Don’t let depression bring you down! 7 Signs that show your experiencing depression

Hindi natin madalas nakikita o napapansin ang mga senyales ng depression sa ating mga sarili.

Kapag nawala sa ating paningin o hindi na natin nakikita kung ano ang mahalaga sa atin, hindi na rin natin nakikita na maaaring ito ay mapunta sa depresyon.

Madali nga bang i-admit sa sarili kung depressed ka na? May mga senyales ba upang matukoy ito? Ayon sa isang artikulo sa panulat ng isang US clinical psychologist sa Mary Free Bed Rehabilitation Hospital na si Evan Parks, mayroong anim (6) na signs na ikaw ay depressed at ipinagsasawalang-bahala mo lamang ito.

1. May feeling ng disconnection sa kung anong mahalaga sa iyo.

Nasa iyo na ang kukumpleto sa buhay mo—people, ideas, at aktibidad na nagbibigay halaga at kulay sa buhay mo ngunit hindi ka makapag-focus sa pag-appreciate sa mga ito dahil sa pressure ng buhay. Kapag nawalan ka ng paningin sa iyong values, sense of purpose, at direksyon sa buhay, normal lang naman na makaramdam ka ng pagka-stress. Sa kasamaang palad, ang distress ay kadalasang nakakapukaw ng ating atensyon kaya hirap na tayong mag-focus sa mga bagay na mas mahalaga. Minsan pa nga ay nilalamon tayo nito nang buo nang hindi natin alam.

2. Mayroong gap sa pagitan ng iyong gusto mo at kung anong mayroon ka, o sa pagitan ng kung sino at kung ano ang gusto mong marating

Wala namang masama sa pagkakaroon ng ganitong gap. In general kasi, binabago tayo nang ganitong pananaw at it helps us grow. Ngunit maaari ring maging distressing itong gap na ito. Maaari tayong kumbinsihin ng ating magulong isipan na tayo ay stuck, na hindi na magbabago ang ating buhay, at ang lahat ng kahirapan o pagsubok sa buhay ay kasalanan natin.

3. Palaging kinokonsiderang importante, valid at totoo ang thoughts, feelings, at physical sensation

Kapag tayo ay distress, madalas pinapaniwala sa atin ng isipan ang mga pangyayari. Kadalasan, pinapakinggan natin ang eksplanasyon sa ating isipan as if may katotohanan ito at hindi na kinukwestyon ang konklusyon.

Halimbawa, sinasabi ng isip mo na life should treat you fairly, at kung hindi ito mangyari, you’ll feel miserable at ang misery na iyong nararamdaman ay kasalanan mo. Sadyang hindi ito nakatutulong.

4. Iniiwasan at kinokontrol mo ang distress

Kapag ikaw ay maingay, active ang unhelpful mind, mas na-amplify ang distress. Ito ang stress na gusto nating iwasan. Lahat tayo ay may iba’t ibang paraan ng pag-iwas at pag-control ng distress ngunit ang mga tipikal na method ay: a. Pakikipagtalo sa isipan, pinipilit kumbinsihin ang sarili sa positibong pamamaraan o pag-iisip; b. Pag-distract sa sarili with entertainment at ibang aktibidad gaya ng pagsha-shopping, gaming, o iba pang laro; c. Pagpapaginhawa sa sarili sa pamamagitam ng pagkain, alak, medications, atbp; d. Pagpunta sa labas o pamamasyal.

5. Ikaw ay stuck sa “struggle cycle”, at naghahanap ng short-term relief only to feel worse

Iniiwasan at kinokontrol mo ang distress. Kapag ikaw ay nakakaramdam ng kaunting ginhawa dahil dito, bigla ka na lang makararamdam ng pagiging miserable muli, may kasama pang bagong mga problema. Kadalasan, iyon pang iniiqasan natin ang nakapagpapalala ng ating sitwasyon, in the long run. Nasasakripisyo nito ang oras, pera, at kalusugan, minsan mas malala pa pagdating sa relasyon.

6. Pinapaniwalaan mo na kailangan mo munang maialis ang iyong distress bago magsimula muli

Stress before moving forward again. Iniisip natin na may mali sa atin kapag hindi tayo masaya. Iniisip din natin na dapat nating kontrolin ang feelings at isipan natin at dapat matanggal ito bago magsimula muli. Ito ang struggle cycle na patuloy na nararanasan. Sa kapipilit nating iwasan o kontrolin ito sa paraang gusto natin, kadalasan ay lumalala pa ito at hindi nakatutulong.

Kung nararanasan mo rin ito ngayon, hindi ka nag-iisa. Marami sa atin ang araw-araw nakararanas ng struggle cycle at some point in our lives.

Ang unang step sa pagiging malaya at pagma-manage ng depression ay madaling sabihin ngunit ang pagkakaroon ng habag sa sarili ay mahalaga rin. Don’t be too hard on yourself and see the beauty and good within yourself.

Pangalawa, i-assess at tanungin ang sarili kung nakatutulong ba ang pagko-kontrol sa distress o hindi. Dinadala ka ba nito sa direksyon na gusto mo? Maaaring hindi. Maaaring mas dinidistract ka pa nito.

Finally, i-let go mo ang mga ginagawa mo upang kontrolin o iwasan ang distress. Sa halip ay dalhin mo ito sa direksyon na nais mong tahakin, malayo man o magulo. Malaking tulong ito upang mas malaman mo kung paano ito haharapin sa pagdaan ng panahon.

Tandaan, hindi ikaw ang iyong iniisip; hindi mo kailangan kontrolin ang sinasabi ng iba dahil ikaw ang manunulat sa istorya ng iyong buhay, at hindi biktima nito. Kaya gawing makulay ang iyong istorya, anomang distress, problema o balakid ang dumating. Don’t let depression bring you down. You can do it! #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits