Category: Commentary / Opinion

Low Annual Physical Checkup Rates in the Philippines: Exploring the Root Cause

In a recently concluded study by Capstone-Intel Corporation, it was revealed that only around 40 percent of Filipinos do and commit to their recommended annual physical checkups. Initially, the thought that entered my head was one that involved commenting on the irresponsibility of Filipinos and proceeding to express how important it is to get that annual checkup. However, upon reflection, it led to the realization that the other percentage does not seem unreasonable at all. In hindsight, it is a demographic that I am a part of as well. This has also led to considering the reason why it is hard to constantly go to the doctor despite not being benignly sick, and the root cause of this mindset is due to how the medical field situation is in the Philippines. It is also important to consider that any personal standpoint also includes the context in which other demographics I exist in. As someone who is in a more privileged position, if this is the opinion that I hold, it stands to reason that there are others who have it much worse. Personally, there’s no sense of urgency to go to the clinics to get a checkup if it does not feel as though there are any symptoms or sickness that needs to be addressed. The main reason behind this is that consultations with doctors can be really expensive. In most cases, it may be the doctor just telling us that there is no problem, making it feel like a waste of money since it’s something that was felt by the individual in the first place. Even if people are sick, there’s a certain mindset that it would be easy to just recover from any sickness through rest and drinking enough water. This is a cheaper and more familiar alternative to buying the consistently expensive medicine prescribed by doctors or even going through the procedures ordered by those doctors. It is important to emphasize that annual checkups are important in a preventive rather than a recovery sense. However, it would be easier to be convinced to do this if the way in which medical care was accessed was more inclusive for more people. At its core, while it can be said that the solution falls into the hands of the individual person, it is also important to consider that another reason for the hesitance is rooted in inaccessibility. Issues such as these must be tackled at the source, rather than using those who have been victimized by this system as scapegoats. If this is done correctly, maybe the percentages will go higher as the days go by. — The preceding statement relates to a survey conducted by Capstone-Intel Corporation.

Read More »

Science Fiction Kontra Aksyon: Batang Quiapo Mas Popular sa Voltes V

ni Constellana Macaraeg Ang highly-publicized ratings na bangayan sa pagitan ng Voltes V: Legacy sa GMA at Batang Quiapo sa ABS-CBN ay isang kilalang kompetisyon sa industriya ng telebisyon at online platforms. Ang dalawang networks ay palaging magkaribal sa kani-kanilang mga programa sa TV at productions, kung saan ang madalas na umaangat ay ang ABS-CBN bilang frontrunner. Gayunman, nakaiintrigang tandaan na sa Voltes V: Legacy at Batang Quiapo, ang margin sa kanilang ratings ay sobrang manipis. Puwedeng magtaka kung anong pinagkaiba ng dalawa at nagpapaangat sa pinaglalabang arena. Sa loob ng ilang linggo noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng pag-aaral sa Voltes V: Legacy at Batang Quiapo na isinagawa ng Capstone-Intel Corporation upang malaman ang appeal ng mga ito sa publiko sa iba’t ibang platforms online. Ang Capstone-Intel ay isang pribadong research agency na seryoso sa pagbibigay ng high-impact research na may actionable intelligence. Sa kanilang pag-aaral, kinuha nila ang malinaw na paghahambing ng dalawang programs mula sa iba’t ibang platforms sa social media at non-social media. Sa aking panonood sa episodes ng dalawang TV series, masasabi ko nang tunay ang pagkakaiba nila base sa aking mga interpretasyon. Sa Voltes V: Legacy, may interplanetary war sa pagitan ng aliens at mundo ng mga tao. Gustong sakupin ng aliens ang mundo gamit ang kanilang flying skull transportation. Nagpadala rin sila ng isang robot na si “Dokugaga” upang takutin ang mga tao. Sa kabilang banda, ang Voltes V: Legacy ay ang huling opsyon para idepensa ang mundo. Mayroon pa silang V robot na lalabanan ang aliens na tinatawag na “Beast Fighter”. Sa Batang Quiapo, ito ay tungkol sa lalaki na ang pangalan ay “Tanggol” at naging kabilang sa mga masasama sa Quiapo, Manila. Sa pag-asang makuha ang pagmamahal ng kanyang mga magulang, ang kanyang kilos ang naglapit sa kung anong tunay niyang pagkakakilanlan. Pagdating sa cinematography ng Voltes V: Legacy, palagi kong napapansin kung paano gumamit ng effects na hindi sapat para maging realistic kahit ang seryeng ito ay fantasy. Halimbawa, sa Encantadia. Ang effects ang pumatay sa vibe ng production. Habang sa casts, hindi ko pa rin makuha ang vibe ng scene dahil para sa akin, naghahanap ako ng mas maraming galaw na may justification sa bawat kasalukuyang eksena. Halimbawa nito, si “Steve” na nasa karakter ni Miguel Tanfelix na na-appoint sa bilang pinuno ng kanilang pangkat at habang ginagawa ang utos sa kanilang pagbabagong-anyo ay wala akong maramdamang chill. Mayroon akong hinahanap at hindi nakumbinsi na ang kasabikan sa pakikipaglaban ay nasa kanya. Mahusay ang cinematography ng Batang Quiapo para sa akin dahil wala silang paggamit ng special effects na tulad sa Voltes V: Legacy, na kung tutuusin ang dalawang ito ay may magkaibang genre. Ang mga eksena ay makatotohan gaya ng inilalagay ka ng production sa bawat eksena ng palabas. In character din ang casts. Hindi lamang nila sinasabi ang kanilang linya ngunit ipinakikita ito. Halimbawa, sa eksena kung saan ang karakter ni Coco Martin, ninanakawan ni Tanggol ang isang matandang bading, kumakabog ang dibdib ko at sana ay hindi mahuli si Tanggol. Sa Voltes V: Legacy, isa itong ganap na kahihiyan para sa akin. Sorry not sorry para sa terminong nagamit ko pero iyan ang naramdaman ko nang pinanood ko. Isa akong fan ng science fiction pero hindi rito sa Voltes V: Legacy. Mas babalik ako sa panonood ng Power Rangers kaysa palabas na ito. Hindi sa nilalahat ang buong network ng GMA, hindi ko nararamdaman na mananatili ako sa Voltes V: Legacy hanggang sa huli maliban kung subukan nilang gumamit ng mga makatotohanang effects. Magandang panoorin ang Batang Quiapo kapag ikaw ay isang action movie fan. Kaya bakit ang mga palabas na ito sa TV ay halos may parehas na ratings? Para sa akin, ito ay dahil ang Voltes V: Legacy ay mas nostalgic dahil ibinabalik nito ang memorya ng dekada 90 habang ang Batang Quiapo ay palaging may cliffhangers kaya gugustuhin mo na panoorin ang susunod na episode para masiyahan ang iyong pagkausyoso.

Read More »

Argumentong may bilang sa pagitan nina Michael V at Rendon Labador

May pag-aaral na isinagawa ang isang kompanyang Capstone-Intel tungkol sa aktor na si Michael V na isa ring content creator at isa pang kauri niya na si Rendon Labador. Ang Capstone-Intel ay isang pribadong ahensyang maaasahan dahil handa ito sa pagbibigay ng high-impact research na mayroong actionable intelligence. Ang pag-aaral ay tumutok sa pagiging popular nina Michael V at Rendon – at kung lalaliman pa, malalaman dito kung anong klaseng popularidad o paano sila pinag-uusapan ng publiko. Malinaw na nailahad dito ang Comparative Engagement Score ng dalawa. Nasa research din kung sa paanong paraan nila ito kinuha tulad ng datos mula sa Facebook sa bansa. Bilang opinion ko at kung paghahambingin ang dalawa, totoong industriya nang matatawag ang aktor na si Michael V sa mundo ng show business. Kung tutuusin ay hindi lamang siya isang aktor. Isang malaking package siya ng iba’t ibang abilidad kung kaya hindi nakapagtataka na kahit nasa social media generation na tayo ay nananatiling relevant ang kanyang identity. Mas naging relevant pa ngayon si Michael V dahil pilit siyang binabangga ng isang Rendon Labador na isang influencer at negosyante. Pumutok kasi ang isyu na namuo sa pagitan nila nang si Michael V ay nagbitiw ng seryosong mensahe sa kanyang Instagram account noong Abril na, “The first thing any “content creator” should understand is the meaning of the word: “CONTENT.” Malinaw na walang binanggit na pangalan ang aktor, pero malinaw na may umaray – iyan si Rendon, pumiyok! Naging mainit din ang sagot ni Rendon, “INFLUENCERS” are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD! Social media is the NEW MAINSTREAM.” Sa pahayag na iyan ni Rendon, parang sinabi na rin niya kung anong kalidad ang mayroon ang content creators na tulad niya. Tama naman si Michael V, na bilang content creator o influencer dapat maging responsable ka sa inilalabas mo online, kasi hindi rin naman matataas ang nalalaman ng viewers pero mas maiging bigyan sila ng kaalamang may halaga at hindi nakasasakit ng iba para masabing lehitimo kang influencer o content creator. Kailangan maging mabuting ehemplo. Kailangan ito dahil ito ang mahalaga. Kasi kung gusto mo rin namang makilala ng publiko, magpakilala ka na sa mabuting paraan para positibo ka ring tatagal sa industriya. Maraming content creators ngayon na masabi lamang na may nagawa silang content ay wala na itong sinusunod na “guidelines.” Gawa lamang nang gawa ng content pero salat sa detalye at kalidad. Hindi nila alintana na kaakibat ito ng matuwid na respondibilidad sa pagbibigay ng maayos na impormasyon. Sa akin lamang naman, sa usapin sa pagitan ng dalawang personalidad, huwag kang babangga sa isang taong matibay na at nasa punto ang argumento tulad ni Michael V. Kapag pinatulan mo na wala ka sa ayos, ang puna ng mga tao ay sa iyo mabubuhos. Pipili ka rin ng argumento na may bilang, hindi basta sugod nang sugod. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapahiya ang sarili sa publiko – mabilis pa naman sa screenshot ang mga tao.

Read More »