Saan aabot ang 1,000 pesos mo?

Bukod sa mga panregalo at pang-Christmas party na items, ngayong holiday season ay kabi-kabila na ang pamimili ng ating mga kababayan ng mga pagkain na ihahanda sa Noche Buena at Bagong Taon.

S’yempre hindi mawawala ang hamon at keso de bola sa hapag-kainan, mayroon pa ngang iba na lechon ang kadalasang inihahanda. Ngunit paano kung mataas na ang mga bilihin sa palengke at groceries? Afford pa ba ng mga mamimili ang ganitong klaseng handa?

Nasa ‘social ending’ man ang pandemya ngayon dahil sa pagbaba ng mga kaso ng nagkakasakit at nabawasan na ang takot ng mga tao sa COVID-19, matindi naman ngayong kinakaharap ng ating mga kababayan ang pagtaas ng mga bilihin na dulot ng inflation.

Prutas, gulay, isda, manok, baboy, at iba’t ibang mga sangkap–ilan lamang ito sa mga pangunahing binibili ng ating mga ordinaryong kababayan sa pang araw-araw nilang pamamalengke. Sadyang sasakit talaga ang bulsa mo kapag ang dating 500 o 1,000 pesos na nagkakasya para sa inyong pamilya, ngayon ay higpit sinturon ka na dahil kulang pa ito sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Matatandaang naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kanilang bersyon ng Noche Buena Budget Shopping para sa P500 at P1,000.

Sa halagang P488.00, makakabili ka na diumano ng mga sumusunod:

  1. 500g American Ham sa halagang P163.00
  2. 250g Pinoy pandesal sa halagang P23.50
  3. 200g na Keso sa halagang P41.75
  4. 800g Pasta at 1-kilo na spaghetti sauce sa halagang P112.00 (bundle)
  5. ⅛ na pork Giniling sa halagang P31.25
  6. 822g na Fruit cocktail at 410ml kremdensada sa halagang P116.50 (bundle)

Sa halagang P1,000 naman, makakabili ka raw ng Noche Buena food items para sa 4-5 miyembro ng pamilya:

  1. 850g Jamon de bola sa halagang P313.00
  2. 450g Pinoy Tasty sa halagang P38.50
  3. 450ml Sandwich spread sa halagang P155.55
  4. 200g Keso sa halagang P54.35
  5. 800g Pasta at 1-kilo na spaghetti sauce sa halagang P112.00 (bundle)
  6. ¼ kilo ng giniling na karne sa halagang P70.75
  7. 822g na Fruit cocktail at 410ml kremdensada sa halagang P115.50 (bundle)
  8. 1.5L na softdrinks sa halagang P62.50
  9. Iba pang sangkap sa halagang P77.85 na matitira sa P1,000

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga mamimili dito dahil in practice and experience, kaunti na lamang talaga ang kayang bilhin sa halagang P500 at lalong higit ng P1,000, samahan pa ng walang tigil na pagtaas ng gasolina at mga bilihin. Maging sa online ay inulan ito ng komento, katanungan at klaripikasyon. Paano mapagkakasya ng isang ordinaryong Juan dela Cruz ang halagang ito?

Sapat na ba itong noche buena list sa ordinaryong pamilya na may 5-6 na miyembro? Maaaring pang noche buena ito, ngunit paano kaya sa mismong araw ng Kapaskuhan? Sa New Year? Maaaring kasya ito sa 2-3 pamilya ngunit paano ang mga may malalaking pamilya?

Lucky are those na sumosobra ang kita pambili ng pagkain at pang-ulam sa araw-araw at nakakabili ng mga panghanda lalo ngayong Holiday Season.

Buti pa ‘yong ibang ice cream, abot pa rin sa 20 pesos. Samantalang ang isa sa mga basic needs ng tao, ang pagkain, hindi na kayang pagkasyahin dahil sa mahal ng mga bilihin. Ikaw, na-try mo na bang mamili na nasa P1,000 lang ang badyet? Sapat ba?

Try mo na rin kung saan aabot ang P1,000 mo! #

 

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits