19 signs na unhealthy sa iyo ang trabaho

Wala namang masama sa pagkayod o pagta-trabaho nang matagal. Nagiging masama lamang ito kapag mayroon nang hindi magandang epektong naidudulot lalo na sa iyong pisikal at mental na kalusugan. Mayroong ilan na kayang i-handle ang maraming trabaho. Mayroon namang nagtitiis na lang dahil sa compensation din na malaking tulong sa pamilya, at higit sa lahat, mayroong maliit ang kita ngunit masaya sa trabahong ginagawa.

Iba-iba man ang sitwasyon ay kailangan alam pa rin natin kung ang trabahong ating pinagpapaguran ay worth it pa rin o baka nakasisira na sa ating kalusugan at personal na relasyon sa ibang tao.

Alamin natin ang iba’t ibang senyales na unhealthy na ang iyong trabaho, ayon sa isang artikulo mula sa Economic Times.

  1. Fatigue

Gaano man kahaba o kakumpleto ang iyong tulog, nakararamdam ka pa rin ng pagkapagod o exhaustion. ‘Yong kumpleto naman ang pahinga mo pero paggising mo ay feeling pagod at antok na antok ka pa rin. Baka sign na ‘yan ng fatigue dahil sa sobrang pagta-trabaho o stress.

 

  1. Chronic pain

Mapapansin mo na ang iyong trabaho ay hindi na healthy kapag nakapagbibigay na ito sa’yo ng madalas na pananakit ng ulo, sakit sa likod, at iba pang pisikal na discomfort na hindi mawala-wala.

 

  1. Hirap sa pagtulog

Nakararanas ng pagkahirap sa pagtulog na nauuwi pa sa pagkapuyat at kadalasan ay feling exhausted at unrefreshed. Maaaring isa yan sa mga sintomas na hindi na healthy ang iyong trabaho.

 

  1. Mood swings

Nakararanas ka ng kadalasang pag-iiba ng emosyon kagaya ng pagiging iritable, anxiety, o maging depression. Hindi na magandang senyales iyan kung pati ang mood mo ay nag-iiba dahil sa stress.

 

  1. Substance abuse

Hindi mo namamalayan na ikaw ay naa-adik na sa alkohol o ibang drugs upang maka-cope sa stress o anxiety dala ng iyong working environment.

 

  1. Poor work-life balance

Maaaring nao-overwhelm ka na sa responsibilidad sa trabaho na nagdudulot ng kaunting oras o enerhiya sa personal na aktibidad o relationships. Dapat ay may work-life balance ka pa rin upang makahinga mula sa stress at pagod sa trabaho.

 

  1. Nababawasan ang productivity

Sa sobrang stress sa trabaho ay nahihirapan ka nang mag-concentrate, kumumpleto ng mga task at mag-meet ng deadlines sa trabaho. Minsan, mali-mali na rin ang nagagawa mo dahil sa stress at pagod.

 

  1. Health problems

Maaari kang magkaroon ng health problems gaya ng high blood, diabetes, o problema sa puso.

 

  1. Palaging nag-aabsent

Maaaring mapadalas ang iyong pag-a-absent sa trabaho dahil sa madalas na pagkakasakit o stress-related issues.

 

  1. Burnout

Nakararamdam ka ng pagka-burn out at madaling pagkapagod at detachment sa iyong trabaho, colleagues, at kliyente.

 

  1. Difficulty making decisions

Ikaw ay indecisive o palaging nagse-second guess sa iyong sarili dahil sa stress sa trabaho.

 

  1. Isolation

Dahil sa mga nararamdaman  mong stress ay naa-isolate ka sa iyong mga katrabaho, kaibigan, at pamilya.

 

  1. Lack of motivation

Nawawalan ka na ng interes sa trabaho o nade-demotivate ka na dahil sa lack of recognition o appreciation.

 

  1. Anxiety

Nakararamdam ka ng anxiety o panic attacks na may kaugnayan sa iyong trabaho.

 

  1. Physical exhaustion

Nakararamdam ka ng pagka-drain o pagkapagod at hirap kang maka-recover kahit pagkatapos makatulog.

 

  1. Digestive problems

Nakararanas ka ng madalas na pananakit ng tiyan, ulo, pagsusuka at iba pang digestive issue na may kinalaman sa stress.

 

  1. Memory problems

Dahil sa stress ay nahihirapan ka na ring makaalala ng mga detalye o mahahalagang impormasyon.

 

  1. Decreased creativity

Dahil sa stress at pagod sa trabaho ay hirap ka ng makaisip ng mga bagong ideya at istratehiya, wala nang lumalabas na “creative juices” kumbaga sa iyo dahil natatabunan ito ng pagka-burnout.

 

  1. Relationship problems

Maaring maharap sa iba’t ibang problema gaya ng pag-maintain sa healthy relationship sa pamilya, kaibigan, at romantic partners dahil sa work-related stress.

 

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits