SA dalawang taon nya sa kulungan na napabilang sa “person deprived of liberty” (PDL), ang buto ng bulalo ay nakatulong sa kanya para kumita ng pera at suportahan ang kanyang pamilya.
Ayon sa nakalap ng Popbits, Si “Benjie” (hindi totoong pangalan), 39, nadiskobre niya ang “bulalo” (beef bone marrow soup) na buto para gawin “key chain” para sa unique shape at matatag na texture. “Naisip ko na itatapon lang naman ito pero pwede pagkakitaan kung makikita ng mga nagtitinda ng bulalo at agawing nilang souvenir item para sa regular customers nila,” ani ni Benjie na hinuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and the Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na nasa pangangalaga ngayon ng Baguio City Jail Male Dorm (BCJMD).
Ayon sa jail officials, si Benjie ay nakulong sa kasong murder at gusto nilang maging prodaktibo sa loob ng bilangguan “Maliit lang ang kinikita pero kaysa wala. Kahit papaano may naiaabot ako sa pamilya ko kapag may nabebenta,” saad ni Benjie.
Bizarre Buto ng Bulalo Pinagkakakitaan sa Loob ng Baguio City Jail
Sa loob ng bilangguan, si Benjie ay nakakagawa ng walis tambo, sand art at iba pang pwedeng pagkakitaan para sa kanyang mahal sa buhay. Ayon sa jail management, sila ang bumibili ng mga raw materials at tumulong na mag market ng produkto sa pamamagitan ng online o sa mga trade fair na kung saan ipinapakita ang mga produkto gawa ng mga PDL’s handicraft.
Samantala, sinabi ni BCJMD warden Mary Ann Ollaging Tresmanio, ang mga PDL ay tinutulungan sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang mga partner nito.
Ayon kay Tresmanio, ang livelihood activities ay ibinigay sa mga PDL bilang parte ng “humane safekeeping mission ng bureau of Jail Management and Penology (BJMP). “There are PDLs who return to the community when their cases are dismissed and the BJMP wants them to be prepared to live a decent life capable of earning a living,” ani Tresmanio. “The livelihood activities are provided to make the PDLs make use of their time for productive activities.”
Cover photo: Bulalo photo from www.unileverfoodsolutions.com.ph/