10 Pamahiin ng mga Koreano

KATULAD ng mga Pilipino, naniniwala rin sa mga pamahiin ang mga Koreano na hanggang ngayon ay kanila pa ring pinaniniwalaan bagama’t kabilang ang kanilang bansa sa mga bansang may pinakamaunlad na teknolohiya.

Narito at alamin ang kanilang sampung pamahiin:

  1. Pagbibigay ng sapatos bilang regalo
Photo: thewellnessnerd.com

Bukod sa mahirap hulaan ang sukat ng paa ng iyong partner, bawal na bawal sa mga Koreano ang pagbibigay ng sapatos bilang regalo sa kanilang mahal sa buhay. Ayon sa kanilang paniniwala, kapag binigyan mo ang iyong kasintahan ng sapatos ay magreresulta ito ng kanyang paglayo o pagtakbo, na maaaring habang suot ang regalo mong sapatos.

     2. Electric fan, nakamamatay

Photo: inmykorea.com

Maaaring hindi kapani-paniwala ang sinasabi nilang mamamatay ka habang may nakatutok sa iyong electric fan na umaandar habang ikaw ay natutulog, ngunit hindi ito biro sa South Korea. Ang Seonpoonggi samangseol (“fan  death”) ay pinaniniwalaang magiging dahilan ng kamatayan, hindi lamang pamahiin.

Ang pangamba sa electric fans sa Korea ay nagsimula noong 1927, nang mailathala ang hinggil dito sa isang pahayagan na binigyang babala ang mga mambabasa na ang bagong teknolohiya ay may kaakibat na
medical risks katulad ng nausea, facial paralysis, at asphyxiation – ito ay dahil sa pag-ikot ng hangin na nagdudulot ng pagkalason ng tao sa inilalabas nitong sariling carbon dioxide.

May ilan ding nagsabing ang fan death myth ay ginawa lamang ng gobyerno para limitahan ang paggamit ng kuryente noong 1970s energy crisis. Gayunman, ang fan death ay patuloy pa ring lumalabas sa South Korean media, lalo na sa panahon ng tag-init.

 

    3. Madikit na Taffy

Photo: koreaexpose.com

Hindi kataka-taka na ang education-obsessed Korea ay maraming mga pamahiin hinggil sa pagkuha ng mga pagsusulit. Isa sa mga ito ang hinggil sa pagkain ng malalagkit na pagkain, katulad ng toffee at yeot (traditional Korean taffy) na sinasabing makatutulong para ang mga pinag-aralan sa eskwelahan ay ‘didikit’ sa isipan ng mga estudyante.

Kaya naman maraming well-wishers ang namamahagi ng yeot sa mga estudyante bago sila pumasok sa exam centers para kumuha ng Suneung, o South Korea’s College Scholastic Ability Test. Habang kung kakain naman umano ng madulas na mga pagkain katulad ng seaweed soup, ay maaaring kabaliktaran ang mangyayari, posibleng “madulas” ang mga estudyante sa resulta ng exam.

  1. Pagsusulat ng pangalan sa red ink ay ‘death threat’
Photo: mrgrey.id.au

Noong unang panahon, pulang tinta ang ginagamit sa pagsusulat ng pangalan ng mga namatay sa family register. Kaya naman, kapag isinulat ang pangalan sa red ink, nangangahulugan ito na ang nasabing tao ay patay na, o kung buhay pa ay maaaring humihiling ka ng masama para sa kanya o nais mo na siyang mamatay.

Bagama’t hindi na ito pinaniniwalaan, ikinokonsidera pa rin ng mga Koreano na ang pagsusulat sa pangalan ng ibang tao sa pulang tinta ay ‘kabastusan’.

  1. Panaginip na baboy, magdudulot ng yaman
Photo: journeyintodreams.com

Sa maraming bansa, ang mga baboy ay karaniwang itinuturing na marumi, ngunit sa Korea, ito ay kumakatawan sa ‘fertility and wealth’. Ito ay dahil ang pagbigkas ng salitang “pig” ay katumbas ng pagbigkas sa salitang “jade.” Bunsod nito, maraming Koreano ang naniniwalang kapag nanaginip ng baboy ay palatandaan ito na sila ay yayaman.

  1. Number 4, malas na numero

Ang pamahiing ito ay nagmula sa China, kung saan ang salitang number “four” ay katunog ng salitang “death.” Ganoon din sa Sino-Korean, na mula sa Chinese language. Maraming elevators sa South Korea ang gumagamit ng letter “F” bilang kapalit ng number “4” na kumakatawan sa fourth floor, katulad ng American elevators na tumatalon mula sa twelfth patungo sa fourteenth floor, at nilalaktawan ang thirteenth.

  1. Pagtapak sa ‘threshold’ ng pintuan, magdudulot ng kamalasan
Photo: thisoldhouse.com

Ang pamahiing ito ay nagmula pa sa panahon ng Mongol invasion sa Goryeo Korea, kung saan ang katawan ng namatay ay mananatili sa bahay ng ilang araw. Makaraan ito, ang kabaong ay ilalabas mula sa bahay. Kapag ang kabaong ay nakatawid na sa ‘threshold’ ng front door, natawid na rin ang hangganan sa pagitan ng ‘living world’ at ‘afterlife’. Kaya naman, magdudulot umano ng kamalasan kapag tumapak ang buhay na tao sa ‘threshold’.

  1. Huwag maglalagay ng salamin nang nakaharap sa pintuan
Photo: bravotv.com

Ang mga salamin ang pundasyon ng ilang mga pamahiin sa buong mundo. Habang ang mga Europeo at North Americans ay nag-iingat na hindi mabasag ang mga salamin, ang mga Koreano naman ay iniiwasang mailagay ito nang direktang nakaharap sa pintuan, dahil haharangin nito ang pagpasok ng magandang suwerte.

  1. Paghugas ng buhok, mahuhugasan ang magandang suwerte.
Photo: healthline.com

Sa Korea, ang New Year’s Day ang perpektong oportunidad sa pagsisimula ng bagong taon para sa magandang panimula. Kadalasan, ang mga Koreano ay hindi hinuhugasan ang kanilang buhok sa araw na ito, dahil naniniwala silang mahuhugasan din ang magandang suwerte. Gayundin, hindi rin huhugasan ng mga estudyante ang kanilang buhok bago ang kanilang exam dahil baka mahugas din ang natamo nilang kaalaman mula sa kanilang pag-aaral.

  1. Ang pagsipol ay pagtawag sa mga espiritu
Photo: metroparent.com

Bagama’t ang pagsipol ay may kaakibat na nararamdamang saya, ito ay hindi pinahihintulutan sa South Korea, lalo na kung palubog na ang araw. Sa katunayan, matagal nang pinaniniwalaan na ang pagsipol sa gabi ay maaaring makatawag ng mga espiritu, kaluluwa, demonyo at mga nilalang mula sa ibang mundo. Gayundin, sa pagsipol ay maaaring may sumulpot na ahas imbes na mga espiritu.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits