Ano sa ingles ang “Pang-ilan ka sa magkakapatid?”

Iba’t-ibang interpretasyon at eksplanasyon ang naririnig at nakikita natin kapag ang usapin ay tungkol sa mahiwagang tanong na “Ano ang english ng Pang-ilan ka sa magkakapatid?”

Mahiwaga dahil hanggang ngayon ata ay wala pa ring opisyal na kasagutan kung ano ang ingles nito. Maaari kasi na depende na lamang ito sa nagtatanong at sumasagot. Maraming interpretasyon ang nabuhay sa tanong na ito. Maraming interpretasyon ang nakakabit sa tanong na ito dahil sa hirap din naman i-translate. Minsan nga ay ginagawa pang katatawanan nang iba sa social media upang maging light lang at hindi masyadong mahirapan sa pagta-translate.

Nabuhay ang usaping ito nang nag-trend sa Facebook at Twitter ang tanong na ito. Mayroong nagsabi na ang totong ingles nito ay “How many siblings do you have? Where did you fit in that order?”, mayroon pang “What’s your ordinal number from the siblings?”, at ang nakakatawang interpretasyon gaya ng “What position are you in the choreography of your mother and father during versace on the floor?”. Kung gusto mo naman na straightforward na sagot, “Who’s the eldest among your siblings?” na lang ang itanong mo.

Kung tutuusin, mahirap nga talagang tukuyin ang tama at opisyal na ingles nang tanong na ito dahil mukhang applicable naman lahat, depende na lang sa interpretasyon ng sumasagot.

Ngunit mukhang tapos na ang usapan dahil sa inilabas na video ng Miss Universe organization kung saan tinanong si Miss South Africa Ndavi Nokeri sa isang closed-door interview ng pageant. Lumabas sa screen ang katanungang “”Of all the siblings in the family, where do you stand?”

Ani Nokeri, siya ang panghuli sa magkakapatid. Siya ang baby. Ang katanungan at sagot na ito ay pumukaw sa atensyon ni content creator at english language at grammar tutor na si Ayn Berno matapos niyang i-post ito sa Twitter. Aniya sa kaniyang post, “Ayan na ang English niya 😅”

Kinatuwa naman ng netizens ang post na ito kaya marami ang nag-comment at sinubukang sagutin ito sa Twitter.

Nagbiro pa nga ang isa sa mga netizens, na ginaya ang sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ika niya, “I stand here not as one but as a hundred and four million Filipinos!!!”

Marami pa ang pabirong sumagot na “Among my siblings, I stand corrected. Thank yew.”
“I stand facing the wall.”
“Outside. Because I’m an outstanding sibling.”
“Akala ko, in the scale of 1-5, where are you?”
“Pwede namang, ‘You are candidate number?'”
“I stand to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart,” comment din ng isang netizen na nire-refer ang iconic na sagot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach’s sa question and answer portion ng pageant.

Ang video na ito ay isa lamang sa nirelease ng organization matapos ang Miss Universe ngayong taon kung saan nanalo si Miss USA Rbonney Gabriel.

Marami man ang sumakay sa pagsagot sa tanong na ito, tila marami na ang natahimik dahil sa opisyal na paglabas ng ingles ng “Pang-ilan ka sa magkakapatid?” dahil marami na ang hindi mahihirapan sa pag-interpret ng tanong na ito (sa wakas!).

Ganito na rin talaga kalawak ang power at reach ng social media dahil sa mga ganitong pagkakataon napag-uusapan ang ganitong mga diskurso. Dito nadi-diskubre ang mga usapin o topic na mahalagang malaman at pag-usapan. Nakakatulong din ito lalo na sa mga content creator na nagbibigay kaalaman sa mga followers nila kagaya ni Ayn.

Mabisa rin naman ang social media pagdating sa pagbibigay ng awareness sa mga ganitong usapin, lumalawak ang kaalaman ng mga netizens, hindi man mawala ang pagiging witty nang iba dahil sa pagsakay nila sa ibang nakatutuwang katanungan.

Ikaw, pang-ilan ka sa magkakapatid? #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits