10 Hayop na Tamad

Madalas ka bang tinatamad o wala sa mood sa araw-araw? Tignan  natin sa ating listahan ng mga hayop na tamad kung sino ang kagaya natin sa mga hayop pagdating sa katamaran.

Nagi-guilty ka ba kung minsan sa iyong pagiging tamad dahil kadalasan ay mas pinipili mong mahiga sa sofa at maghapong manood o mag cellphone, well, para sa ilang hayop, everyday is a lazy day.  Simulan natin ang ating listahan ng mga tamad na hayop mula tamad patungo sa pinakatamad.

1.Pygmy Bluetongue Lizard–  Maihahalintulad sila sa kwento ni Juan Tamad dahil hindi sila umaalis sa kanilang kinalalagyan bagkus naghihitay sila na may dumaan na insekto na maari nilang makain, kung nauuhaw ay hindi rin sila aalis kundi aasahan nila ang raindrops o dew na maaari nilang makuha sa kinalalagyan nila. 

Hayop na tamad
Pygmy Bluetongue Lizard
Photo from grasslands.ecolinc.vic.edu.au

2. Cuckoo– May tatamad pa ba kung ipapa-alaga mo sa iba ang iyong anak mula sa kanilang pagkapanganak? Ganyan ang mga cuckoo, sa halip na sila ang mag-alaga sa kanilang mga anak ay isinisilang nila ito sa ibang nest ng ibang ibon gaya sa nest ng mga robins at warblers upang sila na ang syang mag-alaga. Iniiwasan nila ang demanding job ng parenthood.

hayop na tamad
Cuckoo
Photo from Wikipedia

3. Nurse Shark– Gusto mo ba yung kakain ka na lang nang walang hirap sa paghahanda? Ganyan ang nurse shark dahil sa kanilang abilidad na higupin na lang ang kanilang prey. Hindi tulad ng ibang shark species na kailangan nilang lumangoy para makahinga, ang mga nurse shark ay may abilidad na mag pump ng tubig gamit ang kanilang gills. Kaya naman sa iisang pwesto lamang sila at kakain kung gusto nila. Simpleng lifestyle!.

hayop na tamad - nurse shark
Photo from Wikipedia

4. Giant Panda–  Masandal-tulog ka ba? Masasabi natin na pareho kayo ng style ng mga Giant Pandas. Bukod kasi sa 10 oras na silang natutulog ay may mga iglip pa ito sa buong araw at kahit saan ito abutan ng tulog. Gigising lang ang mga giant panda kung sila ay kakain at ang kanilang paborito ay bamboo na low in nutrients kaya para makuha ang kailangan nilang enerhiya ay kinakailangan silang kumain ng 20kg ng bamboo.

hayop na tamad - giant panda
Photo from Wikipedia

5. Echidna– Kung buong araw ay hindi ka pinapawisan at mas active sa gabi ay ganyan din ang Echida o kilala din sa tawag na spiny anteater. Ang  echidnas ay mabagal kumilos at mayroong low body temperature kaya hirap sila sa mainit na panahon kaya naman sa umaga ay tulog sila at sa gabi naman ay sobrang active.

hayop na tamad - echidna
Photo from Wikipedia

6. Python– Kung makakita tayo ng litrato ng pythons sa mga libro ay nakikita natin na palaging nakapulupot, ito ay dahil tulog sila. Ang phytons ay natutulog ng 18 oras kada araw at mabilis na mapagod. Isang beses lamang sila kumain sa isang linggo at habang nag didigest sila ng kanilang kinakain ay mas mahaba pa ang kanilang tulog. So literal ang mga phytons ay kain- tulog.

Photo from Wikipedia

7. Hippopotamus– kung mayroong hayop na nakamaster na ng “art of lazing” ito ay ang mga hippopotamus na natutulog ng 16 hanggang 20 oras. Hindi lamang sa land natutulog ang mga hippopotamus kundi maging sa tubig, kung kailangan nilang huminga ay i-aangat lamang nila ang kanilang ulo para huminga kahit sila ay tulog.

Photo from Wikipedia

8. Opossum– Itinuturing silang “Champion Sleepers” dahil wala na silang ginawa kundi ang matulog. Madaling makuntento ang mga opossum dahil ang kanilang istilo ay maghahanap muna ng pwesto  kung saan mayroon na silang tiyak na makakain at hindi na aalis dito.

Photo from Wikipedia

9. Sloth– Literal na walang ginagawa ang mga sloth. Kung ang mga langgam ay nag-iipon ng makakain para sa panahon ng tag-ulan ang mga sloth ay kunteno na sa pagtambay nila sa mga  tree branches. Karaniwang nakikita ang mga sloth sa South America. Dahil wala silang nais na gawin, tulog sila ng 20 oras kada araw.

Photo from Wikipedia

10. Koala– Pagka-kain inaantok na agad? Ganyan ang karaniwan sa ating mga tamad- marahil mana lang tayo sa mga koalas.  Ang mga koalas ay kilala sa kanilang sleeping abilities at pagiging tamad. Karaniwan 2 hanggang 6 na oras lamang silang gising kada araw (18 hanggang 22 oras na tulog).  Ngunit huwag natin agad i-judge ang mga koalas dahil ang kanilang katamaran ay dahil sa kanilang diet. Ang eucalyptus leaves na paborito ng mga koalas ay mataas sa toxins at fibre kaya naman nangangailangan ng kanilang energiya para madigest. Sa pagdigest pa lamang ay pagod na ang mga koalas kaya madalas silang tulog.

#lazyanimals #katamaran #animalkingdom

Facebook
X
LinkedIn

Trending

  • All Projects
  • Bizarre
  • Capstone Intel Corp
  • Capstone-Intel's Press Release
  • Collectibles
  • Commentary / Opinion
  • Community
  • Community Announcements
  • Faith
  • Fashion
  • Intrigue
  • Life and Living
  • Lifestyle
  • Living Planet
  • News
  • Other News
  • Philippines News
  • Pop Culture
  • Quizzes
  • Social Intelligence Report
  • Sports/Betting
  • Tech & Science
  • The new entrep
  • top trending topics
  • Uncategorized
    •   Back
    • Sports Popbits
    • Entertainment Popbits
    • Technology Popbits
    • Business Popbits