Mahalaga ang pagkakaroon ng “soft skills” sa trabaho, eskwela, at sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Bukod sa isa ito sa mga hinahanap ng employer sa halos lahat ng trabaho, mahalaga pa rin na alam mo kung paano ito i-improve at gamitin sa maayos na paraan. Ano nga ba ang soft skills mo?
Narito ang ilang halimbawa ng soft skills at payo kung paano ito made-develop.
- Soft skill ang tamang komunikasyon at relasyon sa ibang tao. Malalaman mong may soft skill ang isang tao kung marunong siyang makipag-communicate at makibagay sa ibang tao.
- Soft skill ang kaalaman sa pagdedesisyon. Hindi man madali ang pagbibigay ng desisyon, maituturing itong soft skill dahil pinili mo pa ring bigyan ng solusyon ang isang bagay o sitwasyon sa pamamagitan ng pagwe-weigh nito, pag-assess, at pagde-desisyon nang tama.
- Soft skill ang pag-o-organize ng sarili at trabaho. Marahil marami sa atin ang hirap sa pag-o-organize sa lahat ng bagay, ngunit soft skill itong matatawag kung may abilidad kang ayusin o i-organize ang iyong sarili at trabaho.
- Soft skill ang kakayahang mag-adapt sa mahihirap na sitwasyon at kung paano mo ito haharapin at iha-handle.
Kung ang hard skills, ay ‘yong mga nakikita agad tulad ng kagalingan sa Microsoft Word typing, pagkakaroon ng degree o mga certificate, ang “soft skills” ay ‘yong “people skills.” Kapag ikaw ay nag-apply sa trabaho, dapat mong ipakita soft skills na taglay mo at kinakailangan nila.
Komunikasyon
Mahalaga ang communications skills saan mang trabaho o oportunidad. Maaari mong gamitin ang communication skills kapag ikaw ay:
- Nagsusulat at nagse-send ng emails
- Nakikipag-usap sa customers
- Nagbabasa ng instructions
- Tumutulong at nag-aalaga sa mga tao
Maaari mong ma-develop at ma-enhance ang iyong communication skills sa pamamagitan ng pagkilala ng mga bagong tao at pagta-trabaho kasama sila.
Maaari kang:
- Sumali sa sports team o creative arts club
- Mag-volunteer kung saan maaaring ma-enhance ang iyong pagsasalita sa publiko
- Mag-practice sa pagsagot sa telepono o video call
- Kumuha ng online course gaya ng paggawa ng work presentations
Leadership
Ang leadership skills ay hindi lamang para sa managers at public servants. Ang pagkakaroon nito ay pagpapakita na kaya mong i-manage ang iyong sarili at ang workload na ibinibigay sa’yo.
Maaaring na-experience mo na ang paggamit ng iyong leadership skills gaya ng:
- Time management. Kaya mong i-manage ang iyong oras gaya ng tamang oras na pagpasok sa opisina, pag-submit ng deliverables o assignment on time, at pagpa-prioritize ng mga gawain sa opisina. Dito mate-test ang iyong leadership skills, kung kaya mong i-manage ang iyong oras at oras ng iyong boss.
- Conflict management. Lumalabas ang leadership skills ng isang tao kapag nagawa mong i-manage ang isang komplikadong sitwasyon. Mahirap mang desisyunan ito minsan, kung malagpasan mo ito at ma-manage nang tama, masasabi mong kaya mo nang mag-handle ng complicated na problems o challenges sa opisina.
- Problem solving. Maituturing na problem solver ka kung kaya mo nang mag-solve ng problema nang walang nakokompromiso na iba.
- Mentoring. Mahalaga ang pagkakaroon ng mentor upang ma-enhance ang iyong skills at work ethics.
Upang ma-develop ang iyong leadership skills, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
- Pag-aayos ng iyong iskedyul sa pamamagitan ng paggawa ng timetable. Upang hindi ka mawala sa iyong goals, mainam na gumawa ng timetable para malaman mo ang iyong priority works at hindi ma-miss ang deadlines.
- Pagreresolba sa conflict ng kaibigan o katrabaho. Hindi naman ito panghihimasok sa problem ng iba, ngunit paraan lamang ng pagtulong upang ma-resolba ang problema ng iyong kaibigan o katrabaho na maaaring makaapekto sa trabaho ninyo. Kaya mainam na ayusin o pag-usapan na ito hanggang maaga upang hindi na lumala.
- Pagmo-motivate sa iba gaya ng pag-organisa ng mga aktibidad upang malibang at ma-train din sila kahit paano.
Positivity
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw at good attitude ang karaniwang hinahanap ng mga employer sa hina-hire nilang mga empleyado. Mahalaga kasi ang pagkakaroon nito bukod sa ganda ng iyong portfolio at dami ng achievements. Hinahanap ng mga employer ang mga taong solusyon ang nakikita at hindi problema.
Nakikita ang positivity skills ng isang tao kapag siya ay:
- Kalmado pa rin pagdating sa mga stressful na sitwasyon. Magulo man at stressful ang mga sitwasyon, makikita mo pa rin ang pagiging positibo kung solusyon na ang iyong iniisip sa halip na pinalalaki pa ang problema.
- Mayroong “can do” attitude. Laging kakayanin at gagawan ng paraan upang ma-achieve ang goals at deliverables nang maayos at tama. Nice attitude!
Upang ma-improve ang iyong positivity skills, maaaring:
- Kumuha ng kurso na may kaugnayan sa personal growth at well-being
- Pagresolba ng mga problema kapag may nangyaring hindi maganda
- Sumali sa sports o iba pang aktibidad upang maipakita ang pagiging team player
Flexibility
Ang pagiging flexible ay pagpapakita na kaya mong mag-adapt sa mahihirap na sitwasyon. Ipinapakita nito na kaya mong mag-handle ng pagbabago at mag-adapt kahit sa maikling panahon.
Maaari kang maging flexible sa pamamagitan ng:
- Pag-cover sa gawain ng iba sa trabaho
- Pagta-trabaho lagpas sa iyong regular na oras
- Pagbabago sa iyong trabaho upang makasabay o maka-fit sa mag prayoridad
Upang ma-develop ang iyong flexibility skills:
- I-rearrange ang iyong araw dahil sa pagbabago ng prayoridad
- Gumawa ng higit sa isang task at a time
- Gumawa ng isang bagay o trabaho outside ng iyong comfort zone
- Do a challenge
- Palitan ang plano upang makatulong sa iba kahit na short notice
- Problem solving
Isa rin sa hinahanap ng mga employer ang pagkakaroon ng problem solving skills at kung paano mo ito inaayos.
Maaari mong gamitin ang iyong problem solving skills kapag:
- Nakikipag-deal sa problema ng iyong customer
- Pagre-research upang maintindihan ang sitwasyon
- Pagtatanong upang mas maintindihan nang mabuti ang isang bagay
Maaari mo rin itong ma-enhance sa pamamagitan ng:
- Paglalaro ng logic puzzles at iba pang laro
- Pagkakaroon ng journal upang makita mo kung paano ka mag-solve ng mga problema at mag-prioritize ng mga gawain
- Sumama sa mga proyekto upang makita ang iyong problem solving skills
- Subukang mag-brainstorm at gumawa ng mga plano upang maresolba ang mga problema