Transformer Actor “Isinalba” ni Padre Pio

Itinuturing ng actor na si Shia LaBeouf, kilala sa kanyang mga pelikulang Transformers at Fury, na isinalba mismo ni Padre Pio ang kanyang buhay dahil ang pagganap nito sa pelikula bilang si Padre Pio ang syang nagbigay daan para makilala at magbalik loob sa Panginoon.

Photo from Shia LaBeouf IMDb

Kwento ni Shia hindi ito nagsisimba, magulo ang kanyang buhay na madalas nasasangkot sa ibat ibang kaso at minsan na rin nyang naisip na mawala sa mundo subalit nagbigay ng bagong kahulugan sa kanyang buhay nang makilala niya si Padre Pio sa pamamagitan ng pelikula na kanyang pinagbidahan.

Kung dati ay walang Diyos na kinikilala si Shia sa ngayon ay hindi na ito makatiis kung hindi makapagrosaryo, makapagsimba, makiisa sa ng Holy Eucharist at tumanggap ng Holy communion na isinalarawan nyang “regenerative”.

 “I start feeling a physical effect from it. I start feeling a reprieve and it starts feeling, like, regenerative, and I start enjoying it to such a degree I don’t want to miss it, ever.”pahayag ni Shia.

Paano biglang naconvert sa pagiging Katoliko si Shia dahil lamang sa pagganap bilang Padre Pio?

Sa isang interview ng Catholic News Agency(CAN) kay Brother Alexander Rodriguez, O.F.M., isang Franciscan Capuchin, sinabi nito na kasama nya si Shia nang magtungo sa Old Mission Santa Inés sa Solvang, California at sa Italy upang alamin ang naging buhay ni Padre Pio, dito na namangha at nainspire ang aktor lalo na nang malaman ang mga miracles na ginawa ni Padre Pio.

Sa kagustuhan ng aktor na lumalim pa ang kanyang kaalaman sa pagiging katoliko ay nakiisa ito sa catechetical education program at dito ay nagtuloy tuloy na ang transpormasyon sa buhay ni Shia.

Photo from Wikipedia

Si Padre Pio o Saint Pius of Pietrelcina ay kilala bilang isang relihiyoso, sa edad na 5 taon ay inalay nya ang kanyang buhay sa Panginoon at nais na maging isang pari, naging tanyag sya sa pagiging stigmatist o pagtataglay ng mga sugat ni Hesus na makikita sa kanyang kamay at paa. Taong 1919 nang kumpirmahin ng Simbahang Katoliko na hindi peke ang mga sugat ni Padre Pio.

Taong 1947 matapos bumisita si Fr. Karol Wojtyla kay Padre Pio ay sinabi nitong “You would rise to the highest post in the Church” totoo nga dahil noong 1978 si Wojtyla ay naging Pope John Paul II.

Setyembre 23,1968 nang mamatay si Padre Pio sa edad na 81 kung saan nasa 100,000 katao ang dumalo sa kanyang funeral, isa sa paborito nyang linya ay “Pray, hope and don’t worry. Worry is useless. God is merciful and will hear your prayer.”

Si Padre Pio ay patron saint para sa Civil Defense volunteers, mga kabataan, mga nakakaranas ng sakit at depression.

Ang Sanctuary of Saint Pio of Pietrelcina ay matatagpuan sa San Giovanni Rotondo, Province sa Foggia, Italy.

Cover photo screenshot from ‘Padre-Pio’ movie trailer on Youtube

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits