Ano nga ba ang Blockchain?

Narinig mo na ba ang “blockchain”? Ano nga ba ang makabagong teknolohiya na ito?

Bago ang lahat, tanungin din muna natin, ano ang isang database?

Ang database ay isang sistema na inilaan para sa madaling pag-aayos, pag-iimbak at pagkuha ng malalaking halaga ng data, ay tinatawag na isang database. Samakatuwid, isang koleksyon ng data.

Ano ang halimbawa ng database?

Kunwari sa inyong tindahan, may “database” ka ng mga may utang dahil sa pagkuha ng detalye (pangalan, produkto, magkano, petsa at iba pang impormasyon) at pagtala nito sa notebook. 

Ngayon naman, ano ang blockchain?

Ang BLOCKCHAIN ay isang uri ng database. Espesyal din ito dahil marami itong natatanging mga katangian.

Isang halimbawa ay mayroong mga alituntunin sa kung paano magdagdag ng datos at kapag naitago na ang datos, halos imposible ang pagbabago o pagbura dito.

Ang datos na nadadagdag sa paglipas ng panahon ay tinatawag na blocks. Ang bawat block ay ginagawa sa ibabaw ng huling ginawang block at nilalaman nito ang piraso ng impormasyon na nakakonekta sa nakaraang block. Kapag tinignan ang pinakahuling block, pwedeng makita na ginawa ito pagkatapos ng nauna dito. Kaya kung susuriin ang “chain”, makikita ang pinakaunang block – tinatawag itong genesis block.

Isipin mo na lang na para itong tetris kung saan pinagdidikit sa huling nadagdag ang ilang mga blocks upang makabuo ng chain.

Isa pang explanasyon dito ay ang pag-relate naman sa mga spreadsheet.

Ang teknolohiya na ito ay ang distributed ledger na teknolohiya (o DLT)

Bakit sumikat ang blockchain?

Ito ay ginagamit sa pangangalakal o trading, pagbili at pagbayad, pero pinakasikat itong gamiting investment. Karamihan sa cryptocurrencies gaya ng Bitcoin ay maaari kang makakuha o mag- withdraw ng pera sa mga ATM machines sa mas mababang charges.

Maari ding makabili ng token gamit ang tunay na pera, at dahil nakadepende ito sa market rates, maaring kaunti o marami ang mabibili na token.

Kaya maraming tao ang kumikita dito, at ang iba nga, ay nagsasabing naging mga milyonaryo matapos mag-invest sa cryptocurrency.

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits