Check-out Mo Na ‘Yan!: Paghahambing na opinion sa Lazada at Shopee

ni Kisha D. Esternon

Mga damit, gaheto (gadgets), aksesorya, muwebles at pampaganda ng bahay, kahit pa pagkain – kahit anong puwede mong isipin ay puwedeng mabili sa e-commerce platforms.

Noong kasagsagan ng pandemya, hindi lamang naging prominente ang online shopping pero naging bahagi ito ng pamumuhay ng mga tao. Maliban sa kaginhawaang naibibigay nito, nag-aalok din ito ng murang halaga para sa parehas na brands na makikita sa pisikal na tindahan. Isipin mo na hindi ka makahanap ng espesipikong sangkap sa grocery store na malapit sa inyo, sa iilang pindot sa phone ay maihahatid na sa bahay ninyo ang hinahanap mo sa loob ng isang araw – puwede iyan kahit nakaupo ka lamang sa sofa sa bahay ninyo. Tulong din ito sa mga consumer para makita ang reviews ng ibang bumili para masuri ang pagkalehitimo at kalidad ng mga produkto, na nagdaragdag sa desisyon sa pagbili.

Para sa retailers, sa kabilang banda, ang sites na ito ay nagbibigay ng lugar para makabenta sila ng kanilang mga produkto nang wala ang karaniwang halaga ng operasyon na mayroon sa pisikal na tindihan. Mas Madali sa kanila na maibenta ang produkto online dahil may karagdagang opsyon sa pagbabayad sa advertisements.
Sa Pilipinas, ang dalawang pinakapopular na online shopping platforms ay ang Lazada at Shopee, na naroon ang tanong na “Sinong mas maayos?” Parehas itong nagbibigay ng accessibility sa malawak na koleksyon ng mga produkto, mabilis na paghahatid, at at mas murang presyo.

Sa pag-aaral na isinagawa Capstone-Intel, napag-alaman na sa Facebook, ang Shopee ay mas may malawak na bentahe sa engagement scores kumpara sa Lazada, ibig sabihin ang Shopee ay mas nakakuha ng mas maraming reactions, comments, at shares. Gayunman, ang Lazada ay mas maraming commendable positive reaction response, gaya ng “Like” at “Love” reactions mula sa mga tao sa bawat post, kumpara sa Shopee. Mas mataas din ang bilang ng mentions ng Shopee sa social media platforms, gaya ng Facebook. Ang dalawang ito ay gumagamit ng celebrities at influencers mula sa local at international scenes para sa pagbebenta, for marketing, at doon masasabi kong magkaparehas sila.

Ang Capstone-Intel Corporation, ay isang private research agency na may pangakong maghatid ng high-impact research na mas pinagtibay pa ng actionable intelligence. Ang ahensyang ito ay nag-imbestiga sa pagbisita sa website, kung saan napag-alaman na ang Shopee ay nakasungkit ng 10 million more website views kada buwan kumpara sa Lazada. Dagdag pa rito, ang Shopee users ay may posibilidad na magkaroon ng balanseng traffic share sa desktop at mobile na paggamit. Samantala, ang Lazada users at may posibilidad na gumamit ng mobile app kaysa desktop website counterpart. Ang datos ng Capstone-Intel ay nakolekta mula Abril 26, 2022 hanggang Mayo 26, 2023.

Sa akin opinion, at mula sa obserbasyon mula sa posts na nakikita ko online, madalas na magreklamo ang tao sa interface ng Lazada na hindi user-friendly hindi tulad sa Shopee. Bagama’t unti-unting pinipili ng mga tao na gamitin ang Lazada dahil nagbibigay ito ng mas ligtas na pamamaraan ng pagbibigay para sa mga parcels. Maraming mga alalahanin sa mga serbisyo ng paghahatid ng Shopee dahil madalas na nagrereklamo ang mga mamimili tungkol sa nawawala o naantala na paghahatid ng kanilang mga parcels. Lumipat ako mula sa paggamit ng Shopee sa Lazada dahil nag-aalok ang huli ng parehong araw na paghahatid sa mababang bayad. Hindi rin ako nakatagpo ng anumang mga isyu sa mga produkto na kanilang inaalok o ang kanilang mga delivery riders ay bastos.
Hanggang ngayon, maraming Pilipino pa rin ang gumagamit ng Lazada at Shopee nang palitan; alin ang mas maganda? Maaaring depende ito sa iyong pagnanais bilang isang mamimili – o ang dalawang ito ay patuloy na maglalaban hanggang sa katapusan ng panahon.

 

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits