May iba-ibang persona tayo na maihahambing sa iba’t-ibang ka-trabaho natin sa mga kompanya o organisasyon. Malamang ay hindi na bago sa’yo ang makadaupang-palad sila o maaari rin na may ganito ka ring personalidad. Sino-sino nga ba sila?
1. Early bird
Kung magbibigay ng grasya si Lord sa umaga, malamang ay unang-una ito dahil sa super early niyang pagpasok. Hindi pa ata naka-paglilinis sa opisina ay nagsisimula na siyang magtrabaho.
Maaari na iwas trapiko siya kaya maaga niyang binabagtas ang EDSA, o di kaya’y may office service na sinasabayan. Puwede rin na morning person siya at naniniwalang productive ang araw kapag maagang nagsisimulang kumayod.
2. Always showing up late
Pumapasok naman, late nga lang. Marami na tayong na-engkwentro na ganito. Minsan ako, minsan ikaw. Aminin!
Normal lang naman ma-late, ‘wag lang gawing habit. Mahalagang maging disiplinado at ayusin ang time management para mas madaling ma-handle ang pending deliverables, meetings, atbp.
3. Stress-eating all you can
Hindi mawawala ang comfort food gaya ng chocolate bars, chips, cookies, at iba pang kutkutin sa drawer niya dahil weapon niya ito laban sa stress tuwing siya ay bombarded with works.
4. The all-time favorite
Akala ko sa fast food chain lang may all-time favorite, pati pala sa work! Maging sa trabaho naman talaga ay may favoritism–iyong laging nasasabihan ng “great work!” kahit minsan ay hindi naman deserve. Yes naman, naka-relate ka?
5. Elsa-feels – the cold never bothered me anyway
Ready lagi ang makakapal na jacket at scarf nito dahil sa pang Antarctic na lamig sa opisina. Buti na lang kahit maraming work, sila makakapagsabi na “the cold never bothered me anyway”.
6. Window shopper
May kilala ka bang kahit oras ng trabaho ay panay window shopping sa Shein, Lazada, Nike, Landers, o Shopee? Sa iba, ito ay libangan lang nila kapag may free or break time, may iba naman na sadyang hilig lang mag window shopping kasi wala na siguro masyadong ginagawa. Tingnan mo, daming tab nyan sa computer. Oops.
7. Night owl
Kung may bigayan nang employee of the month award, malamang ay isa na ito sa mabibigyan dahil sa kasipagan mag-overtime sa work. Gising na gising sa gabi at give na give tapusin ang pending deliverables, kahit overtime pa ‘yan.
8. The always sabaw
Normal naman sa atin ang maging sabaw kapag super stress at sabay-sabay ang ganap sa work at sa personal life, ngunit hindi na ata normal kapag always present naman sa work pero always sabaw pa rin. Ayaw ni boss nyan. Have some time to reflect, assess and review your works, and make bawi!
Sinong personalidad ka riyan? May naalala ka bang katrabaho mo na ganyan din ang personalidad? Aminin! #