Angat ang Surfing! Mga Surfing Safety Tips Upang Makaiwas sa Aksidente

Hindi na bago ang surfing sa Pilipinas.  Mula Luzon, Visayas at Mindanao ay may mga lugar na maari ka nang maka-experience nito.  Ngunit bakit nga ba in na in ang pagse-surfing ngayon? At ano ba ang dapat tandaan para makaiwas sa kapahamakan kung nais mong pagaralan ito?

  1. Mahalagang makinig sa surf instructor mo. Gawin mo ang ituturo sa iyo sa paglalaro ng surfing dahil mas kilala nila ang dagat. You have to live that moment. Alam nila ang tama na ituro para maka-catch ka ng magandang wave. Kapag sinabi sa iyo na paddle, mag paddle ka gamit ang iyong braso at balikat. Kapag sinabi sa iyo na tayo, kailangan mong tumayo gamit ang pwersa ng mga braso at binti mo.
  2. Magtiwala ka sa surf instructor mo. Challenging ang paglalaro ng surfing at bihasa na sila dahil araw-araw nilang kasama ang surfboard nila sa dagat. Wala kang dapat ikatakot sa pagsubok ng paglalaro ng surfing. Lagi silang nakabantay sa bawat paddle, pagtayo at pagtumba mo sa surfboard. Sa tubig-dagat ka babagsak kaya less ang impact, less ang sakit.
  3. Huwag na huwag makakalimot na magsuot ng leech sa binti, na naiiwan sa likuran. Halimbawa, kung komportable ka na unang humahakbang gamit ang iyong kaliwa na binti at paa, ilagay mo ito sa kanan. Sa ganoong paraan maiiwasan mo ang pagbuhol ng leech sa oras na matumba ka sa board at umilalim sa dagat.
  4. Mahalagang mag-enjoy at maglaro, at the same time. Damhin mo ang ginhawa na dulot sa katawan ng tubig-dagat. Hindi ka dapat matakot dahil may mabababaw naman na parte para sa mga nagsisimula pa lamang sa paglalaro ng surfing. Kusa ka na ilulutang ng dagat at madali mo na makakapitan ang surfboard mo. I-enjoy mo ang waves, ang bawat pag-paddle, ang bawat pagtumba, at ang bawat ride.
  5. Huwag kang makipag-kompetensya sa iba sa gitna ng dagat. Make it your own journey and waves. Mahalaga na maramdaman mo muna ang pag-alon ng tubig- Focus ka lang sa pag-paddle at pag-catch ng sarili mo sa wave. Sulit ang pagod sa pag-paddle kapag naka-ride ka kahit baby waves lang.
  6. Kailangan mo na matuto na mag “bubbles”. Inhale ka ng hanggang isang minuto sa ibabaw ng dagat. Then, exhale ka ng hanggang isang minuto sa ilalim ng dagat. Ulitin mo ito ng limang beses. Sa ganitong paraan, mas makakampante ang paghinga mo sa tubig in case ma-wash out ka ng alon. Ituring mo na stress reliever ang paglalaro ng surfing. Relax. Damahin mo ang surfboard mo habang nakadapa ka at tapakan mo ito kapag nakatayo ka na.
  7. Mahalagang marunong kang magtiyaga at kumuha ng tamang timing para sa tamang alon sa dagat. One step at a time at huwag masyado magmadali to learn everything at once.  Hindi lahat ng alon makukuha mo. Minsan ‘pag kulang ka sa paddle, maiiwan ka ng alon. Minsan ‘pag sobrang lakas ng alon, kakainin ka nito na para kang nasa loob ng isang washing machine. Pero bangon ka lang ulit. Tuloy ang paglalaro ng surfing. Habulin mo yong surfboard mo, sumakay ka dito. Magpaddle ka pabalik sa parte ng may alon and be ready to catch another wave. Malay mo maka-catch ka na ng friendly waves.
  1. Magbalanse sa ibabaw ng surfboard mo. Kailangan nakabuhos ang lakas at pwersa mo sa iyong mga binti at paa. Kasabay ng pagsalo ng bewang at balakang sa itaas na parte ng iyong katawan. Huwag sa board ang tingin. Kase minsan may kasabay kang maglaro ng surfing, baka makabangga ka. Focus sa harapan ang tingin. Tapakan mo ang board. Enjoy mo ang view at ang alon ng dagat.
  2. Kapag nasa dagat ka na at naglalaro ka ng surfing, makakalimutan mo na ang lahat. Mararamdaman mo na one with nature ka na. Malayo ka na sa mga sasakyan o kahit anong bagay na gumagawa ng ingay. Tanging tunog ng alon ang musika na hahara sa mga nakabukas mo ng tenga.
  3. Palagi ka nang looking forward to be with your surfboard to learn new things.Pero hindi madali ang mag-excel. Hindi pare-pareho ang alon sa bawat araw. Kapag nakatayo ka sa surfboard mo at natuto ka ng tricks ngayon, you’ll feel stronger every time you try to catch a wave. It’s a different experience everytime you rush to the ocean with your surfboard. It will make you feel alive.
Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits