Argumentong may bilang sa pagitan nina Michael V at Rendon Labador

May pag-aaral na isinagawa ang isang kompanyang Capstone-Intel tungkol sa aktor na si Michael V na isa ring content creator at isa pang kauri niya na si Rendon Labador.

Ang Capstone-Intel ay isang pribadong ahensyang maaasahan dahil handa ito sa pagbibigay ng high-impact research na mayroong actionable intelligence.

Ang pag-aaral ay tumutok sa pagiging popular nina Michael V at Rendon – at kung lalaliman pa, malalaman dito kung anong klaseng popularidad o paano sila pinag-uusapan ng publiko. Malinaw na nailahad dito ang Comparative Engagement Score ng dalawa. Nasa research din kung sa paanong paraan nila ito kinuha tulad ng datos mula sa Facebook sa bansa.

Bilang opinion ko at kung paghahambingin ang dalawa, totoong industriya nang matatawag ang aktor na si Michael V sa mundo ng show business. Kung tutuusin ay hindi lamang siya isang aktor. Isang malaking package siya ng iba’t ibang abilidad kung kaya hindi nakapagtataka na kahit nasa social media generation na tayo ay nananatiling relevant ang kanyang identity.

Mas naging relevant pa ngayon si Michael V dahil pilit siyang binabangga ng isang Rendon Labador na isang influencer at negosyante. Pumutok kasi ang isyu na namuo sa pagitan nila nang si Michael V ay nagbitiw ng seryosong mensahe sa kanyang Instagram account noong Abril na, “The first thing any “content creator” should understand is the meaning of the word: “CONTENT.” Malinaw na walang binanggit na pangalan ang aktor, pero malinaw na may umaray – iyan si Rendon, pumiyok!

Naging mainit din ang sagot ni Rendon, “INFLUENCERS” are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD! Social media is the NEW MAINSTREAM.” Sa pahayag na iyan ni Rendon, parang sinabi na rin niya kung anong kalidad ang mayroon ang content creators na tulad niya.

Tama naman si Michael V, na bilang content creator o influencer dapat maging responsable ka sa inilalabas mo online, kasi hindi rin naman matataas ang nalalaman ng viewers pero mas maiging bigyan sila ng kaalamang may halaga at hindi nakasasakit ng iba para masabing lehitimo kang influencer o content creator. Kailangan maging mabuting ehemplo. Kailangan ito dahil ito ang mahalaga. Kasi kung gusto mo rin namang makilala ng publiko, magpakilala ka na sa mabuting paraan para positibo ka ring tatagal sa industriya.

Maraming content creators ngayon na masabi lamang na may nagawa silang content ay wala na itong sinusunod na “guidelines.” Gawa lamang nang gawa ng content pero salat sa detalye at kalidad. Hindi nila alintana na kaakibat ito ng matuwid na respondibilidad sa pagbibigay ng maayos na impormasyon.

Sa akin lamang naman, sa usapin sa pagitan ng dalawang personalidad, huwag kang babangga sa isang taong matibay na at nasa punto ang argumento tulad ni Michael V. Kapag pinatulan mo na wala ka sa ayos, ang puna ng mga tao ay sa iyo mabubuhos. Pipili ka rin ng argumento na may bilang, hindi basta sugod nang sugod. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapahiya ang sarili sa publiko – mabilis pa naman sa screenshot ang mga tao.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits