At last bananas!

Maraming dessert o panghimagas ang ginagamitan ng saging. Mapa-saba o lakatan, masarap ihalo sa anumang ibinababad sa mantika at pambalot ang saging. Gaya na lamang ng pagkaing Pinoy na turon at maruya. Sino bang hindi masasarapan sa meryenda na ito na madalas ka-partner ng soft drinks o kape?

Ang turon na madalas inilalako o binebenta sa palengke, eskuwelahan, o opisina ay mabibili lamang sa murang halaga. Binababad ito sa brown na asukal at mainit na mantika, binabalot sa spring roll wrapper o pambalot at piniprito hanggang sa maluto at maging malutong na ang balat. Maaari itong samahan ng iba’t ibang filling gaya ng langka, kamote, mangga, keso, o niyog. Depende sa timpla at trip ng mamimili o ng nagtitinda.

Ang maruya naman ay kadalasan ding makikita sa palengke o mga pampublikong pamilihan. Saba ang ginagamit sa maruya at inihahanda at hinihiwa ng maninipis, piniprito sa mainit na mantika, nilalagyan ng butter, at nilalagyan ng asukal upang presentable  at sweet tingnan.

Hindi lang mga Pinoy ang kumikilala sa sarap at kalidad ng turon at maruya dahil napasama ang dalawang meryendang ito sa 50 “best deep-fried desserts in the world” ayon sa Taste Atlas.

Pasok sa pang-21 ang turon na sinundan at ika-36 naman ang maruya. Mukhang puro halos saging ang nagwagi dahil pasok sa unang spot ang pritong saging na dish sa Indonesia na pisang goreng. Pasok din ang fried milk dough balls ng India na gulab jamun sa ika-20 na puwesto.

Pasok din ang fried ice cream ng United States sa 27th spot, malasadas mula sa Portugal na nasa 28th spot, at Timbits mula sa Canada na pasok naman sa 34th spot.

Pasok sa top ten ang best rated fried desserts mula sa Germany na quarkbällchen sa 2nd spot, pastelitos criollos ng Argentina na nasa 3rd spot, fouskakia ng Greece na pang-apat sa ranking,   krapfen ng Austria sa 5th spot, picarones ng Peru na nasa 6th spot, bomboloni ng  Italy na nasa 7th spot, bola de berlim ng portugal sa 7th spot, churros ng Spain na nasa 9th spot, at vdolky ng Czech Republic na nasa 10th spot.

Ayon sa Taste Atlas, ang turon ay nakakuha ng 4.1 out of 5 na rating dahil ito ay maituturing na sweet snack o satisfying dessert o meryenda na kadalasang binebenta ng mga tindera sa palengke o ibang pamilihan sa Pilipinas.

Ang maruya naman ay nakakuha ng rating na 3.9 dahil ito ay maaaring kainin sa umaga o meryenda sa hapon na ineenjoy ng mga mamimili at kabataan, na kadalasan ding matatagpuan sa mga palengke o sidewalk. Magaan kainin sa murang halaga, sadyang afford ng kahit na sino.

Noong 2021 ay itinampok ang adobo at sisig sa ‘best 100 dishes worldwide’ ng Taste Atlas. Kinilala rin ang masarap na meryendang bibingka bilang isa sa mga ‘world’s best cakes’.

Hindi matatawaran ang galing ng Pinoy pagdating sa paglikha ng mga pagkain na kinilala saanmang sulok ng daigdig. Nakaka-proud maging Pinoy lalo na kung ang mga hilig nating Pinoy na meryenda kagaya ng turon at maruya ang kinikilala sa iba’t ibang bansa. Iba rin kasi talaga ang mga pagkaing Pinoy na hinahain natin mapa anomang piging o handaan at selebrasyon, mapa ordinaryong araw man.

Bukod sa papel nito bilang sangkap sa meryenda at ibang putahe, ang saging ay may taglay na sustansya gaya ng potassium. Ang isang saging ay nakapagbibigay ng 422 milligrams o katumbas ng 9% na potassium na kailangan ng iyong katawang araw-araw.

Ang mga prutas na mayaman sa potassium gaya ng saging ay nakatutulong sa pagpapababa ng blood pressure dahil tinatanggal nito o inilalabas ang sodium sa iyong katawan. Napapagaan din nito ang blood vessels na nakapagpapababa ng blood pressure ng isang tao.

Maaari rin itong makapagpaiwas sa banta ng stroke, nakakapagpatatag ng buto lalo na sa pagtanda, nakatutulong sa pag-function ng muscles, at nakatutulong makaiwas sa kidney stones o sakit sa bato.

Mayaman din sa fiber ang saging. Ang isang normal na saging ay nakapagbibigay ng 3 gramo ng fiber sa katawan. Ito ay katumbas ng 10% na kailangan ng ating katawan araw-araw. Ang fiber na matatagpuan sa saging ay tinatawag ding soluble fiber na makakatulong makapagpababa ng cholesterol at blood pressure.

Sadyang maraming tulong at sustansya ang makukuha sa saging sa ating katawan, hindi lamang bilang sangkap sa ulam o meryenda. Sangkap din ito upang mas maging malusog at matatag ang ating mga katawan.

Ang Taste Atlas ay isang food database na kumikilala at kumikilatis ng iba’t ibang pagkain, inumin, ingredients, at mga kainan o restaurants sa iba’t ibang sulok ng mundo. #

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits