Science Fiction Kontra Aksyon: Batang Quiapo Mas Popular sa Voltes V

ni Constellana Macaraeg

Ang highly-publicized ratings na bangayan sa pagitan ng Voltes V: Legacy sa GMA at Batang Quiapo sa ABS-CBN ay isang kilalang kompetisyon sa industriya ng telebisyon at online platforms. Ang dalawang networks ay palaging magkaribal sa kani-kanilang mga programa sa TV at productions, kung saan ang madalas na umaangat ay ang ABS-CBN bilang frontrunner. Gayunman, nakaiintrigang tandaan na sa Voltes V: Legacy at Batang Quiapo, ang margin sa kanilang ratings ay sobrang manipis. Puwedeng magtaka kung anong pinagkaiba ng dalawa at nagpapaangat sa pinaglalabang arena.

Sa loob ng ilang linggo noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng pag-aaral sa Voltes V: Legacy at Batang Quiapo na isinagawa ng Capstone-Intel Corporation upang malaman ang appeal ng mga ito sa publiko sa iba’t ibang platforms online.

Ang Capstone-Intel ay isang pribadong research agency na seryoso sa pagbibigay ng high-impact research na may actionable intelligence.

Sa kanilang pag-aaral, kinuha nila ang malinaw na paghahambing ng dalawang programs mula sa iba’t ibang platforms sa social media at non-social media.

Sa aking panonood sa episodes ng dalawang TV series, masasabi ko nang tunay ang pagkakaiba nila base sa aking mga interpretasyon.

Sa Voltes V: Legacy, may interplanetary war sa pagitan ng aliens at mundo ng mga tao. Gustong sakupin ng aliens ang mundo gamit ang kanilang flying skull transportation. Nagpadala rin sila ng isang robot na si “Dokugaga” upang takutin ang mga tao. Sa kabilang banda, ang Voltes V: Legacy ay ang huling opsyon para idepensa ang mundo. Mayroon pa silang V robot na lalabanan ang aliens na tinatawag na “Beast Fighter”.

Sa Batang Quiapo, ito ay tungkol sa lalaki na ang pangalan ay “Tanggol” at naging kabilang sa mga masasama sa Quiapo, Manila. Sa pag-asang makuha ang pagmamahal ng kanyang mga magulang, ang kanyang kilos ang naglapit sa kung anong tunay niyang pagkakakilanlan.

Pagdating sa cinematography ng Voltes V: Legacy, palagi kong napapansin kung paano gumamit ng effects na hindi sapat para maging realistic kahit ang seryeng ito ay fantasy. Halimbawa, sa Encantadia. Ang effects ang pumatay sa vibe ng production. Habang sa casts, hindi ko pa rin makuha ang vibe ng scene dahil para sa akin, naghahanap ako ng mas maraming galaw na may justification sa bawat kasalukuyang eksena. Halimbawa nito, si “Steve” na nasa karakter ni Miguel Tanfelix na na-appoint sa bilang pinuno ng kanilang pangkat at habang ginagawa ang utos sa kanilang pagbabagong-anyo ay wala akong maramdamang chill. Mayroon akong hinahanap at hindi nakumbinsi na ang kasabikan sa pakikipaglaban ay nasa kanya.

Mahusay ang cinematography ng Batang Quiapo para sa akin dahil wala silang paggamit ng special effects na tulad sa Voltes V: Legacy, na kung tutuusin ang dalawang ito ay may magkaibang genre. Ang mga eksena ay makatotohan gaya ng inilalagay ka ng production sa bawat eksena ng palabas. In character din ang casts. Hindi lamang nila sinasabi ang kanilang linya ngunit ipinakikita ito. Halimbawa, sa eksena kung saan ang karakter ni Coco Martin, ninanakawan ni Tanggol ang isang matandang bading, kumakabog ang dibdib ko at sana ay hindi mahuli si Tanggol.

Sa Voltes V: Legacy, isa itong ganap na kahihiyan para sa akin. Sorry not sorry para sa terminong nagamit ko pero iyan ang naramdaman ko nang pinanood ko. Isa akong fan ng science fiction pero hindi rito sa Voltes V: Legacy. Mas babalik ako sa panonood ng Power Rangers kaysa palabas na ito. Hindi sa nilalahat ang buong network ng GMA, hindi ko nararamdaman na mananatili ako sa Voltes V: Legacy hanggang sa huli maliban kung subukan nilang gumamit ng mga makatotohanang effects. Magandang panoorin ang Batang Quiapo kapag ikaw ay isang action movie fan. Kaya bakit ang mga palabas na ito sa TV ay halos may parehas na ratings? Para sa akin, ito ay dahil ang Voltes V: Legacy ay mas nostalgic dahil ibinabalik nito ang memorya ng dekada 90 habang ang Batang Quiapo ay palaging may cliffhangers kaya gugustuhin mo na panoorin ang susunod na episode para masiyahan ang iyong pagkausyoso.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits