Extra Special Peg para sa Namayapang Fur Baby

Ang pagkawala ng ating mga alagang hayop ay maihahalintulad din sa sakit ng pagkawala ng ating mahal sa buhay, kaya naman maging ang paraan ng pagsasabi ng ating “last goodbye” sa ating fur babies ay nagiging extra special din.

Kung dati ang ginagawa ng pet owners ay ililibing ang kanilang namayapang alaga sa mga bakuran, sa ngayon ay mas disente na at marami nang opsyon ang ating pamamaalam sa ating fur baby.

Para mapanatili ang alaala ng fur baby ay mayroon nang iba’t ibang memorabilia na pagpipilian gaya ng burial at cremation.

Ginagamitan ng world-class hydrogen-powered pet cremation machine ang pag-cremate sa mga hayop at walang ginagamit na toxic chemicals, karaniwan itong tumatagal ng 24 oras at ang pagpapatuyo sa buto ay aabutin ng 2 hanggang 3 araw.

Photo: facebook.com/rainbowbridge.ph

 

 

 

 

 

 

Sa pet cremation service ay 85 percent ng buto ang siyang naibabalik sa pet owners.

Ayon sa Rainbow Bridge, nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P10,000 ang kanilang cremation para sa mga hayop na may bigat na 1kg hanggang 25kg, kasama na sa package ang urn, photo frame at paw claybox subalit maaari din mag-add on kung gusto mo na ilagay ang buto ng kanilang fur baby sa jewelry gaya ng pendants o steel capsules.

Nasa P15,000 pataas naman ang package ng Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory, kasama dito ang viewing o memorial bago ang cremation ngunit hindi kasama ang urn, maaari din mag-avail ng casket para sa mga hayop.

Kung extra special ang fur baby, maaari pa rin na ilagay ito sa kanilang columbary.

Kung peg mo na palagi pa rin kasama ang iyong fur baby, maaari na ilagay ito sa gemstone kung saan ang proseso na ito ay dinadala pa sa Hongkong.

Photo: facebook.com/rainbowbridge.ph

 

 

 

 

 

 

Ipinaliwanag ng Cosmopolitan na dahil hindi nagiging abo ang buto ng mga hayop ay dinudurog ito, 20 grams nito ay dinadala sa Hongkong para gawing gem stone bago muling ipadala sa Pilipinas para maging display.

Sinabi ni Dr Sarah Wooten, isang veterinarian at member ng American Society of Veterinary Journalists, maraming “pawrents” ang gumawa na ng cremation sa kanilang fur babies bilang closure ritual, isa umano itong epektibong paraan upang magkaroon ng healing sa pagkawala ng kanilang alaga na sa matagal na panahon ay naging best friend, companion, protector at naging bahagi ng kanilang pamilya.

Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay life-changing commitment na may kaakibat na responsibilidad na kahalintulad na rin ng pagkakaroon ng sariling anak kaya gaya ng tao ay deserve din ng ating alaga ang proper farewell sa pagtawid nila sa rainbow bridge.

Bilang pagpapahalaga sa kanilang alaala, pet cremation is a meaningful way to do.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits