Kilalanin ang mga Filipino Celebrities and Personalities na may “Luxurious” na Private Jet

KILALANIN natin ang mga Filipino na may “luxurious” na private jet na kanilang pribadong ginagamit para sa kanilang pagbiyahe na nagbibigay sa kanila ng “status symbol o kasikatan.

Sa nakalap ng POPBITS, ito ang mga ilang celebrities na may “multi-million pesos na aircrafts”:

  1. MANNY “PACMAN” PACQUIAO – siya ay bumili ng “Bell Jet Ranger Helicopter” noong 2012 na may halagang P18 million. Sa panayam kay People’s Champ Pacquiao na naging politician din, ginagamit niya ang kaniyang chopper para maabot ang mga mahirap puntahang lugar upang magbigay serbisyo sa kanyang nasasakupan noong siya ay Congressman pa ng Saranggani.

 

Photo from pep.ph

 

  1. LUIS “CHAVIT” SINGSON – siya ang nagmamay-ari ng “Boeing 737” na kadalasang ginagamit sa kanyang business trip. Noong September 2017, si Manny Pacquiao, ang nanguna dito upang sa pag-bless ang “Boeing 737” na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.

 

Photo from esquiremag.ph by Jason Quibilan

 

Dumalo din si dating Miss World Philippines Director Cory Quirino at mga kandidato ng Miss World Philippines. Matatandaang ang bayan ni Chavit sa Ilocos Sur ang isa sa mga destinasyon kung saan ginanap ang naturang pre-pageant activities.

Maliban sa Miss World Philippines candidates, pinahiram din ni Chavit ang kanyang aircraft sa Miss Universe 2016 pre-pageant activities sa bansa noong January 2017.

Noong Miss Universe 2017, ang mga kandidato ay sumakay sa private jet ni Chavit para bumalik sa Maynila pagkatapos nang kanilang trip sa Bohol at Camiguin.

 

  1. WILLIE REVILLAME – siya ay nagmamay-ari ng “Fairchild-Dornier 328” private jet na mayroong 30-seater aircraft, at kanyang binili noong 2011 sa halagang P200 million.

 

Ayon sa piloto ni Revillame na si Capt. Manuel Rivero, sa isang magazine, ang jet ni Revillame ay nagba-byahe papuntang Vigan, Ilocos Sur, Naga, Coron Bacolod, Aklan Cebu at Taclobac.

Taong 2013, si International Pop Superstar Justin Bieber pa mismo umano ang humiram ng jet ni Revillame nang nagpunta ito ng Taclocan para bisitahin ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sa oras na iyon, ang  private jet nito ay pumarada sa RSA hangga’t na-charge ng P1,000 per square meter at parking fee sa  halagang P100,000.

Napag-alaman din na ilang mga business tycoon ang nag-renta ng private jet ni Revillame na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P500,000 kada bhaye.

Ilan laman ang mga celebrites na ito ang nag e-enjoy sa kani-kanilang karangyaan sa buhay, marami pa sila.  ALLAN BERGONIA

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits