Sa’n ka punta? To the moon. Roadtrip broom broom. Skrrr skrr.
Mahilig ba kayong mag-roadtrip ng barkada? Do you find far beaches or places interesting and exciting kasi mas matagal ang byahe at mas makakapagkuwentuhan kayo ng barkada?
Isa ka ba sa madalas umuupo sa passenger seat tuwing may roadtrip o ikaw ang laging taya at gamit na gamit ang driving skills?
Mukhang mas makaka-relate dito ‘yong madalas magmaneho sa barkada dahil for sure nakita na niya ang iba’t ibang ginagawa ng mga umuupo sa passenger seat.
Fasten your seatbelt and watch out!
- The sad ghorl/ sad boi soundtrip
Imbes na magising ang nagmamaneho ay makakatulog pa ito dahil sa senting tugtugan ng kaibigan mong nasa passenger seat. Sabayan pa ng maulan na panahon, naku, kung mala-Moira o Arthur Nery na tugtugan ‘yan ay tiyak aantukin ka sa pagmamaneho.
Pero tsek mo rin muna bago ka mag-react kasi baka naman may pinagdadaanan si friend.
- The Marites of the group
Tiyak na hindi ka makakatulog sa roadtrip dahil sa kuwentong Marites ng katabi mo sa passenger seat. Di na kailangan pa ng AM station sa radyo ng kotse kasi may taga-hatid na kayo ng latest and hottest news mula kay Marites. Baka nga lumagpas pa kayo sa destinasyon n’yo o maligaw pa kakakuwento niya tungkol sa bagong lovelife ni Karlo na kakatapos lang sa 10-year relationship nito o ‘yong toxic mong boss sa work.
- The non-stopper
Ang pagkakaiba nila ni Marites ay hindi lahat tsismis. Minsan lumalalim ang usapan. Lahat ata napag-usapan na ninyo, ‘wag lang makatulog ang drayber n’yo sa barkada. Tulog na ang lahat ng sakay kaya no choice ka but to like make kuwento para hindi kayo makatulog pareho.
- The silent passenger
Kung may most talkative, mayroon din namang most silent passenger. ‘Yong tipong ‘yong nagmamaneho pa ang kumakausap sa katabi niya sa passenger seat para malibang siya. Lesson? Tip: ‘Wag uupo sa passenger seat ‘yong super shy and quiet na friend para gising ang diwa ng drayber.
- The “saan na tayo?” club
‘Yong tropa mong tanong nang tanong kung nasaan na kayo kasi first time niya pupunta sa destinasyon n’yo. Baka naman maga-update sa jowa kaya panay tanong.
- The wazer
Hindi kompleto ang barkada kung wala ang nakatoka sa waze. Kung first time n’yo lahat pupunta at malayo-layo ito sa inyo, si waze friend malamang ang katabi nang nagmamaneho sa inyo para iwas-ligaw!
- The ihiin passenger
“Ihinto mo muna sa Petron o kaya sa NLEX, basta sa may CR,” ‘yong tropa mong ihiin kaya lahat na nang gas station o kainan na madadanan ninyo ay hinihintuan na para maka-ihi. Hinay sa pag-inom nang kape o tubig para hindi masyadong abala sa byahe lalo kung ihiin ka.
- The walking pantry
Masarap din kasama sa roadtrip ‘yong katabi mong marami palaging baon na chips at cookies dahil for sure, hinding hindi kayo magugutom. Tubig, juice, sky flakes? H/she got you!
- The hype person
Walang antok na madarama kapag ang katabi mo sa passenger seat ay super hype, sinamahan pa ng energetic na tugtugan na animo’y nasa bar or club kayo. Panalo! Gising lahat!
- Vlogger friend
That one friend na forda video o story palagi for IG and TikTok purposes. Isipin n’yo na lang may nagka-capture na ng happy travel moments n’yo together, share na lang o hingi ng kopya.