Category: Community

Dos and Don’ts sa Pamimili sa Divisoria

Araw-araw dinarayo ang pamilihan ng Divisoria sa Maynila dahil na rin sa mura ng mga bilihin dito lalo na pagsasapit ang pasukan ng mga estudyante at Pasko. Mga bilihing pansarili o pangnegosyo na pangangailangan ay maaaring dayuhin ito… kaya naman ito ang ilan na paalala upang ma-enjoy ang pamimili sa Divi ay maaaring ikonsidera ang ilang tips na ito: Agahan ang pagpunta para maraming mabisita na tindahan. Hindi magsasawa sa iyo ang pamilihang ito lalo na’t hindi mauubos ang bibilhin ng mga tao. Minsan sa dami ng magagandang puwede na bilhin gusto mo nang bilhin lahat. Kaya mahalaga na piliin ang naayon sa iyong sariling budget. Siguraduhin na komportable ka sa damit na suot mo. Mahalaga na naaayon sa pamimili sa Divisoria ang damit mong isusuot. Makatutulong ito na mas mapadali ang iyong pamimili o pamamasyal lalo na kung maghapon kang mamimili o magbibitbit ng bilihin. Mahalaga na magdala ng maiinom na tubig. Iparada ang sasakyan sa tamang paradahan. Dinadaanan ng pampubliko o pribado na sasakyan ang ilang kalsada sa Divisoria. Tinatayuan naman ng tindahan ang ibang kalsada dito. Mahalaga na alam mo na nasa tamang paradahan ng sasakyan ka nakaparada. Magdala ng listahan ng iyong bilihin. Makatitipid ka sa oras kapag handa kang mamili, hindi ‘yung saka ka mag-iisip kung ano bang kailangan mo. Kapag may listahan kang dala, dadamputin mo na lang ‘yung kailangan mo at sigurado ka na tama ang mabibili mo. Magdala ng extra ecobag para lagayan ng iyong mga pinamili. Magiging madali ang pamimili mo kung mayroon kang malaking ecobag na maaaring paglagyan at pagsamahin ang iyong pinamili. Sa ganoong paraan maiiwasan mo na makaiwan ng bilihin sa ibang tindahan. Hindi ka rin gaanong mahihirapan na magbitbit ng maraming bukod bukod na nakabalot na pinamili. Huwag kakalimutan na kumain ng tanghalian o magmerienda. Mayroong food court ang malls sa itaas na palapag na maaaring pag-orderan ng iba’t ibang klase ng pagkain. Mayroon ding street food, sariwang prutas o kariton na umiikot na naglalako ng tubig o merienda. Importante na mayroong laman ang tiyan habang nag-iikot upang mayroong lakas habang namimili. Ingatan ang mahalagang gamit gaya ng pera o cellphone. Mahalaga na mayroon kang bag na nakasabit sa iyong balikat at nakaposisyon sa iyong harapan. Sa ganoong paraan mas mababantayan mo ang iyong gamit na dala-dala. Mahalaga na ugaliing i-check o isara ang zipper ng bag upang hindi ka madukutan o malaglagan ng pera o cellphone. Magtanong sa guard pagdating sa tamang direksyon na pupuntahan. Kung hindi ka sanay sa lugar, hindi bago na maligaw o maghanap ka sa tamang pupuntahan. Ilang kanto, kalsada, gusali, palapag ang sari-saring tindahan na maari mong puntahan depende sa iyong pangangailan bilang isang mamimili. Mayroong malls o tindahan na nakapuwesto sa labas nito na pumupuno sa buong Divisioria. Kaya naman mahalaga na sa tamang alagad o tao tayo magtatanong ng tamang direksyon. Gagalingan ang pakikipagkatawaran sa tindera pagdating sa presyo ng bilihin. Hindi bago sa sistema ng kalakaran sa pamilihan ang paghingi ng tawad sa orihinal na presyo. Ngunit mas madaling isakatuparan ang paghingi ng tawad o discount sa tindera kapag maramihan o bultuhan kang mamimili. Dagdag pa na hindi ka palipat-lipat ng tindahan para sa klase ng produkto na kailangan mong bilhin. Mahalaga ang pagiging wais o responsable pagdating sa pamimili kaya nararapat na paghandaan ang araw ng pagbisita sa Divisoria.  Quiatzon Che | Popbitsph

Read More »

Iligtas ang pagi at pating sa Pilipinas

Ayon sa Marine Wildlife Watch of the Philippines nasa 200 uri ng pagi at pating ang nasa Pilipinas. Halos 21 uri nito ang ideneklarang protektado ng Bureau on Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture (BFAR-DA). Sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 193 series of 1998 nakasaad ang pagpapahalaga at pagprotekta sa uri ng isda. Mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli, pagbili, pagkakaroon, o pagbebenta sa loob o sa labas ng bansa ng uri ng isda. Dahil sa nakababahalang mabilis na pagbaba ng populasyon ng pagi at pating sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas sa pakikiisa sa pangangalaga ng naturang uri ng isda. Higit sa lahat, sa tulong ng mamayan at mangingisda mapagtatagumpayan ang pangangalaga sa isda na nasa yamang tubig ng Pilipinas. Isa ang bansa sa dinadaanan ng pagi at pating sa kanilang paglalakbay sa buong mundo upang magparami ng uri. Ngunit sa pagtagal ng panahon ay nagiging mas mailap at mahirap na silang makita sa kanilang tirahan. Sa kabila ng matatalas nilang pangil na kinatatakutan ng tao ay nananatili silang mahina pagdating sa food chain. Kaliwa’t kanan ang direct threats o ang paghuli sa kanila sa karagatan. Kadalasan na hinahalo o kinakain bilang sinabawan na ulam, pinanggagamot o kaya ay ginagamit na palamuti ang uri ng isdang ito. Nariyan din ang hindi mabilang na indirect threats, hindi lamang sa pagi at pating ngunit gayundin sa yamang tubig. Mayroong iba’t ibang klase ng polusyon at coastal development na gawa ng kalakasan ng tao. Isa na rin ang climate change na nakasisira, nakauubos at nakaiistorbo sa natural na tirahan na yaman ng tubig. Ang lahat ng uri ng manta rays o pagi, whale shark o butanding/tiki, oceanic whitetip shark, great white shark kasama ang great white shark ay ilan sa may buhay na protektado sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Ito ay nakabase sa ulat ng Convention on International Trade in Endangered of Wild Fauna and Flora (CITES). Ngunit bakit ba sila kinakailangan na pangalagaan at protektahan? Bukod sa dahilan na isa ang uri nila sa pinakamatanda na klase ng nabubuhay sa mundo. Mayroon din silang naitutulong upang makapag-ambag sa ikababalanse ng marine ecosytem at mundo. Mahalaga sa tao ang dagat dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at likas nating yaman. Gayundin, mahalaga ang pagi at pating sa dagat bilang isa silang parte ng yaman nito. Higit sa lahat, ginagampanan ng isda ang pagmamantina sa halamang karagatan na kinukuhanan ng tao ng enerhiya upang mabuhay. Kaya naman ninanais ng Shark Conservation Act of the Philippines 2021 na mas paigtingin ang pagprotekta at pagbabantay  dito. Sa tuloy-tuloy na pagpapakalat ng kamalayan tungkol sa uri ng isdang ito ay mas mapapaigting ang pangangalaga dito. Sa pamamagitan ng videography, workshop, poster na maaring kabilangan ng kabataan ay magiging bantay kalikasan sa kanilang itinakdang panahon. Makatutulong tayo sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa kahit anumang produkto na nanggaling sa pagi o pating. Sa pagbabahagi ng kahalagahan at impormasyon. Higit sa lahat, sa pakikinig at pagbabasa ng mga nasusulat at salitain patungkol dito.

Read More »

Community Frequently Asked Quesitons

What is Popbitph.com Popbitsph is an online magazine that provides the coolest articles in the Philippines from food, entertainment, hobbies, sports, bizarre, intrigues and more. What is the popbits community? Is an online activity initiated by the website. It’s aim is to build an active community of members by conducting online events and programs that will enable members to actively participate in the website. How does this work? Register and log in your account. Start earning points. Convert your points into cash or other rewards! Easy lang diba? Where can I register for an account? You can register here! What will you require? Just a valid email and/or social media account.  Of course we would appreciate it if you can provide us with some personal information also.  Don’t worry, you info is safe with us!  Check out our privacy policy. When and how can I start earning points? As soon as your registered!  Just log in your account and you can start earning those points!  You automatically earn points just by logging in daily!  Currently point rewards are also available via the following: Daily log in – 5 Points Post views – 1 point per post viewed (up to as much as 5 points per day) Page views – 1 point per page viewed (up to as much as 5 points per day) Post Shares – 3 points per share more to come….so stay tuned! Daily Point Cap Currently We set the daily point cap at 30 points.  Which means you can earn as much as 30 points per day.  This is to make sure that every member gets an opportunity to earn points. How do I redeem my points into cash or gifts! You can redeem you points into cash via your user dashboard or buy any available products at the rewards shop using your available point balance.  Currently the minimum required points for cash redemption is set at 1,000 points.  Points-Php exchange rates is set to 1:1.  Currently you will need to have an active Bank Account to process your cash redemption (We will e rolling out cash redemption via  Paypal real soon). You can also exchange your points via the rewards shop (no minimum required points).  Feel free to visit the shop anytime and choose from any available gift items! Hope We’ve cleared things up for you!  Should you want to know more, or if you have any community related questions, feel free to comment down below.  We’re more than happy to help you!    

Read More »

Popular

  • All Post
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits

Editors pick