Ang pagkakaroon ng confidence o lakas ng loob ng mga kababaihan ngayon ay may kalimitang downside din pala. Minsan, may impresyon ang ibang tao na kapag ang mga kababaihan ay malakas ang personalidad at confident, too good for them na o di kaya’y malalakas o masyadong mapagmalaki sa mga nakukuha o na-aaccomplish sa buhay.
‘Yong iba, iniisip na baka kaya ganun ay dahil kulang sa atensyon o validation. Ngunit hindi ganoon ang kaso. Pagdating sa usaping pagde-date, madalas nating nakakalimutan na kailangan ng kaunting kumpyansa sa sarili o lakas ng loob upang madala ang isa’t isa o anumang usapan sa lamesa. No dull moments, ika nga.
At sa totoo lang, ang first impression natin ay nakadepende sa confidence ng isang tao–alam agad natin kung mahiyain o malakas ang dating, kung mayabang o sadyang may aura o matalino lang.
Worry no more dahil mayroong iba’t ibang paraan upang maipakita ang iyong nag-uumapaw na confidence na nagpapakita ng best version of yourself, hindi para ma-intimidate o matakot sila (i’m talking about your ka-date).
1. Bigyan ang sarili ng tamang oras upang maghanda
Bago ang iyong date, mainam na bigyan mo muna ang iyong sarili ng tamang oras upang makapag handa nang mabuti at huminga.
Minsan nga, ilang araw o oras bago ang date ay lubos ang paghahanda at pagpapahinga upang fresh o maganda ang mood kapag nagkita kayo.
Basta habang ikaw ay naghahanda, ‘wag kalimutan mag-selfie to capture the best moments! Nakakaganda din ng mood kapag alam mong chill ka lang at chine-cherish mo lang ang oras na kayo’y magkikita at magkakasama for the first time!
2. Magsuot ng damit na komportable at presentableng tingnan at dalhin
Wala nang mas nakakabagabag pa kapag ang iyong kasuotan ay hindi komportable, either masikip, maliit, revealing, o ‘yung tipong ‘di ka na makakahinga kapag nakakain nang marami.
Kaya naman, piliin mabuti ang isusuot sa first date. Magsuot ng damit na komportable kang makakagalaw, presentable, nakaka-good vibes, at nakakalakas ng kumpyansa sa sarili. Minsan, ang pinaka simpleng attire bitbit ang confidence at class ay nakakakuha na agad ng atensyon.
Sabi nga nila, dress to express and not to impress. Isuot mo ang iyong paboritong blusa o polo dahil gusto mong maging komportable sa date, hindi dahil sa gusto mong magpa-impress ng todo. Bam!
3. Ituon ang atensyon sa ka-date
Mahalagang nakatuon ang iyong buong atensyon sa iyong ka-date upang maipakita ang sinseridad o malaman ninyo kung interesado ba kayo sa isa’t isa.
Gayunpaman, ang mga taong confident ay hindi takot magtanong o magsimula ng isang usapan o conversation. Kaya feel free to ask questions para may starter kayo at para magtuloy-tuloy ang usapan. No boring moments! Tandaan, kapag alam nilang marunong kang makinig, mas gagaan ang kanilang loob sa iyo at mas magiging connected kayo.
4. Just be yourself
Sa mundong maraming mapagpanggap at manloloko (hindi naman lahat pero marami na), maging matapat at totoo sa sarili. Umorder ka ng burger kung ‘yon ang iyong gusto kaysa salad. Matutong magsalita kung hindi ka komportable o kung may problema. I-express ang iyong sarili at ang iyong gusto, ‘wag mo itong itago o ipagsawalang-bahala.
‘Wag mong piliting mag-iba ng anyo o ugali kapag iba ang iyong kaharap dahil alam nila kung ang isang tao ay nagpapanggap lamang o nagsasabi ng totoo. Just be you and be natural.
5. Tawanan mo lamang iyan
Kung magkaroon man ng nakakahiyang karanasan o kaganapan sa inyong date, tawanan mo lamang ito kahit gustong gusto mo nang umiyak sa kahihiyan.
Kung ramdam mo nang mag-give up sa dating dahil sa mga karanasang hindi magaganda, manood ka na lamang ng comedy o funny movies at tumawa. Sa gayun, maganda pa rin ang ending ng iyong araw, hindi man ganoon kaganda ang simula ng iyong date. Okay lang ‘yan, maraming pa namang next set of dates!
Hindi man palaging perpekto ang first date, tiyak naman na marami kang matututunan mula rito. Maaaring nakakadala iyong iba dahil epic fail na maituturing. Mayroon din namang memorable na parang mala-fairy tale, swerteng matatawag ‘yung makakasundo agad ang ka-date, mayroon ding taking it slow kahit na nagka-date na dahil gustong maging magkaibigan muna at makilala pa nang husto ang isa’t isa.
Iba-iba man ang karanasan at aral na nadadala natin dulot ng pakikipagkilala at pakikipagkaibigan, mayroon namang isang hindi nagbabago—ang ating katapangan sa pagsubok kumilala nang ibang tao o bagong kaibigan sa pamamagitan ng “first date”.
Kung ikaw naman ay hindi pa handang makipagkaibigan at lumabas muli, okay lang ‘yan! Normal ‘yan, kaibigan. Hindi naman kabawasan sa pagkababae o pagkalalaki ang hindi pakikipag-date. Maaari mo namang simulan sa pamamagitan ng self-love o paglabas-labas kasama ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay, not necessarily na jowa o gusto agad ang dapat i-date.
Masaya lamang at masarap sa pakiramdam ang first date kapag alam mong handa ka nang makipagkaibigan at kumilala ng ibang tao outside your circle. Minsan nga mas masarap pang magkwento sa taong hindi mo kilala o kakakilala mo pa lamang dahil walang judgement, ‘di ba? #
source:https://www.yourtango.com/love/subtle-ways-show-confidence-first-date