Kilalanin si Pope Benedict XVI, ang ika-265 Bishop ng Roma

Sa edad na 95 anyos ay pumanaw na si Pope Benedict XVI, matapos i-anunsyo ng Vatican ang kanyang pagpanaw ay isang kalembang ng kampana ang tumunog sa St Peter’s Square.

Sino nga ba si Pope Benedict XVI?

Photo: world.time.com

Walong taong nagsilbi bilang Santo Papa si Pope Benedict bago ang kanyang pagbibitiw sa pwesto noong 2013 dahil sa kanyang katandaan, ang kanyang pag-reresign ang siyang kauna-kaunahan sa kasaysayan mula noong 1415 o sa loob ng mahigit 600 taon.

Bagamat bumaba sa pwesto, nanatili sa Master Ecclesiae Monastery sa loob ng Vatican si Pope Benedict hanggang sa kanyang pagpanaw.

Para sa kanyang successor na si Pope Francis, si Pope Benedict o mas pinili na tawagin siyang Pope Emeritus ay maituturing na “gift to the church”.

Si Benedict XVI, o Joseph Alois Ratzinger ay ipinanganak noong April 16, 1927 sa Germany. Naging pari ito noong 1951 at mula noon ay naging magaling na professor sa theology sa ilang German universities. Kakaunti ang pastoral experience ni Benedict XVI subalit hindi ito naging hadlang sa kanyang promosyon. Naitalaga siya bilang Archbishop of Munich at itinanghal na cardinal noong 1977 at Prefect of the Congregation for the Doctrine of the Faith noong 1981 at bago ito naging Santo Papa ay naging Dean of the College of Cardinals.

Kilalang confidant ni dating Pope John ll na ngayon ay Saint John Paul ll si Pope Benedict at isinalarawan ito bilang “the main intellectual force in the Church” mula pa noong dekada 80.

Bukod sa kanyang native language na German, magaling din sa ibang language si Benedict XVl kabilang ang French, Italian, English, Spanish, Portuguese, Latin, Biblical Hebrew at Biblical Greek. Bukod sa kanyang karunungan sa pagtugtog ng piano kung saan paborito niya ang Mozart at Bach ay kasapi din ito ng iba’t ibang social science academies gaya ng French Académie des Sciences Morales et Politiques.

Naging kontrobersyal si Pope Benedict XVl dahil sa posisyon nya sa ilang isyu, tumanggap ito ng pambabatikos dahil sa paghawak sa sexual abuse cases sa loob ng Catholic Church at sa kanyang pagtutol sa paggamit ng condoms kahit pa man sa mga lugar na may mataas na kaso ng HIV transmission.

 

PANGARAP NA MAGING CARDINAL

Photo: lastampa.it

Sa murang edad na 5 taon ay naging pangarap na ni Pope Benedict XVl na maging cardinal, ito ay matapos na bumisita sa kanilang lugar si Michael von Faulhaber, ang Cardinal Archbishop ng Munich.

Nang matapos ang kanyang elementarya,sa edad na 12 anyos, ay pumasok na ito sa seminary hanggang sa pumutok ang giyera noong 1942 kung saan napilitan itong pumasok bilang sundalo ng German Infantry. Nang matapos ang giyera noong 1945 ay bumalik muli ito sa seminaryo hanggang sa ma-ordain bilang pari noong 1951, ang nanguna sa kanyang ordinasyon ay si Cardinal Michael na siyang naging inspirasyon niya sa pagpapari.

Bago mahalal bilang Santo Papa ay kabilang si Pope Benedict sa itinuturing na 100 most influential people in the world ng Time Magazine. Hindi niya nais na maging Santo Papa bagkus ang kanyang hangad ay makapagretiro sa kanyang kinalakihang lugar at ilaan ang kanyang nalalabing panahon sa pagsusulat ng libro, kaya naman minsan nitong nabanggit na “At a certain point, I prayed to God ‘please don’t do this to me’…Evidently, this time He didn’t listen to me.”

Ang papal name na Benedict ay pinili niito dahil sa kahulugan nitong “the blessed” at bilang pagpupugay kay Benedict XV na syang Santo Papa noong First World War at St. Benedict of Nursia na syang founder ng Benedictine monasteries.

Si Pope Benedict ang syang nanguna para sa beautification ng kanyang predecessor na si Pope John Paul II. Karaniwan ay 5 taon mula nang mamatay ang isa tao maaaring simulan ang beatification process subalit winaive ito ni Pope Benedict dahil sa “exceptional circumstances”.

 

FRIENDSHIP WITH JESUS CHRIST

Photo: irishexaminer.com

Karaniwang tema ng homily ni Pope Benedict ay ang kanyang paalala na maging kaibigan ng lahat si Jesus.

“Do not be afraid! Open wide the doors for Christ!”

Sa kanyang sariling pananalita ipinaliwanag ni Pope Benedict na hindi dapat matakot na papasukin sa ating buhay si Jesus, aniya, “If we let Christ enter fully into our lives, if we open ourselves totally to Him, If we let Jesus Christ into our lives, we lose nothing, nothing, absolutely. Only in this friendship do we experience beauty and liberation. When we give ourselves to Him, we receive a hundredfold in return. Yes, open, open wide the doors to Christ – and you will find true life.”

Mawala man si Pope Benedict XVI ay mananatili pa rin ang kanyang pangangaral sa mga Katoliko sa pamamagitan ng mga iniwan nitong libro isa na dito ang Jesus of Nazareth na mababasa ang kanyang palagiang paalala na magkaroon ng relasyon kay Jesus.

 

Sumakabilang buhay si Pope Benedict noong Disyembre 31,2022, alas 9:34 ng umaga(Central European time), ayon sa kanyang long time secretary na si Georg Gänswein ang huling salita nito ay “Signore ti amo” salitang Italyano na ang ibig sabihin ay ‘Lord, I love you.’

Mula noong Enero 2,2023 ang labi ni Pope Benedict ay nakahimlay sa St. Peter’s Square, ang isa sa hiling nito ay magkaroon ng simpleng funeral na gagawin sa Enero 5, ang kanyang labi ay ilalagak sa crypt ng St. Peter Basilica.

Ang kanyang successor na si Pope Francis ang siyang nanguna sa funeral para sa yumaong Santo Papa.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits