cover image from kami.com.ph
SIYA ang isa sa top 10 “richest pinoy celebrity” sa bansa ng Pilipinas at siya ay binansagang “bossing” ng ating bansa.
Siya si Marvic “Vic” Sotto o tinaguriang Vic Sotto ng isinilang noong April 28, 1954 sa Manila. Si Vic ay mayroong tatlong kapatid na lalaki na sina Maru Sotto, Vicente “Tito” Sotto at Val Sotto at siya (Vic) ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at nag-umpisa ang kanyang career bilang isang folk singer at gitarista.
Sa kanyang pag-usbong, si Vic ay nabigyan ng pagkakataon na nagtatanghal sa TV kasama ang kanyang mga kapatid na sina Tito at Val Sotto para sa isang gag show na “OK Lang” sa IBC-TV Network.
Si Vic din ang naging vocalist ng bandang VST & Company na nagpasikat ng mga kantang “Awitin Mo at Isasayaw Ko”, “Rock Baby Rock” at “Kung Sakali”. Siya rin ang bida sa kanyang pelikulang Enteng Kabisote.
Si Bossing (Vic) ay mayroong limang anak na sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Paulina Sotto, Danica Sotto, Oyo Boy Sotto at pinakabunso na si Tali Sotto.
Si Vic Sotto ay kabilang sa Top 10 ng “Richest Pinoy Celebrity”, at ayon sa report ang net worth niya ay P150 million ang asset nito at pagdating naman sa mga sasakyan, meron itong iba’t-ibang Ferrari cars, Audi Q3, Mustang GT at mga Mitsubishi Cars.
Kung property ang pinag-uusapan, noong 2016 na kumpirmahin ng mag-asawang Pauleen Luna At Vic Sotto na lumipat na sila sa bagong bahay nila sa Santa Rosa, Laguna at ayon sa mag asawang Sotto (Vic at Pauleen), umabot ng halos dalawang taon bago natapos ang kanilang bahay at naganap ang house blessing noong January 1, 2016.
Sa pahayag ni Mrs. Sotto (Pauleen), kabilang sa mga dumalo ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards, mga kaibigan nila at magulang ni Pauleen at isinilang naman ang unang panganay na anak nila na si Vic na si Talitha Sotto noong Nobyembre 2017.
Sa pahayag ni Pauleen, naging hassle at ma-proseso daw ang pagpili ng materials sa konstruksyon ng kanilang bahay at sila Vic at Pauleen mismo ang pumunta sa mga shops para pumili ng mga gamit na pang disenyo sa bahay nila.
“Hindi siya biro ang dami mong choices. I am sure sila (other homeowners), nalalatagan na lang nang choices. Ako, hindi, pumupunta talaga ako dun sa Wilcon Depot at ako ang naghahanap nu’n. Ang dami tsaka hindi mo alam kung anong babagay sa ganyan. Hindi talaga siya biro, kaya nga siguro trabaho o isang propesyon talaga ang pagiging home builder.” ani Pauleen.
Samantala, kinumpirma ng mag-asawang Vic at Pauleen ang kanilang relasyon noong 2013 at inamin ni Pauleen na dahil sa pagiging pursigido ni Vic sa panliligaw siya noon ay napalapit at napamahal ito sa kanya.
Dito, kahit malayo man ang agwat ng kanilang edad ay hindi naman ito naging problem sa kanilang relasyon. 68-anyos na si Vic samantalang 33-anyos si Pauleen at ang Panginoon daw ang sentro ng kanilang relasyon para mas lalo pa itong mapatibay.