito ay nakakaramdam ng pagiging energetic ngunit kung sa hapon natin ito inumin ay maaaring makahadlang sa ating pagtulog.

Kung masyadong matapang ang timpla ng iyong matcha ay mainam na subukan ang decaffeinated matcha na nagtataglay lamang ng 3 hanggang 10 milligrams ng caffeine kumpara sa green tea na nasa 40 milligrams.

3. Dehydration

Dahil may taglay na caffeine ang matcha na isang diuretic, maaari itong magresulta sa madalas na pag-ihi na maaaring mauwi sa dehydration. Isa sa senyales ng dehydration ay ang pakiramdam na laging uhaw. Payo ng mga doktor, kung mahilig sa matcha ay tiyakin din na natutumbasan ito ng mas maraming pag inom ng tubig.

4. Anemia

Ang sobrang caffeine at EGCG ay maaaring magbigay daan para mahirapan ang katawan sa pag-absorb ng iron, kung palagiang hindi maabsorb ng katawan ang iron ay magreresulta ito sa pagiging anemic.

Karaniwan nang hinahalo ang gatas sa matcha flavored drinks para mabawasan ang pagkapait nito, ngunit alam n’yo ba na kung lagi itong ginagawa ay nababawasan ang abilidad ng katawan na mag-absorb din ng iron sa ibang pagkain, lalo na sa heme-iron na nakikita sa mga meat products.

Sa sitwasyon na may senyales na ng anema ay mainam na agad nang kumonsulta sa doktor. Ang mga buntis at may mga kondisyon gaya ng celiac disease ang dapat na maging maingat sa pagkain o pag-inom ng maraming matcha.

5.  Nakaka-stain ng ngipin at nagdudulot ng tigyawat

May taglay na tannins ang matcha kaya sa madalas na pag-inom nito ay maaaring kumulay sa mga ngipin. Para makaiwas ay ugaliin na uminom ng citrus fruit juice at palagiang magsipilyo.

Ang acne flare-ups ay maaari din mangyari kung sobra sobra sa matcha. Ang caffeine na taglay nito ang siyang itinuturong dahilan, kaya kung acne prone ay mainam na bawasan ang masyadong matcha.

Kung nahihilig ka sa matcha tea kada meal, maaari siguro na maghinay hinay dahil anumang bagay na sobra ay talagang may masamang epekto sa ating katawan.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits