Mga Sanhi ng ‘Kasakit’

Normal sa kahit ano na mayroong buhay ang makaramdam ng sakit. Nilikha ang may buhay upang makaramdam ngunit, hindi pangkaraniwan ang mayroong dinadalang karamdaman.

Pain o sakit, pag-antos, pagdurusa, kawalan, pagkatalo, pagdurugo, pagka-abuso, kasakit, karamdaman, hinaing, kirot, sama ng loob, pagdurusa, kalungkutan o pagdadalamhati, iisa lamang ang ibig sabihin.

Kadalasan kapag nakaramdam ng sakit, ang gusto ng pasyente ay ang agarang lunas. Mayroong ilan na malubha, nakahahawa, traumatic, na nakapapanghina, maaring wala nang lunas at mauwi sa kamatayan.

Ang sakit ng isa ay maaaring maging sakit ng iba kung hindi malalapatan ng tamang lunas.

 

No Pain, No Gain

Madalas banggitin ni coach na “no pain, no gain,” habang pawisan ka at kinakapos ng hininga sa dikdikang training papunta sa victory at championship trophy. Para sa nagbabawas ng timbang, kailangan keribels ang program sa gym para ma-achieve ang goal na sexiness bago ang kapaskuhan.

Ang pananakit ng pisikal na pangangatawan ay maaring magbunga ng maganda sanhi ng pagsisikap na mag-burn ng fats at mag-streching. Hindi rin biro na i-motivate ang sarili araw-araw para sa regular diet at physical activities para ma-maintain ang earned figure.

 

What Doesn’t Kill You, Makes You Stronger

Bilang isang Pinoy, nasanay na ako sa trahedya, aksidente, bad news, sakuna, pagkakamali, giyera, pagkalasing, pagkadapa, pagkatalo pero bumabangon pa rin. Tulad nito, ang bansa ay dumaan sa iba’t ibang panahon mula sa matindihang pananakop ng Kastila, Hapon at Amerikano, hanggang sa Martial Law at walang katapusan na Civil War. Idagdag pa rito ang kaliwa’t kanan na pag-aaklas ng iba’t ibang grupo na sinabayan pa ng War on Drugs.

Isang himala na maituturing kung hindi makararanas nang malubhang pinsala ang bansa sanhi ng bagyo, pag-lindol o pagputok ng bulkan.

Sa kabila ng dugong inalay para sa kasarinlan, nanatiling matatag ang kapatiran. Kahit hindi makatarungan ang pagtaas ng presyo ng bigas at mayroong nagbabasag ng 4 na iltog ng balot sa inuman.

 

Let Yourself Heal

Imposible yung magic na sa isang snap ay fully heal na ang slightly broken heart mo na years mo ininda. Unless, naniniwala ka sa hypnosis and sa power ng law of attraction na puwede mo rin naman sabayan ng manifestation.

Well, marami namang ways on how to let yourself heal. Nature is one of the most powerful healer pero siyempre hindi ‘yung area gaya ng smokey mountain o tuyong ilog.

Travel is also a way to learn how to have a good, sober laugh with your new friends.

 

Matutong Mamaluktot sa Maikling Kumot

Isa sa normal na sakit ng Pinoy ang daing sa bulsa o “bulsatitis.” Pataasin ang pinakamababang wage salary ng isang manggagawa para maging sapat sa araw-araw ng pantustos sa isang pamilya.

Nariyan ang daing sa bayarin kuryente, tubig, cable, internet, cellphone loan, car loan, house loan, PAG-IBIG, insurance, SSS at PhilHealth.

Idagdag pa ang parcel ng shopee o lazada kase sale o free shipping o di kaya naclick ng anak kuno.

Reklamo sa trapiko kase ang daming under construction o kaya liko doon-dito na one way para magastos ang gasolina. Paano makatatipid si Maria, Juan?

 

Feel the Pain and Forgive

Mayroong aral ang martir at dakila, ‘yon ay ang feel the pain and forgive. Isang estado pagdating sa espirituwal ang marunong dumamdam at yumapos sa sakit upang matutong magpatawad.

Sino ang gugustuhin na masaktan, hindi lang chismisang pisikal kundi pati na rin sa emosyonal, pag-iisip at sa puso? Sabi ng makata sa tula, “yoon ay tila luha ng isang umiibig o ng sawi sa pag-ibig”.

Sa usapin ng pagiging isang relihiyoso, isang santo o santa na maituturing ang marunong magpatawad at hindi nanakit ng kapuwa.

 

Roses Have Thorns, Don’t They?

Hindi na bago ang usapin ng katatagan ng isang babae pagdating sa estado sa lipunan, ngunit nanantili itong mabango. Sa pagtuklas sa kamalayaan patungkol sa espiritu, ay isang sangkap ang katatagan patungo sa inaasam na paglaya.

Mayroong desisyon na nagawa na at hindi na mababago pa, tama ka o nagkamali ka, nangyari na ang nangyari. Na maaring dahilan ng takot mo na gumawa pa ng panibagong desisyon para sa ikakapagpabago.

It is your decision to gain something from pain or drown in dealing with feelings. Well, for me, I just hope you take swimming lessons when you can. Peace and harmony to us.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits