Nag-trend sa Twitter at Netflix ang Filipino movie na ‘Doll House’ na pinagbibidahan nina Baron Geisler at Althea Ruedas gumanap na anak ni Baron.
Sumasalamin ito sa istorya ng isang ama (Baron) na humarap sa maraming pagsubok sa buhay: bilang isang musician, anak, asawa, at ama. Dahil sa mga maling desisyon gaya ng pagkalulong sa alak at droga, siya ay nawalay sa kanyang mag-ina. Hindi naging madali ang kanyang pagpapakilala sa kanyang anak na umabot pa sa pagpapanggap upang makasama lamang niya ito.
Narito ang limang aral at realizations na itinuro ng pelikulang ito:
- Hindi matatawaran ang pagmamahal ng ama sa anak, kahit may mga pagkakamali ito.
Ipinakita rito ang pagmamahal ni Ricardo Cepeda na isang General sa anak nito na si Rustin (Baron). Kahit alam niya ang bisyo ng anak, patuloy pa rin niya itong niyakap at tinanggap. Marahil ay ganoon talaga kalawak ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak kahit na ito ay naliligaw ng landas.
- There are a million of second chances in the world, kung nanaisin mo lamang magbago
Kahit ilang beses kang nadapa, mas marami ang tsansa sa mundo na maaari kang magbago, kung nanaisin mo lamang. Iyan ang ipinakita ni Rustin na nalulong man sa alak at droga, pinili pa ring magbago para makasama ang kanyang anak.
- Always remember our happy days
Tumatak sa atin ang linya ni Rustin sa kanyang anak na “I hope you’ll always remember our happy days,” habang sila ay masayang naglalaro ng kanyang anak sa parke. Emosyonal sa manonood ang eksenang ito dahil sa genuine love ni Rustin sa kanyang anak at ang kasiyahan ni Yumi habang sila ay magkasama.
- Pangako hindi kita iiwan…
Kanta ni Regine Velasquez ang OST sa pelikulang ito kaya naman nakadagdag pa sa pag-iyak ng mga manonood ang pagkanta ni Yumi ng ‘Pangako’ sa isang audition kung saan nanood ang kanyang ama. Sintunado man ang bata ay todo cheer si Rustin.
Sadyang hindi sila nag-iwanan dahil kahit tumanda na at nagkaroon ng sakit si Rustin ay inalagaan pa rin siya ni Yumi. Sa huli, pamilya talaga ang iyong kaagapay, magkasakit ka man o talikuran ka na nang lahat.
Movies and Entertainment: 5 mahahalagang aral na itinuro ng pelikulang ‘Doll House’ sa Netflix
- Ang buhay ay parang doll house – hindi magiging buo kung walang pundasyon at walang mga miyembro na bubuo nito
Naging paborito ng marami sa atin ang doll house lalo na iyong maraming gamit at may paper dolls pang kasama. Isa na ata ito sa mga bumuo ng ating pagkabata dahil dito natin inimagine noon ang dream house and family natin. Ang buhay ay parang doll house rin, nasa atin kung paano pagagandahin, bibigyang kulay, at gagawan ng buhay ang pundasyon at mga miyembro nito.
Kaya naman talagang na-achieve ng pelikulang ito ang pagbibigay ng aral sa marami ukol sa pagpapatawad, pagbabago, at pagmamahalan ng mag-ama at pamilya. Napanood mo na rin ba ang Doll House?